Miyuki's POV
Bakit may kumikirot sa bandang dibdib ko? Aish! Huwag mong sabihin may sakit ako sa puso?
"Uy Mel, what brought you here?" Tanong ni Storm.
"Malamang na pupunta ko. Kasali kaya boyfriend ko sa laro!" Sagot niya at ewan ko kung guni-guni ko lang pero sumulyap siya kay Stephen at nakangiti naman si Stephen sa kanya
'Kasali kaya boyfriend ko sa laro!'
'Kasali kaya boyfriend KO'
'BOYFRIEND KO'
Paulit-ulit ume-echo sa utak ko yung mga sinabi nung babae.
"well, hindi niyo ba ko ipapakilala sa kasama niyo?" Bumalik ang diwa ko ng magsalita yung babae.
"Ay oo nga pala! Melissa, this is Miyuki. Miyuki, siya si Melissa" pagpapakilala ni Renz at nagkwentuhan na sila. Tahimik lang ako habang umiinom ng juice.
Nakatulala lang.
Habang tinitingnan ko sila, nai-imagine ko na napaka-elite tingnan ni Melissa at para bang siya ang Prinsesa ng mga prinsepe.
Ang layo ng agwat ko sa kanya. Kumabaga sa floor, ako yung 1st floor tapos siya yung nasa highest floor ;(
*toink* (sound effects yan. Pagpasensyahan!)
"Aray naman! Bakit mo ginawa yun?" Naiinis na tanong ko sa kanya habang hinihimas ang ilong ko. Piningot ba naman eh!
"Nakatulala ka kasi diyan! Bakit ka ba nagdadrama?" Nang-aasar na sabi niya at umupo sa tabi ko.
"Hindi ako nagdadrama. Hindi naman ako artista eh" sabi ko. Madrama ba ko?
"Ewan ko sayo. Wala namang nagsabi eh. Biruin mo yon? May food pig palang madrama? Haha" pang-aasar niya at ngumiti ng pilyo.
Nag-pout naman ako "Ah talaga MR.BUNNY? Hahahaha" pang-aasar ko pabalik.
"Mukhang nagkakatuwaan kayo jan ah?" Biglang pansin ni Melissa. Hala baka kung ano isipin niya.
"Hala wala kaming ginagawa Mel-"
"Defensive siya uy! Haha" pang-aasar ni Kyler kaya namula ko.
"♪Pag-ibig na kaya~ Pareho-" -Storm & Paul.
"Isa pa. Sige lang magkaka-black eye na kayo" banta ni Stephen sa kanila.
"Wag naman Boss, haha sayang ang napakinis na kutis ko!" banat ni Trigger.
"Ay ang kapal pa din talaga ng Noo mo Trigger! haha" biro ni Mel sa kanya.
"Okay participants, sisimulan na natin ang third round" biglang nagsalita si MC.
Huh? Nagperform na ba yung Furious Hawks? Baka di ko lang narinig hehe.
"So in this round you need teamwork, invovled ang muses ng each teams and the one who will not participate will be eliminated from the game pati ang ka-members niya. Is that crystal clear? And one more thing guys, the play should have a theme about LOVE" sabi nung MC at tumango naman yung audiences-HUWAATTT??
So kasama ko???
"Hala paano yan-"-ako
"Lets start off with the Blue Lions!" Kainis naman eh!!!! Magmumukha lang akong tanga diyan :'( huhuhu.
Pumunta na kami sa gitna ng court at nagtitigan.
Ang tahimik sa auditorium, nakakatitig silang lahat sa kung anong gagawin namin.
BINABASA MO ANG
Serendipity [UNDER REVISION]
Dla nastolatkówA/n: this is under revision po as you have read on the title kaya I suggest na huwag niyo muna pong babasahin dahil may babaguhin pa akong scenes at idadagdag na chapters sa story kasi medyo magulo yung pagkakasunod-sunod. Hehe. 감사함니다! "Do the dare...