Hello po! Dedicate ko lang po ang Chapter na ito kay @drlnvrnc
Thanks sa paggawa ng Cover! Ang ganda Promise! Haha. And nasa side po pala yung pic ni Reese. Enjoy reading!
Miyuki's POV
Nasa state of shock pa din ako. Anong ginagawa ni Reese dito???
"H-Hello" kanda utal na bati ko.
"So, sino itong lalaking kasama mo? Don't tell me your cheating on my cousin's back dahil baka maubos ko yang hilatsa ng buhok mo--"
"Therese!" Sigaw sa kanaya ni Drei pero umirap lang siya.
"Ah Miss, watch your words okay? Walang namamagitan samin ni Miyuki" sabi ni Stephen dito. Hindi sumagot si Reese sa halip ay tumitig lang kay Stephen.
"Bakit ka nga pala nandito Reese?" Tanong ko.
Lumapit lang siya sakin at may binulong. "Who is he Miyuki? Pakilala mo ko" nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Gusto niya si Stephen. I cleared my throat at tumango sa kanya.
"Perv---I mean Stephen, this is Reese" sabi ko kay Stephen na nakakunot ngayon ang noo. Lalo tuloy siyang gumugurang haha ^__^
"Reese, eto naman si Stephen, my Bro---" hindi ko naituloy dahil hinila ako ni Stephen.
"Bakit ba?" Naiinis na bulong ko sa kanya
"Ayokong ipagkalat mo kahit kanino na mgiging magkapatid tayo okay?!" Bulong niya with a demanding tone. Edi ikaw na boss ko!
"Hey, anong pinag-uusapan niyo? He's your brother Miyuki?" Sabi ni Reese kaya narinig ito ng mga classmates namin at napatingin sa gawi namin. Oh God! Ano na?? BAHALA NA!!!
"Ah...ano..hindi ah....he's my bestfriend Tama! Close kami kaya magkapatid na ang turing namin sa isa't isa. Diba Best???" Naku! Sumakay ka sa trip ko Stephen kung hindi sisipain kita mamaya!!
"Ha? Oo best! Hehe" nag-aalangang sagot niya.
"Uy anong--" aapila pa sana si Drei pero pinanlakihan ko siya ng mata na parang sinasabi na Sumakay ka nalang sa trip namin!
"Diba Hon?" Matigas na sabi ko sa kanya.
"A-ah oo! Kaya wala kang dapat ipag-alala sa kanilang dalawa Reese, my girlfriend could never cheat on me" kampanteng sabi ni Drei at inakbayan ako. Napanganga naman ang lahat.
"KAYO NA???" Hysterical na sigaw nila. Ay oo nga pala, hindi nila alam no? Wala naman kasi kaming balak ipaalam eh. Kasi nga "Fake" lang ang relationship namin ;(
"O-oo" ako na ang unang sumagot. Tumingin naman ako kay Drei. Nakalapat sa mga labi niya ang ngiting tagumpay ^__^
"Hindi pa kayo in public??" Hindi makapaniwalang tanong ni Reese. Sasagot sana ako kaso may biglAng nagsalita.
"Wait Miyuki! Kahapon lang sinabi niya na nanliligaw palang siya sayo tapos ngayon kayo na?!" Tanong ni Stephen sakin. Seriously? Anong pake niya?
"You don't care" tanging sabi ko. Hindi ko naman kayang sagutin ang tanong na yan
"Well, segway lang namin yon para itago ang Relationship namin pero since alam niyo na, there's no reason for hiding it anymore right?" Hangang hanga talaga ako kay Drei. Pwede na siyang writer. Ang galing gumawa ng kwento. Haha.
"Ahh..." tanging sabi lang ni Reese at hinarap si Stephen na nakanganga :) "Ikaw Stephen, may girlfriend ka na?" Woah! Ang straightforward ni Reese ah? Haha.
" Wala" cold na sagot ni Pervert. Eh? BV lang?
"Talaga? So....pwede palang maging.....tayo?" Nanlaki naman ang mata ng classmates namin doon maski ako. Papayag ba si Pervert doon? Bakit may nagsasabi sa parte ng utak ko na ayaw magkasama sila Stephen At Reese. Hayy ang weird =__=
BINABASA MO ANG
Serendipity [UNDER REVISION]
Novela JuvenilA/n: this is under revision po as you have read on the title kaya I suggest na huwag niyo muna pong babasahin dahil may babaguhin pa akong scenes at idadagdag na chapters sa story kasi medyo magulo yung pagkakasunod-sunod. Hehe. 감사함니다! "Do the dare...