She's Bitter in Love!!? Chapter 4

113 13 3
                                    

CHAPTER 4

TONI's POV

Nagmamadali ako ngayon papunta sa rooftop kung saan nandun yung classroom namin.. baka kasi malate pa ako..

Isang hakbang nalang sana para makapasok ako sa classroom namin ng may humarang sa dinadaanan ko at pagtingin ko, nakita ko ang isang nakakatawang nilalang na pumapagitna sa dinadaanan ko.. psshh!! hahaha.

"Uhmm.. excuse me ha? dadaan lang.." tsk! anong problema  ng mokong nato.. may nalalaman pa siyang harang-harang.

"Pano kung ayoko?" mayabang niyang pagkasabi.

Lakas din ng tupak nito.. sino ba siya para hindi ako padaanin.. para lang walang nangyari kahapon ahh.. hahaha,. Hmmm, mapagtripan nga..

"Bakit? sino ka ba sa inaakala mo? Ehh, ikaw lang naman yung umotot kahapon,.. makaasta ka diyan parang sayo tong skwelahan.. psshh! alis nga!!"

"Bakit ikaw? sino ka ba sa inaakala mo? bakit ba ang yabang mo hah? sino ba yang pinagmamalaki mo?"

"Mister kung sino man ang mayabang sa atin dito, ikaw yun at hindi ako.. at wala akong ipinagmamalaki.. kaya pwde ba? umalis ka na diyan at dadaan ako.." sabay ngisi ko sa kanya ng mapait..

"Psshh!! Ikaw ba, talagang hindi mo ako kilala?"

Ano naman pakialam ko kung sino siya.. duuhh!!

"Hindi!! at wala akong balak makilala ka.." sabay bangga ko sa kanya, para naman makadaan ako nuh.. nakaharang kaya siya sa may pinto.. Mabuti nalang wala pa yung mga kaklase ko..

"Psshh!! sige lang babaeng utotera.. magmayabang ka lang.. papalampasin ko tung ginawa mo sakin ngayon.. pero sa oras na magkasalubong landas natin, magdasal kana.. kasi pagbabayaran mo lahat ng utang mo sa akin.. LAHAT!!"  sabay alis niya..

Psshh!! sa pagkakaalam ko wala akong ginawa sa kanya ngayon.. bakit? nag-usap lang naman kami ahh.. hindi ko naman siya binugbog.. at sa pagkakaalam ko rin..wala akong utang sa kanya.. kaya anong pinagsasabi ng lalaking yun na pagbabayaran ko lahat ng utang ko sa kanya?  Siguro may tupak nayun sa utak. tsss...

XANDER's POV

  Ang babae nayun.. bakit ba ang yabang niya.. at talagang hindi niya ako kilala!! sa pagkakaalam ko lahat ng estudyante dito sa campus ay kilala ako..kami ni roy.. pero bakit siya hindi ako kilala? Sabagay.. malayo sa sibilisasyon yung room nila.. kaya talagang may hindi nakakakilala sa akin.. pero sa pagkakaalam ko.. yung mga estudyante sa rooftop kilala ako.. kasi naalala ko nun.. nung paakyat ako sa rooftop para magpahinga..nagsigawan ang mga babae nung makita ako..

Ayyyyyyyy!! bakit ko pa ba pinapagod yung sarili ko sa kakaisip kung bakit hindi niya ako kilala.. siguro nga hindi lahat dito sa campus kilala ako.. ang mahalaga ngayon ay ang pagtupad ng plano.. isang plano para mabayaran ng babaeng yun, yung mga ginawa niya sa akin.. Lahat ng pagpapahiya niya sa akin.. sisiguraduhin kung wala na siyang mukhang mahaharap pagkatapos ng gagawin ko.. whahaha *evil laugh*

**FAST FORWARD**

TONI's POV

Hayyy sa wakas!! natapos din ang boring na araw na to.. hehe,makakauwi ako ngayon ng maaga ahh.. waaahh!! ang saya naman..makakapag pahinga ako nito.

"Oyy.. toni, hindi muna tayo sabay umuwi ngayon ahh.. may lakad pa kasi kami ni eric ehh..hehe"

Haayy.. ang bruha kinikilig,siguradong magdadate nanaman sila ng kanyang boyfriend.. psshh!!

"Ohh sige.."

"Sigurado ka? wala kang hinanakit na naramdaman diyan?" saby turo niya sa dibdib ko..

"Psshh!! para kang ewan..oo nga..okay lang ako.."

"Sige, bye!! ingat.." sabay takbo niya.

Masyado lng excited? hahaha, talagang si more parang loka-loka.. hahaha

Pababa na ako ng hagdan.. oo pababa hindi pataas..alangan namang pataas ehh uuwi nanga ako.. hahaha,loka-loka lang..

Napansin ko lang bakit parang lahat ng tao nakatingin sa akin.. hindi pa ba sila sanay na makakita ng pangit? psshh!! naku!! baka naman meron ako ngayon..yung alam niyo nah..yung ano..basta!! ayy!! yung para lang sa babae.. yung DOT!!

Kaya ang ginawa ko.. pumunta muna ako ng cr para masiguro kung natagusan ba ako.. pagpasok ko sa cr.. agad kung tiningnan.. alangan namang tumunganga lang ako nuh.. Pagtingin ko.. wala naman.. pero bakit nila ako tinitingnan ng ganun.. para bang pinagtatawan nila ako at pinagbubulungan.. psshh!! siguro wala lang silang magawa kaya nagawa akong pagtripan..

Bubuksan ko na sana yung pinto ng may marinig akong nagtatawanan na mga babae sa labas at may pinag-uusapan.. na curios ako bigla kaya napagdesisyonan kung makinig muna kung anong pinag-uusapan nila.. oyyy..  chismosa rin ako minsan nuh.. hindi lang halata. hehe

Girl1:"Excited na ako bukas..hehe"

Girl2:"Ako din.. sigurado akong masaya eto.. hahaha,may bago nanamang biktima.."

Girl3:"Hahaha, dali na..alis na tayo.. para makapaghanda pa tayo bukas.. hahaha"

Anong meron bukas? may activity bang gagawin? wla naman akong narinig ah..psshh!! siguro meron nga.. pero.. ano yung biktima? ayyy.. wag ko na ngang problemahin yun.. hindi naman yun mahalaga..

Lumabas nako ng cr, at nagpatuloy ng maglakad papunta sa gate para makauwi.. pero yung mga tingin parin ng mga tao ang kinababahala ko.. ano bang meron sakin at parang nandidiri sila? Aisshh!! wag na ngang pansinin.. siguro inggit sila sa kagandahan ko..ahehehe..

VOTE AND COMMENT.. DITO MUNA TAYO.. ENJOY THIS CHAPTER..

ABANGAN NIYO YUNG NEXT CHAPTER.. HAPPY READING :D

-YEPPEUJIJENIBE

She's Bitter in Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon