Chapter 2

18 1 0
                                    

"Alianna dear wake up!" Sabay tapon sa akin ng unan. Sino ba to? Pagtingin ko sa orasan 5:30 palang. Paglingon ko sa harap ko..
"Sarah? How did you know where my house is?" Antok na sabi ko.
"Well ya know, I gathered some informations about Alliana Kc Rei" taas baba ng kilay niya.
"Buti pinapasok ka dito." Sabi ko.
"Yung kuya mo kasi ang nagpapasok sa akin. Ang gwapo niya sa personal! You know what Alianna, he's mine now." Sarah. Binatukan ko siya.
"Ouch! Ang harsh mo, what was that for?" Iritadong sabi niya.
"He's not yours. Wag mong isasama ang kuya ko sa list mo ng mga lalaking nalandi mo na tss." Sabi ko at nagpunta na sa cr.
"Wait, how did you-"
"How did I know na ang isang Sarah Walker ay isang Cassanova? Well as you know I gathered some of your infomations too." Sabi ko at naligo na sa cr. Pagkalabas ko, nakita ko si Sarah na namumula na nakaupo sa kama ko at si kuya naman nakasandal sa pader at nakangisi. Ok? What happened? Itinaas ko ang kilay ko.
"Kuya ko? Ngayon ko lang narinig yun ah." Nakangisi niyang sabi. Shit! Sinabi ko ba yun? Narinig niya!? I never called him kuya before! oh shit! Bigla akong namula sa kahihiyan.
"Jibun no heya de demasu!" Tapos tapon ko nang unan sa kaniya.
"Hahaha! Love you lil' sis! Bye!" Kuya.
"Wag mong sabihin yan! Iparamdam mo! Putcha!" Sigaw ko sa kanya. Si Sarah naman namumula pa rin hanggang ngayon.
"He heard it."Sabi niya.
"He heard what? That his yours? Tanga mo kasi eh magsasalita ka ng ganyan." Sabi ko at nagbihis at nag aayos na ako ng buhok.
"Tanga ka rin naman ah! Narinig niya rin yung sinabi mo! Awan ko ba kung bakit ayaw mo siyang tawaging kuya.."Pailing iling niyang sabi.
"Paki mo ba? Tayo na nga!"Bumaba na kami at nanghingi ako ng extra baon kay kuya.
"Ubos yung 5 000 na bigay ko?"Tanong niya. Tumango ako.
"Tss ang gastosera mo! Oh!"Sabay bigay ulit sa akin ng 5 000 hahaha ang totoo hindi pa talaga ubos yung bigay niya.
"Bibigyan rin naman pala ako, dami pang daldal."Bored na sabi ko.
"Akin na nga yan babawiin ko na!"Agaw niya nung 5 000 sa akin. Ugghh! Kainis!
"Ughh! Kurt naman eh!"Sabi ko habang nagdadabog. Si Sarah naman nakatingin lang sa amin, at nakangiti. Weird..
"Tawagin mo muna akong kuya."Taas baba pa ng kilay.
"Sarah! Hindi mo ba ako tutulungan! Inaaway niya ako oh!"Sumbong ko kay Sarah.
"Tawagin mo nalang kasi siyang kuya, dami mo pang arte eh." nakangiting sabi niya. Tsk!
"Ok fine! Kuya! Give me that money!" Sigaw ko.
"Hahaha ok here it is lil' sis.." Bigay sa akin ni kuya. Paalis na kami nang bigla niya akong tinawag.
"Wala man lang bang bye kuya?" Tanong niya.
"Ughh! Bye!" Sabi ko at tuluyan na kaming umalis. Naririnig ko pa ang pagtawa niya kaasar!

Nandito na kami ni Sarah sa school. Ngayon lang ako nagpasok ng maagap sa buong buhay ko. -.- Gusto ko pang matulog! Nandito muna kami ni Sarah sa Canteen.

