Chapter 2: Freed

16.9K 423 47
                                    



ISANG linggo na si Savannah sa Miami. Kahapon ay bumalik na ng New York ang kanyang Tita Melody kung saan naroroon ang tirahan nito. Halos ayaw pa siya nitong iwan sa beach house ngunit nagpumilit siya. She wanted to be alone, to be away from everything. Gusto niyang maging malaya at magawa ang mga totoong gusto niya sa buhay. Ngunit ano ba talaga ang mga gusto niya? How sad. Ni hindi niya alam. Maybe she would search for them and find out?

Isang umaga ay nagpasyang lumabas ng bahay si Savannah at ginugol ang buong araw sa pagsha-shopping ng mga bagong outfits na hindi niya kadalasang isinusuot. Pauwi na siya nang may madaanan siyang tattoo and piercing shop. Iglap siyang nagdesisyon na pumasok doon. Ni hindi na siya nag-isip masyado kung ano ang gustong ipapa-tattoo. She asked for the Star Wars rebels insignia to be inked at the lower right part of her tummy. Really, really low.

Palabas na siya sa silid kung saan siya nilagyan ng tattoo at hindi pa rin siya makapaniwalang nagawa niya iyon. She was still staring at her fresh ink that was covered with Tatu-Derm as she was slowly walking to the cashier counter. Hanggang sa mapansin niyang may isang lalaking nakatayo doon na parang kanina pa siya pinagmamasdan. Dahil siguro nakababa ang garter ng kanyang maxi skirt at halos umabot na iyon sa singit habang tinitingnan niya ang kanyang tattoo. Pasimple siyang tumuwid at hinila pataas ang palda. Hindi naman lumabas ng shop ang lalaki pagkabayad nito, dumistansiya lamang ito sa kanya at panay pa rin ang tingin habang nagbabayad siya.

"Excuse me, Miss," sabi nito sa kanya nang palabas na siya sa pinto.

Liningon ito ni Savannah. Noon niya napansin na guwapo ang lalaki, napakaguwapo, in fact. Itim ang buhok nitong may maikling gupit, light brown ang mga mata. Hindi matulis ang tangos ng ilong at lalaking-lalaki ang hugis ng panga. He was tall— maybe six feet and two inches; broad and lean. His skin was light tan, maybe natural or kissed by the Florida sun.

"Yes?" pasuplada niyang sita dito.

Inilahad nito ang kanang kamay sa kanya. "I'm Caleb."

Nakikipagkilala ito sa kanya?

"I just can't help noticing you, sorry. Don't worry, I'm not a creep or something," awkward itong tumawa. "I like your tattoo, by the way. I got this one last year," saka sabi nito at inililis pataas ang manggas ng suot nitong asul na t-shirt upang ipakita sa kanya ang symbol ng Jedi Council na naka-tattoo sa itaas ng kaliwang braso nito.

Nice. Star Wars geek din ito gaya niya.

"Pinoy ka ba?" saka biglang sabi nito sa medyo pilipit na Tagalog nang hindi pa rin siya nagsasalita.

Noon na siya kusang nangiti. "Oo, Pinoy ako," sagot niya sa lalaking hula niya ay Fil-Am at tinanggap ang pakikipagkamay nito. "I'm Savannah."

Ipinagbukas siya ni Caleb ng pinto at sumunod ito sa kanya sa labas.

"Ganito ka ba sa lahat ng nakikita mong Pinay dito sa Miami? Nakikipagkilala ka?" usisa niya dito nang parang wala itong balak hiwalayan siya.

"Not really. Nagdadalawang-isip pa nga ako kung Filipino ka. You looked like a mixture of Spanish and Chinese."

"Oh." She raised one corner of her lip, and she didn't know she was actually capable of doing that. Ang flirty lang ng dating. "What is this, then? Pick up line?" lakas-loob niyang tanong.

Nagkamot sa batok si Caleb. "I just really wanna meet you. Well, kung walang magagalit."

Hindi niya napigil ang matawa sa accent nito kung nagta-Tagalog.

"Yeah, yeah. My Tagalog is rusty," tumatawang sabi naman nito.

"No, no it's fine. It sounds cute, actually."

Bitter (PREVIEW ONLY)Where stories live. Discover now