CHAPTER 5
TONI's POV
Nandito na ako sa school ngayon..umagang-umaga pinagtitinginan parin ako ng mga tao dito. Grabe!! kahapon pa sila tingin ng tingin sa akin..ano bang meron sa mukha ko at bakit ganyan sila kung makatingin? Hindi naman ako nag transform.. ganito parin ako walang pinagbago..payat, pangit, at kulot ang buhok.. psshh!! binibwesit nila ang araw ko..kung makatingin wagas!!?? grabe lang, ang sarap tusukin ng mga mata nila..grrrrrrrrrrrrr!!
"Hoy toni!!"
"Ay palakang walang dila!" whooo gulat ako dun ahh..
"Grabe ka!! brutal mo talaga.. hmmpp!!"
"Ehh, bakit kasi bigla kang sumusulpot diyan!? Kita mong may iniisip ako dito.."
"Ano ba kasi yang iniisip mo?? ayeee!! may lablife kana nuuhh?? ayeee!!" sabay tusok-tusok niya sa tagiliran ko.. Grabe tong si more kaloka!!
"Ano ba!! lablife ka diyan!! hello!! baka pumuti na yung uwak ehh wala pa ako nun..tsk!!"
"Ehh, ano baki yang iniisip mo?"
"Kasi..yung mga tao dito sa skul.. parang lahat sila nakatingin sa akin.. ano bang meron sa itsura ko?" sabay tingin ko sa kanya at naghihintay ng sagot..
Pero si more walang ibang ginawa kundi tignan ako mula ulo hanggang paa.. Grabe ang babaeng to.. siguro nilalait na ako nito isipan na walang pasabi..
"Hmmm.. wala namang nagbago sayo.. ganun parin manang..hahaha"
Binatukan ko nga!! sabi ko na ngaba..nilalait na ako nito..
"Aray hah!! kung maka batok ka parang wala ng bukas diyan. hmmpp!!"
"Kasi ikaw ehhh..nilalait mo nanaman ako.."
"Hahaha..ano ka ba.. toto naman ehh.. hahaa, at tiyaka wag mong pansinin yang mga tumitingin sayo.. inggit lang siguro yan sa mala diyosa mong kagandahan.. hahaha"
"Psshh!! neknek mo!!" sabay belat ko sa kanya..
Naglalakad na kami ni more ngayon sa corridor.. yung mga estudyante dito..ganun parin pinagtitinginan parin ako.. ay hindi na pala ako nag-iisa.. kasi pati si more pinagtitinginan narin.. hahaha.. pero ang luka hindi narin maipinta ang mukha..
"Oooyy toni.. ano ba kasi ang meron?? may dumi ba tayo sa mukha?"
"Ewan ko.. kahapon pa nga sila tingin ng tingin sa akin ehh.. hindi ko nga maintindihan.. parang may masamang balak sila sa mga tingin nilang ganyan.." bulong ko kay more..
"Baka naman may ginawa kang hindi maganda.."
"Tsss.. ano naman ang gagawin ko..kilala mo ako..ni hindi nga ako lumalabas ng classroon natin nuh..lumalabas lang ako kung uwian nah.. tapos may gagawin pa akong masama sa kanila.."
Haayy.. nababahala na ako nito..pakiramdam ko kasi may mangyayaring hindi maganda..
"Tsss... ano ba kasi ang meron.. teka.. kung magtanong kaya tayo.."
"Ayaw ko nga.. baka kainin pa ako ng mga taong yan nuh kapag lumapit ako.. ikaw nalang.."
"Haayy.. napaka mo talaga.."
"Sige..magtatanong lang ako sandali.. diyan ka lang hah..hintayin mo ako para sabay na tayo.."
"Okay.. bilisan mo hah.."
"Okay.."
At ayun.. tumakbo na si more papunta dun sa mga grupo ng kababaihan.. siguro kaibigan niya yun yung mga yun.. palakaibigan kasi siya ehh.. hindi katulad ko..hehehe,kaya nga siguro mabibilang ko lang sa mga daliri ko yung mga nagiging kaibigan ko..hindi kasi talaga ako komportable magkaibigan ng kung sino-sino..

BINABASA MO ANG
She's Bitter in Love?
Teen FictionAlam mo ba yung tinatawag nilang LOVE? siguro marami narin sa inyo ang naniniwla sa LOVE na yan.. kasi nga diba, sabi nila pagwala kang Love, hindi ka mabubuhay sa mundo ito na nag-iisa lang.. dapat daw, may kapartner, yung tinatawag mong sayo lang...