7.5 ❤ Like a Couple

161 10 0
                                    

Miyuki's POV

"I am really sorry, Miyuki. Its just that kailangan kong makahanap ng fake girlfriend and you just popped on my mind. But don't worry, its only for 2 months" sabi niya.

T__T

Asa pa, Miyuki. Dyan ka magaling eh.

"S-sige okay lang Drei." Sabi ko.

Bumalik naman na kami sa pwesto kung nasaan sila Mitch at yung pinsan niya.

"What took you so long?" Maarteng tanong nung pinsan ni Drei.

"Oh sorry. Pero here, meet my girlfriend. Hon, si Reese—my cousin. Reese, si Miyuki" pakilala niya at umupo na kami.

"How long na kayo?" Tanong ni Reese. Katabi ko ngayon si Drei sa kaliwa at si Dara naman sa kanan.

Nasa tapat ko si Reese.

"A month ago lang naging kami" sagot ni Drei.

"Woah, may tumagal na babae sayo? That's new, puro one day girlfriend kasi ang alam mo eh" sarcastic na sabi ni Reese.

Hello? Nandito kaya ako!

"Of course I've changed. Kahit playboy nagbabago, couz. Lalo na pagnakahanap ng katapat" sabi niya at tumingin sakin ng nakangiti

Ayeyeye. Kenekeleg eke. Emeghed na talaga >•<

"Teka bakit ba di kayo nagsasalita? Guys? Its been a year and you haven't even greeted me! Miyuki? Wala kabang dila?" Tss. Sungit mo saken brad.

Hindi pinansin nila Mitch ang sinabi niya at parang nagpipigil ng inis.

Siguro hindi rin nila gusto ugali nitong babaeng to.

"S-sorry, nakakapanibago kasi eh" nahihiyang sabi ko.

Tinaasan niya ko ng kilay. "You know, kanina ko pa napapansin, ang pabebe mo. But dear, don't be offended dahil that's a Real talk" h-huh? A-ano daw?!

Ako? PABEBE?!

"Stop that crap, Reese. Girlfriend kobang kinakausap mo" mahinahon pero mararamdaman mo ang galit sa pagbigkas ni Drei.

Huwag kang madadala sa ganyan niya, Miyuki. Act lang lahat.

"What? Sinasabi ko lang ang totoo! She acts like a freak and I hate freaks!"

"You are the freak, Reese. Wala kang karapatang sabihan si Miyuki non!" Sa wakas ay nagsalita na rin sila Mitch.

"Oo nga, wala ka sa kalingkingan niya" dagdag pa ni Fiona.

Ngumise naman si Reese, "ako? Mas mababa sa kanya? Tingnan niyo nga ang hitsura niya. She's as plain as a paper. Walang espesyal sa kanya" pang-iinsulto nanaman niya.

Sa inis ko ay huminga ako ng malalim.

"Ako, plain? Eh ikaw? Punong-puno ng kolorete yang pagmumukha mo, oo hindi plain yan. Mukha ka na ngang clown eh. Congratulations ah? Nakapang-insulto ka ng tao. Ang galing mo talaga. Kahit ngayon lang tayo nagkakilala naramdaman ko na agad ang baho ng ugali mo but....nice meeting you anyway" sarcastic kong sabi.

Nagsmirk si Drei at nagpaalam sa kanila bago kami umalis doon.

Napatingin ako sa kamay namin na ngayon ay magkahawak.

Shems, kinikilig talaga ko. Pwede pala tong mangyari sa totoong buhay.

Nakarating kami sa kotse niya at sumakay na kami.

"Sorry talaga sa insulto ng bruha kong pinsan ah. She really is inborn with a dirty mouth" sabi niya.

"Okay lang" yun lang sinabi ko.

"Uhm, so may gusto ka bang puntahan o iuuwi na kita?" Sabi niya.

"Sa bahay nalang siguro ako." Sabi ko at ngumiti.

Ang saya ng araw na to, promise.

Tumango naman siya at nag-start na ng engine.

"Ah Miyuki..." Tawag niya sakin.

"Hmm? Bakit?" Tanong ko.

"Ano....kakayanin mo ba talaga?" Tanong niya kaya nagtaka naman ako

"Anong kakayanin ko?"

"Sigurado akong kakalat to sa Campus maging sa social media. Maaaring i-bash ka ng mga supporters ko at saktan ka physically. Poprotektahan kita, oo. But you know wala ako sa lahat ng oras" paliwanag niya at halata ang pag-aalala.

"Huwag kang mag-alala sakin. Kaya ko ang sarili ko no. Gawin mo lang yung dating gawi mo" pabiro kong sabi at bahagyang natawa kaya ganun din ang ginawa niya.

"But seriously, iyon ang hindi pwedeng mangyari. You see, kahit fake lang ang lahat ng to sa mata ng lahat tayo kaya may responsibilidad akong alagaan at protektahan ka." Sabi niya.

Napa-pout ako para pigilang ipakita na kinikilig ako. Shemay naman kasi! Etong nilalang na to ba naman maging bf mo kahit fake lang?! What I'm feeling right now is inexplicable!!

"Nandito na tayo." Nakangiting sabi niya at pinagbuksan ako ng pinto.

"Bye Miyuki. I had fun today, see you on Monday nalang" nakangiting sabi niya.

"Good bye din!" Nakangiting sabi ko pero nawala din ang ngiting yon dahil sa ginawa niya.

"Geh, ingat!" Sabi niya at tumakbo papasok sa sasakyan niya.

Hinawakan ko ang pisnge ko at hindi makapaniwala.

"H-hinalikan niya ko....?" Di makapaniwalang tanong ko sa sarili ko.


MY GHAD!! MAWAWALA AKO SA KATINUAN!!!!

Serendipity [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon