Chapter 5

15 0 0
                                    

Alianna's POV

Nakita ko sa mukha ni Rhea ang pagkainis. Nakangisi akong lumapit sa kanya.

"Ano? Kontento ka na ba?" Bulong ngunit may pang aasar ko itong sinabi. Noong mga nakaraang araw, hindi ako masyadong active sa pagiging bad ass and bitch ko. Kaya ngayon, gusto ko lahat ito ilabas.
"Sa tingin mo ganun ganun nalang yun?" Nakangising sabi ni Rhean at sinuntok niya ako.
"Fuck!" May singsing pa naman siya. Shit ang sakit. Napangisi ako. Nagsigawan ulit ang mga tao sa paligid. Ang mga teacher na nanonood ay hindi na nagatumili pang pigilan ang nangyayari, in fact nag enenjoy pa silang panuodin ito. Nacancel na lahat ng klase at mas dumami pa ang nanonood. Kahit na ang headmaster which is yung mama ni Sky ay nanonood rin at may pagkagalak sa mukha niya. Ang paglalaro namin ng basketball ay nauwi sa one on one fight.

"You wanna have fun eh?" Sabi ko habang pinunasan ang dugo na nasa labi ko. Sa oras ng laban, I don't effin care about my phobia. Si Sarah at yung tatlo, nakaupo lang sa bench at nanonood. Pati narin ang mga Prince ay nanonood. Pinatikim ko siya ng suntok.
"Shit!" Pagkaimik niya nun ay napangisi din siya.
"Girls, destroy her!"Sabi niya sa mga kasama niya.
"Switching in attack mode... Destroy her!" What the!!? Robot pala yung mga kasama niya?
"I think we should join her girls." Flaire at pumunta yung tatlo sa tabi ko. Si Sarah, pinaubaya nalang sa aming apat ang laban. Sumugod si Rhea sa akin. May dala na siya ngayong katana. Shit! Ilag lang ako ng ilag dahil wala akong panama sa kanya dahil may weapon siya. Wala akong makuha sa paligid dahil isa lamang itong court. Sinipa ko ang kamay niya dahilan ng pagkawala niya sa katana. Akmang kukunin niya ito ngunit hindi ko siya pinalusot. Hinawakan ko siya sa leeg gamit ang bisig ko.

"Acck! Shit!" Pilit siyang kumakawala ngayon sa pagkakasakal ko sa kanya. Lalo ko yung hinigpitan. Nang mapagod na siya kakapiglas ay initapon ko siya sa malayo para kunin ang katana. Pero nahigit niya ako sa paa dahilan ng pagsubsob ko. Shit! Nakuha niya yung katana at nakatutok yun sa akin. Nakita ko yung paligid. Wala na ang mga robot . Ang tanging makikita ko nalang ay sila Freya at ang kalas kalas na katawan ng mga robot. Nanonood lang sila sa akin. Wala ba silang balak tulungan ako?! Tsk!

"Why don't you give Rage to me para hindi ka mamatay?" Nakangising sabi niya? Tinaasan ko siya ng kilay. Nanng may maisip akong plano, napapikit ako at bumuga ng hangin.
"Ok fine.. Sumusuko na ako. Rage is yours." Sabi ko at lalo pa niya itong ikinatuwa. Tumingin si Rage sa akin at parang sinasabi niya na, 'ako-ba'y-pinaglolo-loko-mo?' Tiningnan ko siya pabalik ng 'makisakay-ka-na -lang-look' nagbuntong hininga siya at pumunta sa court. Napangiti naman si Rhea at nilapitan niya si Rage. Niyakap pa niya ito, eww. Wait? Ba't affected ako? Tss. Nandidiri na si Rage. Aba dapat lang na mandiri siya noh. Wait what am I saying? Erase erase! Napangisi ako. Tumayo na ako mula sa pagkakahiga ko sa court.

"You can have him.." At dun na nagsimulang magtaka si Rhea. Nakayuko lang ako at ang mga tao naman ay hinihintay ang susunod kong sasabihin. Nakangisi ako ng pangdemonyo at iniangat ang ulo ko.
"But not for too long." Pagkasabi ko nun at hinila ko siya sa buhok niya at inilayo kay Rage. Binitawan niya kanina yung katana niya kaya wala na siyang panlaban sa akin ngayon. Inilapit ko siya sa haligi at iniumpog ang ulo niya dun. Lalo akong napangiti sa dugong umaagos sa ulo niya. Parang wala akong phobia at sa halip sa matakot ay tuwang tuwa pa ako sa ginagawa ko. Nandidilim na ang paningin ko at ang tangin nasa isip ko ay ang pahirapan siya. Inihagis ko siya sa gitna. Pilit siyang tumatayo at gusto na niyang tumakas pero hindi niya ito magawa. I'm out of my mind, hindi ko na magawang kontrolin ang sarili ko. Nilapitan ko si Rhea na nakahandusay sa sahig. Inapak apakan ko ang ulo niya. Tumawa pa ako ng pandemonyo sa bawat pagapak ko sa kanya.

I Love This BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon