31 ♥ I hate them

49 1 0
                                    

Miyuki's POV

Umiiyak ako ngayon...

Nanaginip ako, isang masamang panaginip!

Napanaginipan ko....

Si Stephen...

Nagflashback lahat ng memories namin pero maraming nagbago...

He was...

With another girl.

Hindi ko maaninag ang mukha niya pero umiiyak siya saken...

Iniwan na talaga ko ni Stephen...

"Iha.." pumasok sa kwarto ko si papa kaya minadali kong punasan ang mga luha ko.

"P-po?" Nanginginig pa ang boses ko pero pinilit ko pa ring magsalita.

"Anong nangyare? Why is your voice shaking?"

"Wala po" sagot ko. Umupo lang si papa sa tabi ko.

"Tell me, tungkol ba kay Stephen yan?" Tanong ni Papa pero imbis na sagutin siya ay yumuko nalang ako at humikbi.

Hindi ko na alam eh! Naguguluhan na ko. Bakit kailangan kong magmahal ng isang taong sinasaktan lang ako...

"You two really didn't work out? Ayaw niyo ba talaga sa isa't isa?" Tanong ni Papa.

Tiningnan ko siya sa mata.

"P-pa....mahal ko siya" sabi ko at humagulgol sa iyak.

Kailangan ko lang ng may mapaglalabasan ng mga hinanakit ko.

"Mahal ko siya, pero bakit ganun? Ang bilis niyang bumitaw... akala ko ba...mahal niya ko? Na mahalaga ako sa kanya? Na hindi niya ko iiwan? Kung kailan na-realize ko na hindi ko nalang siya gusto, na mahal ko na siya ngayon pa siya sumuko? Hindi ko na po alam eh! In-explain ko na sa kanya lahat-lahat pero wala pa rin! Ipaglalaban ko pa ba? Kahit ako nalang yung nagmamahal sa aming dalawa? Kasi nasasaktan na ko!!"

Napangiti si Papa at hinawi ang buhok ko.

"Dalaga na talaga ang bunso ko..." sabi niya, "ganyan talaga ang buhay pag-ibig...hindi mo maiiwasan ang masaktan dahil kung hindi ka nasasaktan, hindi ka apektado sa taong mahal mo ibig sabihin hindi mo siya mahal. I think you should fight for him. Alam kong kayo ang magkakatuluyan." Sabi ni papa.

"Talaga po?" Tanong ko

"Oo naman. Destiny brought you together sa simula palang, kayo na ang bahalang gumawa ng happy ending niyo dahil nag-once upon a time na" sabi ni Papa.

"Pa tungkol sa engagement namin..."

"I know, gusto na din iyong putulin ni Stephen. But I'm telling you, pagsisihan niyo din ang pagtanggi niyo" sabi ni Papa.

I stopped for a while at napaisip.

Bakit pakiramdam ko itinutulak ako ni Papa na makipag-ayos kay Stephen?

Pero yun naman talaga ang dapat diba?

Aish. Baka naghahalucinate lang ako.

Stephen's POV

Naglalakad ako ngayon papunta sa kwarto ni Mama.

I'll talk to her about the engagement.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng...

"Haha, huwag kang mag-alala. Things are bound to work out"

Narinig ko si Mama na may kausap.

"Lets just make sure na sila ang magkakatuluyan without knowing that it was planned"

At sa kaunting bagay na sinabi ni Mama na-gets ko na kaagad.

Pero pinili kong huwag sabihin na alam ko na...

Naiinis ako ngayon.

Kay mama at kay Tito Javier! How could they?!

So pinaglalaruan lang nila kami sa simula pa lang?!

Mas binigyan nila ko ng dahilan para lumayo kay Miyuki...

Ayoko namang masaktan siya.

Oo aaminin ko, mahal na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon because love doesn't fade that easily.

Ang galing kong magpanggap noh? I act like I moved on with her easily at kayang kaya ko siya palitan pero ang totoo HINDI.

Gustong gusto ko siya yakapin nung marinig ko yung explanation niya but what could I do?

Lalo na't nalaman ko pa ang plano ng mga magulang namin..

Flashback ♥

"Oh ano? Nasaan ang paliwanag mo?" Naiinis na tanong ko.

Hindi siya sumagot at iniharap lang sakin ang isang babae na I think is mas matanda samin. Kaidaran lang siguro ni Thalia.

"Una sa lahat I'm Yannie, pinsan ni Hillar—este miyuki pala. I'm the one she's talking on the phone nung umaga na nahuli mo siyang may kausap. And yung sinasabi niyang baka magalit ka, it was because I always ride a motorbike and she said ayaw mo na sumasakay siya sa ganun. Kaya kami nag-usap non kasi she planned to have a birthday surprise for you pero it was ruined because of that sh*tty issue kaya sana naman balikan mo na pinsan ko!"

Am I supposed to believe?

"Ayaw mong maniwala? Bahala ka. I might not have evidence pero alam ko sa sarili ko na I'm telling the truth" dagdag pa niya.

Sumunod naman ang ahas, si Chain.

"Bro, hindi ako magsosorry pero I want to explain what happened. Yung time nun sa bar, I didn't plan to take Miyuki from you hindi ko rin pinlano na i-seduce siya. She was a bit drunk pero hindi siya lasing, I never took advantage to her at tsaka nun lang kami nag-usap. She's not cheating on you bro. Pramis pabugbog mo pa gwapo kong mukha. Oo, gusto ko si Miyuki but I can let her go if you'll take care of her. At yung nakikita mo na close kami sa school. It was because I felt guilt dahil ako ang may kasalanan kung bakit kayo nag-away kaya dinamayan ko siya but sa mga araw na naging close kame, I know ikaw ang gusto niya" sabi ni Kadena.

I almost smiled pero kailangan kong pigilan...

"Ano? Is that enough explanation?" Tanong ni Miyuki. I want to hug her...

"Bakit nasa bar ka?"

"B-because...of Drei. Nakaramdam ako ng guilt ng mabanggit ni Dara na lagi siyang naglalasing kaya pinuntahan ko siya sa bar at nagsorry..."

Aish! Kundi ko lang mahal tong babaeng to eh ....

"Hmm" yun lang ang nasabi ko at tumalikod na para maglakad pa layo.

Habang naglalakad ay unti-unti akong napangiti..

"Hindi ako susuko Stephen! Susuyuin kita araw-araw hanggang sa makulitan ka saken!" Pahabol niya kaya mas napangiti ako.

•End of Flashback

Akala ko pwede na ulit eh..

Kaso masasaktan lang kami dahil sa mga magulang namin..

I really hate them for this...

______________

5 or more chapters nalang finished na siguro ang MSWSMFK!!

Hahaha sarreh hindi ako sure eh. Wala kasing pansala ang story ko agad lang nakasulat sa utak!!!

HAHAHAHA. Okay awkward + +

Hahaha kaya hintayin ang COMPLETED at promise agad kong gagawin ang book 2!!!

Enjoy reading!!

Serendipity [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon