CHAPTER 7
XANDER's POV
Dinala ko si toni sa rooftop, dun lang nman kasi ako sigurado na walang mga tao.. Hinahawakan ko parin yung kamay niya.. habang siya patuloy paring nakayuko at umiiyak..
"Malayo kana sa kanila kaya wag kanang umiyak diyan.." i told her with a low voice..
Patuloy parin siyang sumisinghot singhot habang nakayuko parin..Hindi man lang ba nangangawit ulo nito sa kakayuko? Hayyy.. Ano ba dapat gawin ko dito? Ni hindi nman ako marunong magcomfort ng isang tao..
"I said stop crying.. malayo kana sa kanila.. wala ng mananakit sayo..kaya pwede ba tumahan ka na diyan.."
Napahawak nalang ako sa ulo ko ng mas lumakas pa yung iyak niya..ano ba gagawin ko? Ughhh!!
"Heyy.. magsalita ka naman diyan.. para akong tanga dito na kinakausap sarili ko ma--"
"Thank you.. *sniff*"
Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng magsalita siya..
"Thank you sa pagtulong mo sa akin.. maraming salamat talaga.. *sniff* sniiff*"
Nag-angat siya ng mukha at tinignan ako nang matamaan sa mata.. Nakita ko yung mukha niya na nababasa ng kanyang mga luha.. and. .weird feeling strike again..
Habang nakatingin ako sa kanya.. napansin kung parang nag-iba yung ekspresiyon ng mukha niya. .biglang kumunot ang noo habang naningkit ang mga mata..
"Ikaw!!??" sabi niya nang hindi makapaniwala.. pssshh!!
"Yes.. ako.. walang iba kung hindi ako.." with matching killer smile.. :D
Mas lalong kumunot yung noo niya.. at ngayon hindi na naniningkit yung mga mata niya.. yung kilay niya naman ang nakataas.. pssshh!! amazona talaga.
"Ohhh.. para saan naman yang pataas-taas mong kilay hah?"
"Hindi ka makapaniwala na ako yung nagtulong sayo? Hehe.."
"Hindi.."
"Halata sa itsura mo.. pero okay na yung nag thank you ka.."
"Psshhh!! pero salamat talaga, teka? bakit mo nga pala ako tinulungan.. diba galit ka sa akin?"
"Naaawa na kasi ako sa lagay mo.. para kang ewan dun.. kaya naisipan kung tulungan nalang kita.."
"Oo nga ehh.. hindi ko nga alam kung bakit ako pa yung pinagtripan nila, ni wala nga akong ginawa sa kanila na masama.. haaayy.. siguro may nag-utos sa kanila na gawin to sa akin.."
Parang bigla yatang bumilis ang tibok ng puso ko sa mga sinabi niya.. Hindi nga pala niya alam na isa ako sa mga nag-utos na gawin yun sa kanya.. pero, para namang nagsisi na ako sa ginawa ko ehh..
"Teka.. diba sabi mo sa akin noon na magdasal na ako pag nagkasalubong ang landas natin.. sino ka ba talaga dito?"
"Ahhh.. wala lang yun.. tinatakot lang kita.. he-he.."
"Nyeee.. haayyy, pano na ako nito, basang-basa ko nah.. huhu, hindi naman pwede na umuwi ako sa amin na ganito.. sigurado akong tatanungin ako ni mama.."
Hindi ko alam, pero parang nakadama ako ng lungkot ng sabihin niya yun.. nang dahil pa sa akin, naging ganito siya.. binibigyan ko ng problema ang babaeng itoo..
"Bakit ba kasi hindi ka tumakbo ng gawin nila yun sa iyo? parang pinako na yung mga paa mo dun.. akala ko pa naman uumakmagan mo yung mga bumubully sa iyo dahil sa palaban mong ugali.. tssk!"
"Hindi ko ngarin alam.. pero kasi natatakot kasi ako"
"For what??"
"Na.. saktan nila ako.."
"Sinasaktan ka na nga nila diba?"
"Psshhh.. gusto ko nang magpahinga.. kaso, san ako pupunta nito..?"
"Your changing the topic.. pero, kung gusto mo, sumama ka na muna sa akin.."
"Huh? ako? sasama sayo? saan?"
"Nahhh.. ang dami mong tanong.. just follow me okay?"
"Pero.. kasi.."
"Halika na nga.."
I hold her hand.. bahala na kung saan kami mapunta nito.. I just want her to take a rest, i'm sure kasi na talagang pagod siya.. at dahil yun sa kagagawan ko.. psshh!!
WAHHHHH!! AFTER 2458308648 YEARS.. NAKA UPDATE NARIN AKO.. WHAHAHA, SORRY FOR VERY VERY LATE UPDATE GUYS.. SANA MAGUSTUHAN NIYO TO.. TSUP TSUP.. MWAAHHH!! :)
-YEPPEUJIJENIBE
BINABASA MO ANG
She's Bitter in Love?
Novela JuvenilAlam mo ba yung tinatawag nilang LOVE? siguro marami narin sa inyo ang naniniwla sa LOVE na yan.. kasi nga diba, sabi nila pagwala kang Love, hindi ka mabubuhay sa mundo ito na nag-iisa lang.. dapat daw, may kapartner, yung tinatawag mong sayo lang...