SHE'S like the weather, Caleb thought as she guided Savannah inside his home. So fucking unpredictable.
Umuulan noon nang malakas na may kasamang kulog at kidlat habang pauwi sila galing sa pagdi-dinner sa labas. Nagkasundo silang sa kanyang bahay muna tumuloy bago niya ihatid sa beach house ang dalaga.
"You have a big bike pala, bakit hindi mo iyon gamitin sa mga lakad natin nang masakyan ko naman?" puna ni Savannah na kandabali ang leeg sa paglingon sa nakaparadang Ducati sa garahe.
"Okay lang sa iyong umangkas sa akin?"
"Of course! Sabi ko naman sa iyo, susubukan ko lahat dito, 'di ba?"
"Okay then, next time."
Hinarap siya nito nang makarating sila sa salas ng bahay. "Cal, stop treating me like a China doll. I'm a girl but I'm not delicate or fragile," seryosong sabi nito sa kanya. "I'm stronger than you think."
"I'm not treating you like a doll." Shit. Ibang doll ang nasa isip niya ngayon. Sex doll.
Hindi niya ikakailang sa unang tingin pa lamang niya noon kay Savannah sa tattoo shop ay naging interesado na siya dito. Too bad she didn't want to date him. Hindi na siya nagpumilit pa tungkol doon dahil ayaw niyang masira ang samahan nila nito. Masaya siyang kasama ang babae. It was like a breath of fresh air. Normally, puro sex ang nangyayari kapag may kasama siyang babae.
Hindi rin niya itatangging gusto niyang maka-sex si Savannah. He was still lusting over her in silence. Ayaw niya naman itong akitin at landiin dahil gusto niyang kusa itong bumigay kung sakaling may nararamdaman itong pagnanasa para sa kanya.
Shit. That kiss in the beach was just too hot, by the way. He wanted to do more than that— his hand wanted to hold not just her boobs but ever inch of her gorgeous body. Kinailangan niyang magpigil, at hindi niya alam kung kailan na niya huling nagawa iyon sa isang babae. He was always ready for sex. Ngunit alam niyang naglalaro lamang si Savannah De Villa. Nagwawala.
Damn. Why couldn't he just drop the bullshit and play with her? Anong mayroon sa babaeng ito na wala sa iba at napagtitiyagaan niya itong nakakasamang walang seksuwal na nangyayari sa pagitan nila?
Maybe because he could see beyond her fierce facade. He could sense her naïveté being camouflaged by her feistiness and boldness. Para itong isang ibong matagal na nakakulong sa hawla at ngayon lamang nararanasang lumipad. At pataas nang pataas ang lipad nito, gustong makipaglaro sa ibang mga ibon, sa mga ulap. Hindi ito nagpapapigil sa kanya, at hindi niya naman ito kayang suwayin kaya nakaalalay na lamang siya dito sa paglipad nito. Ayaw niyang mabalian ito ng pakpak o tangayin ng malakas na hangin palayo.
"Is this you?" nakangiting tanong ni Savannah nang mapansin ang picture frame na nakapatong sa console table. Dinampot nito ang larawan kung saan kasama niya ang pamilya.
Nagkamot ng batok si Caleb bago sumagot. "Yeah."
"You looked sooo cute!" gigil na sabi ng babae at nagmuwestrang parang pinipisil ang kanyang mga pisngi sa larawang may dalawampung taon na rin yata nang kunan iyon. Kasama niya doon ang ama't ina at si Clarisse, ang kapatid niyang matanda sa kanya ng limang taon.
He wrinkled his nose. "Fat, you mean."
"Chubby."
Tumawa siya. "Hindi mo kailangang magpaka-politically correct sa akin. I told you that you can tell me anything, Savannah. It's okay to call me fat in that picture because that's the truth. Hindi ako mao-offend."
Inilapag na nito ang picture frame. "'Di bale, hindi ka na fat ngayon."
"Not until like two years ago. I was always overweight."
YOU ARE READING
Bitter (PREVIEW ONLY)
General FictionSavanna De Villa's story. Spin-off of Lies and Seductions. PREVIEW ONLY here in Wattpad. Complete and uncut story is available on my Facebook VIP group. Message us on Mandie Lee page to subscribe, search TheMandieLee in Facebook.