"Alam mo Aly crush ko na yung kuya mo.."Kinikilig niyang sabi.
"Excuse me? What did you just say? Aly?. "Sabi ko ayaw ko talaga ng palayaw na yan.
"Aly, natutunan ko kay Sky bakit? Ayaw mo? Cute naman ah.."Sabi niya habang subo ng lollipop.
"I hate that name. Ba't hindi nalang Kc or Anna or Lianna daming palayaw. Yan pa naisip niyo."Ayaw ko talagang marinig yang palayaw na yan. It reminds me of my twin sister, and I don't like it. Bata palang kami, pinaghiwalay kami ng twin sister ko. Her name is Allyssa. Actually ang palayaw niya ay Ally as in Alay yung basa pero naalala ko pa rin siya sa pagtawag sa akin ng Aly. Si Allyssa nasa lolo at lola namin at ako naman na kina mom at dad.
"Eh sa yan gusto namin. Baki- "
"Hey girls! Good morning!"Masayang bati ni Sky. Kasama niya ang mga kabarkada niya.
"Anung ikinaganda ng umaga ngayong nakita kita?"Sabi ko.
"Aww..."Malungkot na sabi ni Sky. Napatawa lang yung kasama niya.
"Gusto lang naman namin kayong imbitahin na manood sa gang fight namin. Ano? Game?"Tanong ni Lance(siya yung lalake 1 na tinutukoy ko sa first chapter)
"Game!"Sabi ni Sarah.
"Pass muna ako."Sabi ko.
"Bakit naman?"Kai, siya yung laging nakahead set.
"Dahil ayaw ko.."Simpleng sabi ko.
"Paano ba yan Rage, ayaw niya manood.. Lagot ka kay Rhea kapag wala kang iniharap na babae as your girlfriend."Parinig ni Sky sa akin. Kainis. Alam niya kasi na magaling ako magpanggap sa mga ganyan dahil minsan na rin akong nagpanggap sa girlfriend ni Sky.
"Teka akala ko isa yung gang fight?"Tanong ni Sarah.
"Yup, kapag nanalo sila magiging girlfriend ni Rage si Rhea."Explain ni Jake.
"Which is a big mistake."Dugtong ni Rage.
"At kapag nanalo kami, kailangan may iharap siyang babae na makakatalo kay Rhea which is another laban nanaman. Kapag nanalo ikaw, ibig sabihin hindi na gagambalain pa ni Rhea si Rage."Pagpatuloy ni Sky.
"Si Sarah nalang palabanin niyo... "Bored na sabi ko.
"Ikaw ang kailangan namin Aly."Sky.
"Sa isang kondisyon, wag na wag mo na akong tatawagin na Aly. It's a bullshit name."Sabi ko.
"Ok, deal.."Sabi ni Sky.
"At!"Patuloy ko pa.
"At ano? "Tanong ni Jake.
"Ililibre niyo ako for 1 week."Sabi ko.
"Oh oh!"Napangisi ako sa reaction ni Sky. Hahaha. Ako kasi kapag may nanlilibre sa akin talagang sinusulit ko. Nagpapalibre ako hanggang sa maubos ang allowance nila. Nangyari na yan kay Sky nung nagpanggap ako na girlfriend niya.
"Sure, payag kami."Lance.
"You don't know her, Lance. "Sky
"Bakit? Libre lang naman ah kayang kaya natin yun."Kai
"You really don't know her.."Sky
"Huh?"Pagtataka nung dalawa.
"Guys, we should go, classes is starting soon bye!"Sarah at inakit na ako sa room. Pagkatapos ng klase namin, naghanda na kami para sa gang fight. Si Sarah hindi na muna umuwi sa kanila at nanghiram sa akin ng damit para naman daw hindi siya nakaschool uniform dun.. Nagmake up si Sarah na pang Black Rose. Yup I know she's a gangster. At alam niya na alam ko yun. Ako naman nagmake up lang ako ng light, foundation, blush, eyeliner at light brown shadow at sinamahan ko ng dark red na lipstick.
"Teka Alianna, parang may kulang."Tinutukoy niya yung make up ko.
"What is it?"May hinanap siya at nung nakuha na niya ito.
"Here it is!"Pinakita niya yung lipgloss. Eww, ayaw ko niyan.
"Uhh no thanks."Sabi ko na parang nandidiri dun sa hawak niya.
"Ang OA mo dali na malalate na tayo eh."Tapos binuksan na niya yung lipgloss at inilagay sa lips ko. Habang nilalagyan niya ako nagsasalita ako para hindi masyadong marami ang mailagay niya.
"That's the point, malalate na tayo kaya hindi na kailangan na maglagay ng lipgloss."Sabi ko habang nilalagyan niya ako. Pero hindi niya ako pinapansin.
"Done! Let's go?"Tapos hinila na niya ako papunta sa kotse ko. Pinaharurot ko yung kotse ko at itong si Sarah halos masuka na sa bilis ng takbo ng kotse. Hindi siya sanay sa kotse eh sa motor siya sanay. Pagkababa namin itong si Sarah, inaalalayan ni Jake, at hinihimas yung likod. Dahil suka ng suka.

I Love This BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon