10 ❤ Gusto

165 8 0
                                    

Miyuki's POV

Hayy nakoooooo!!! Its Monday nanaman!!!

Nakagayak na ko para pumunta sa School, I mean KAMI pala. Kaso ang problema, wala kaming DRIVER!!! Wala pa kaming license para mag-drive kasi under age pa kami.

"Tawagan mo nalang Driver niyo sa bahay" suggestion ni Pervert.

Oo nga no? Bakit di ko naisip yon?

Agad ko namang tinawagan si Mang Lester.

"Mang Lester, pahatid po sa School.....opo.....hihintayin po namin kayo.... Bye!" Sabi ko at in-end na yung call.

Napatingin ako kay Stephen na mistulang nakatingin din pala sakin kaya nagtaka naman ako.

"Ang weird mo! Anyway, hintayin nalang daw natin sa labas." Sabi ko. Para talagang alien yung lalaki na yun!

Kaya lumabas na kami sa bahay at hinintay si Mang Lester. Mga 3 minutes lang ay nakarating na agad siya kaya sumakay na kami.

---

Nandito na kami malapit sa School, pinahinto nga ni Stephen yung sasakyan eh. Malay ko sa trip ng Alien na yan =___=

"Bumaba ka Miyuki" utos niya. Wait Whaaaatttt?????

"Huh? Bakit naman? Ay----" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko.

"Gusto mo bang malaman nila na nakatira tayo sa iisang bahay? Baka mas lalo lang uminit ang dugo nila sayo" sabi niya. Oo nga no? Pero bakit hindi siya ang bumaba???
.

"Edi ikaw ang bumaba!" Utos ko sa kanya. At isinksik ang katawan ko sa upuan.

"Isa" ma-awtoridad na bilang niya pero inasar ko lang siya.

"Dalawa, bleh!" Sabi ko at nag-belat.

"Kapag hindi ka pa bumaba hahalikan kita" banta niya kaya namula naman ako at kumaripas ng takbo pababa sa kotse. Lechugas na lalaking yon! Napaka-pervert talaga!!!

Kaya no choice ako kundi maglakad papunta sa School, malapit nalang naman yon eh...

Nang makarating ako sa School ay pinagtitinginan nanaman ako ng mga studyante. Bakit? Dahil ba nerd ako-----ayy! Oo nga pala, iniwan ko na yung Dating NERD na si Hillary Kanbara.

Dumeretso ako sa room pero bago ako pumasok ay ini-check ko muna yung ibabaw ng pinto kung may patibong pero wala. Huh? Napaka-unusual naman non? Baka nadala na sila Precious sa ginawa ko sa kanya?

Papasok na sana ako kaso may nagtakip sa mga mata ko.

"Guess who?" Tanong niya. Isang lalaki ito inilapit niya ako sa kanya kaya naamoy ko yung Mascular Scent niya. Grabe! Ang bango pwede nang pang-ulam! Hindi ako nagkakamali sa kung sino to!

"Hon!" Tawag ko kaya tinanggal na niya ang kamay niya sa mga mata ko at humarap sakin.

"Haha, akala ko hindi mo mahuhulaan eh." Sabi niya at umakbay sakin.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya eh hindi naman kasi dito yung section niya eh.

"Bakit? Bawal na bang silayan ang kagandahan ng Forever ko?" Tanong niya at napa-pout.

'Ayyyiiieee!!! Forever ko daw oh!♬ Baby I'm falling, falling in love with you~'

Hayy nakooo.... araw-araw talaga akong napapakilig ni Drei!!!

"Haist. Ang aga bumabanat ka na. Seryoso nga kasi!" Sabi ko at kinalas ang pagkakaakbay niya sakin.

"Oh sige na nga! Kaya ako nandito kasi....." hayy naku! Pabitin ka Drei!!!

Serendipity [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon