Alianna's POV
Nandito kami sa pool at dito nagcecelebrate ng party. Hindi ito grande dahil alam nilang lahat na ayaw ko ng mga ganun. Dumalo rin sila Flaire kasama si Sarah at yung ibang mga Prince. Kami kami lang ang nagcelebrate.
"Gosh! Hindi ko alam na may twin ka pala Alianna! Kamukhang kamukha mo siya!" Sarah. Duh kaya nga twin diba?
"Except your eyes hair and personality." Nakangiting sabi ni Sheena. My eyes is purple while hers is blue. Yung buhok ko naman ay silver gray at yung kanya is like purple or something. Pinakulayan ko yung buhok ko at ang original kong kulay ng buhok is brown and her original hair is black.
"But I don't treat her as a twin." Nope that's not me, its my twin sister. Allyssa. She's jealous at me dahil ang kasama ko daw sila dad. I dunno, pero sa tingin ko wala siyang dapat ikaselos. Dahil ako nasa pangangalaga nga ako ng dad, hindi naman ako binibigyan ng sapat na atensyon. Siya naman nasa pangangalaga nga ng lolo at lola, pero maganda ang buhay at may sapat na atensyon sa kanya ang lolo at lola. Dapat nga ako ang magselos eh. Sumingit samin si kuya."Sus! Pakipot ka pa, eh sabi ng lola kaya ka daw nagpakulay ng purple na buhok para kahit papaano eh nasa tabi mo si Alianna." Namula si Allyssa. Medyo nagulat din ako dun.
"H-hindi ah! It's just happened na favorite color ko ang purple and your eyes is purple too." Nahihiya niyang sabi. Napangiti ako.
"It's ok to tell the truth ya know. Don't be shy lil' sis." Sabi ko na patawa tawa pa. Wala lang kahit papaano naman tinuturing ko siyang kapatid. Siya nalang kasi ang natitira kong pag asa. Siya nalang ang itinuturing kong pamilya. Hindi ko naman kasi tunay na kapatid si kuya tapos si Era naman half sister ko lang. Nung mga panahon na walang wala na ako, biglang may tumawag sa akin nun, unregistered number pero alam ko na kung sino. "Don't worry, you still have me ate." That's what she said. That's what Allyssa said to me. 2years ago when mom died.
"I'm telling the truth! Hindi talaga dahil sayo yun. Kainis! And don't call me little sis! Magkasing edad lang tayo!" Sigaw niya.
"But I'm the one who came out first."
"Whatever! Hmmp!" At umalis na siya. That's her personality, ayaw niyang makikita na may care siya sa iba pero ang totoo meron. Ayaw niyang ipakita na mahina siya dahil iniidolo daw niya ako. Laging tumatawag ang lola sa akin at nagkwekwento tungkol sa kanya.. Nagpatuloy ang party. Silang lahat parang tanga na nagsasayawan malapit sa pool. Ako nakaupo lang at nanonood sa kanila. Si Allyssa naman nasa malayong table at nakasubsob nakatitig sa akin, err.. Awkward. Bigla akong may naisip na kabaliwan. Napangisi ako. Tiningnan ko si Allyssa.Allyssa's POV
Bigla nalang si ate na tumingin sa gawi ko at nakangisi. Anung problema nito?
"Psst!" Sit sit sa akin ni ate at nag senyas pa na pumaroon daw ako sa kanya. Tinaas ko ang kilay ko at nagcross arm.
"Dalina wag ka nang mag pakipot diyan." Bulong ni ate. Tss. Pumunta ako malapit sa kanya.
"Ba-" bakit ba ha?! Yan sana sasabihin ko nang nagulat ako dahil inakbayan niya ako at lumapit sa may tenga ko.
"Nakikita mo yang mga gagong yan?" Tinutukoy niya yung mga kabarkada niya na sayaw ng sayaw sa may pool.
"Duh.. May mata ako kaya nakikita ko. Oh? Anu ngayon?" Sabi ko.
"Paramihan tayo ng itutulak sa pool, game?" Masayang sabi niya. Bago pa ako makapagsalita nagpunta na siya sa mga kabarkada niya at kunwari pang nakikisayaw. Tss. Wala na akong magagawa. Pumunta na rin ako dun at dahan dahang nagpunta malapit kay kuya Kurt.Si ate naman, unang tatargetin niya eh yung Rage. Bigla niya itong tinulak sa pool.
"Shit! You bitch!" Sigaw nung Rage. Tawa ng tawa si ate at binelatan pa yung Rage. Nakuha ni ate ang atensyon ng lahat. I guess it's my turn now. Tinulak ko si kuya Kurt sabay tulak ko din si Sarah.
"I guess 2-1 eh?" Sabi ko. Biglang tumakbo si ate at tinulak niya si Jake at Sheena. Ako naman tinulak ko si kuya Sky. Tinulak niya si Kai. Ako naman, tinulak ko si Flaire at Freya.
"I win!" Sigaw ko. Bigla niya akong tinulak sa pool.
"It's a tie!" Sabi niya. Tapos tinulak ni Era si Ate.
"I win!" Sigaw pa niya. -_- ganito lang expression ni ate.