Monday na nanaman ngayon kaya back to School nanaman. Napakasaya.
"Oy FC ang tagal mo! Nagpapaganda ka pa ba para sakin? Tsk, sabi ko naman sayo ako na mag-aadjust eh, ako na magpapapange---ay tae!" Binato ko sa kanya yung Hair brush. Nakakaasara kasi eh.
"Edi umalis ka na! Sino ba kasi nagsabing sabay tayo?" Tanong ko.
"Ako! Gusto ko magkasabay. Alam mo ba yung kasabihan na 'no man is an island'?"
"Oh tapos?" Tanong ko.
"Sabay nga tayo" pilit niya. Ayoko nga, panigurado famous to sa school dahil may itsura, mapagtripan pa ko lalo.
"Ayoko. Gulo ka. Manyak" sabi ko.
"Wow amans! Ang sakit nun ah. What do you take me for?" Sabi niya at umakto nang nasasaktan.
"Bahala ka nga dyan. Alis na ko" sabi ko at sinuot ang salamin at retainer ko.
•
"Oh my gahdddd, he's here na! How do I look?"
"Well duh, less beautiful than me of course!"
"Shut up girls! Ayan naaa"
Yung transferee pa rin ang usapan hanggang sa magstart ang klase.
"Class quiet!!! I have an announcement to make" anunsyo ng teacher namin.
All ears were on her obviously dahil puro makakati at echosera ang classmates ko.
"Today, a transferee from ASU is joining us in our classes" sabi ni ma'am at nagstep-aside para makapagpakilala yung transferee.
"Hi. I'm Matt Stephen De Villa. I came home from Korea and I hope you take care of me well" sabi niya at nagbow as a sign of respect.
Napabuntong hininga naman ako. I already had a hunch na baka siya nga yung transferee so I didn't even bother to get surprised.
Nakatingin lang ako sa kanya wearing my cold stare. Nakatingin din siya sakin. Nangungusap yung mata niya. It's like he wants to tell me something pero hindi ko alam.
"You can now sit beside Ms.Aduella" utos ni ma'am. Napangisi ako sa isip ko, bagay silang magkatabi ni Emerald. Pareho silang bwiset sa buhay ko.
"Ma'am can I sit beside Ms.Kanbara instead?" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya at ngayon hotseat naman ako.
Para akong tinutusok ng mga makakating kaklase ko ngayon dahil sa tingin nila.
"S-Sure. Mr. Guevarra sit beside Ms.Aduella" utos ni Ma'am sa katabi ko at dun naman umupo ang bastardo ni Papa.
"I guess we'll be having a sibling bonding huh?" Asar niya pero hindi ko siya pinansin at nagtuon lang ako ng pansin sa blackboard.
Nakakaasar yung mukha niya. It ruins my day. It ruins my life.
•
Kakatapos lang ng morning classes at lunch time na. Nagulat ako nang may umakbay sakin.
"Oy FC! Buti we bumped into you" simula ni Drei.
Napakunot naman ang noo ko at inobserbahan ang mga tao sa paligid. Onti lang ang nandito sa hallway dahil nasa Cafeteria na yung iba.
BINABASA MO ANG
Serendipity [UNDER REVISION]
Teen FictionA/n: this is under revision po as you have read on the title kaya I suggest na huwag niyo muna pong babasahin dahil may babaguhin pa akong scenes at idadagdag na chapters sa story kasi medyo magulo yung pagkakasunod-sunod. Hehe. 감사함니다! "Do the dare...