She's Bitter in LOve!!? Chapter 1

370 18 9
                                    

CHAPTER 1

TONI's POV

Grabe, inaantok pa talaga ako.. whooaahh!! Bakit naman kasi ang tagal kung natulog kagabi, yan tuloy palagi nalang akong puyat.. ang payat payat ko na nga, nagpupuyat pa talaga ako.. huhuhu. Hindi ko naman kasi matiis na hindi panuorin yung korean novela na that winter the wind blows, grabe lang, ang ganda ng story nayun.. Oooyy, mali iniisip niyo hah.. kahit love story yun hindi ako kinikilig sa mga ganun nuh! ang oa kaya nun!! bitter nga ako sa love diba?  Ang totoo eeh, ang gusto ko sa story nayun eehh, ang tatag ng pagkakaibigan ni Gino, Cindy at Xander. Grabe lang talagang ang tibay nila.. kahit anong pagsubok, ginawa talaga nila para lang di mapahamak ang isa't isa.. waaahhh!! nagiging story teller na ako nito, panuorin niyo nalang para maintindihan niyo.. hehehe. Oooppss!! skiribugss!! masyado na pala akong madaldal ni hindi ko pa napakilala sarili ko, sorry naman masyado lang talaga akong madaldal minsan.:) By the way, ako nga pala si Toni Villarosa, 17 yrs. old at 1st year college napo ako.. yung course ko kung kinuha? well, nakakahiya, ang cheap kasi.. haha joke lang! BEEd po, Bachelor of Elementary Education sa University of tooot. . okay nato, kahit hindi ko gusto.. hahaha, wala kasi kaming sapat na pera para sa kursong nais kung kunin kaya, heto, nagtitiis maging guro.. huhu, ang hirap kaya nun.. pero oks. lang.. pagtitiisan ko nalang:)

"Hoy toni!! wala ka bang balak pumasok sa paaralan ha!?"

Bumalik lang ako sa katinuan nung tinawag ako ni mama mula sa kusina..  tiyak na umuusok nayung tenga nya ngayon.. Naku patay!! Oo nga pala, may pasok pa ako ngayon.. aissh!! bakit ba kasi nawala yun sa isip ko..

"Opo ma!! maliligo napo ako.."

"Bilisan mo diyan..  at baka malate kapa sa klase mo.. Talagang ang bagal mo kahit kailan!"

Haaayy!! eto nanaman si mama, nanenermon na naman, MU na tenga ko sa mga sermon niya.. kasi naman kasalanan ko naman talaga.. pssshh!! makaligo na nga lang..

After 15 minutes...

Sa wakas! I'm fresh like a chicken nah... waahh! kailan naging fresh ang chicken.. eeh, hindi nga 'yon naliligo eeh,, tssk! bopols ko talaga kahit kailan..

"Brrruu.. brruu.." waaahh!! tumunog na yung mga alaga ko sa tiyan.. nagiging wild nanaman sila.. huhuhu :( humihingi nato ng mga ayuda.. tssk!!

"Okay, wait lang mga alaga hah.. papakainin ko na kayo.. easy lang.. wa maging wild diyan.. stay put!! " pra nakong timang dito, kinakausap sarili ko.. gutom na siguro talaga ako.. pati utak ko naapektuhan narin.. huhu

"Oh, buti at bumaba kana.. akala ko natutulog kapa dun sa cr.. grabe, bakit ba ang tagal mong matapos sa pagligo hah?"

"Eehh, siyempre ma, para malinis talaga ako.. para naman mawala yung mga dumi ko sa katawan nuuhh.."

"Mawala ang dumi?? eeh baka naman buto mo yung mawala sa tindi ng pagkiskis mo sa balat mo.. ang sabihin mo.. pinapakintab mo lang yang mga buto mo sa katawan.. wahahaha"

"Grabe naman kayo makapanglait ma.. kahit naman payat ako, eehh, may natitira paring laman tong katawan ko.. " huhuhu, nasasaktan ako.. T_T

"Eehh.. yung anak ko, nagtatampo"

"Ang sakit kaya nun.. tumagos dito.." sabay turo sa puso ko.

"Sorry na anak.. eehh, parang di kana nasanay sa akin.. nanglalambing lang naman ako.. "

Hahhaha,grabe si mama para lang bata, kaya love na love ko to eehh..

"Hahaha, opo mama sanay napo ako sa inyo. Kahit nanglalait kayo, love na love ko po rin kayo!! I love you mama.. " niyakap ko nalang si mama, eehh hindi ko naman to matiis ehh, kasi naman kami nalang dalawa dito sa bahay, tapos magtatampo pa ako sa kanya, edi hindi na makatarungan yun nuuhh.. Maaga kasi kaming iniwan ni papa, namatay siya sa sakit na tuberculosis, siguro mga 3 taon palang ako nun.. tapos si kuya.. na sa ibang bansa nagtatrabaho para narin makatulong samin ni mama.

"Oh.. kumain kana.. baka malate ka nanaman.. ramihan mo yung kain para kahit pano tumaba ka diyan.."

"Mama naman eehh!!" binelatan ko nalang siya.. haha, nakakatuwa talaga tong mama ko.

After 5 minutes..

Mama!! pupunta napo ako sa skul!! bye po! I love you! Sinigaw ko nalang kay mama yung pagpaalam ko, kasi naman may ginagawa pa siya sa kusina.. hehe ang sipag talaga ng mama ko.. kaya lagi niya akong pinapagalitan ehh, porket daw para akong baboy, walang ibang ginawa kundi matulog, kumain, magbawas ng dumi.. hahaha, bait kung anak nuh!! ang sipag ko!! tsskk! ehh anong magagawa ko, talagang pinanganak akong tamad.. :P

Pagtingin ko sa relo ko, oo relo ko talaga.. haha, naku patay! 8:25 am naah! waah!!  malalate nako nito, bakit ba kasi kung saan lumilipad tong utak ko! psssh!! Kailangan mong mag madali toni.. late kana!! 8:00 yung klase niyo.. baka mahuli kapa at pagalitan ka ng iyong magandang guro sa filipino.. pffft!!!                                                                                                                                    

She's Bitter in Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon