Chapter 8

17 0 0
                                    

Alianna's Pov

Andito ako sa library ngayon at nagbabasa ng libro. Umagap ako ng pasok para hindi ko maabutan si Rage. Si Allyssa naman, iniwan ko. Pagkatapos kong magbasa, sumub sob muna ako sandali.. Kahapon pa ako wala sa mood.

"Attention to all of students. Please proceed to the auditorium for announcement." Anu naman kayang meron? Pumunta ako sa auditorium at humanap ng mauupuan. Nakita ako ni Allyssa at Sarah kaya sumikbay sila sa akin.

"Aga mo ata ngayon Alianna?" Sarah. Hindi ko yun pinansin at tumingin na sa unahan. Maya maya, bumulong sa akin si Allyssa.

"Lagot ka sa prince charming mo, hinahanap ka kanina sa bahay." Allyssa
"Diba sinabi ko sayo na sabihin mo sa kanya na nauna na ako?"
"Oo nga, pero galit pa rin eh." Allyssa. Tss. Hindi ko na siya pinansin.

"Good morning to all students. Today we, the councils of this academy decided to change one rule." Sabi ng isa sa councils. Doon nagsimula ang bulungan ng mga students. Bigla nalang akong napatingin sa likod. Eek! Mukhang napasama.. Nakita ko si Rage na masama ang titig sa akin. I'm dead! Bigla akong napatingin sa unahan.

"The dorm buildings has been renovated and we decided that all of the students will be using the buildings. Ang mga studyante ay pinagbabawalan nang lumabas ng academy starting tommorow at bubuksan na din ang Academy city.. Sa ngayon, pumunta muna kayo sa kanya kanyang klase para malaman kung saan at sino ang makakasama niyo sa dorm niyo. Pagkatapos i announce ng inyong adviser kung saang dorm kayo nabibilang, maaari na kayong magsi uwi upang mag empake at magpaalam sa pamilya niyo and that is the end of this announcement. You may now proceed to your own classes." Mahabang paliwanag ng kabilang sa councils. Sa ngayon ay naglalakad na kaming tatlo papunta sa room namin. Dating pinasabog ng ibang mafia ang academy na ito kaya naman pina aayos ito sa ngayon. Ngayon lang natapos pagpapa ayos sa mga dorms kaya naman ngayon lang ulit naipatupad ang rule na yun. Ang academy city naman ay ang kalahati o kabiak nitong mismong school na ito na hindi pinabuksan dahilan sa nangyaring pagsabog. Ngayong ayos na ang lahat, pinabuksan na ulit ito. Ito ay isang lugar kung saan lahat ng kakailanganin mo ay kumpleto. Mga malls, restaurant, salons, lahat nandito.. Kaya naman hindi nabobored ang mga studyante dito.

    Pagdating namin dito madaming excited kung sino ang magkakasama sa isang dorm. Maya maya, dumating na ang adviser namin at iniannounce na kung sino ang magkakasama sa isang dorm. 2minutes later kami na ang tinawag.

"Room 201. Alianna, Sarah, Allyssa and Bea." Pagkatapos mag announce, pumunta na ang iba sa kanya kanyang bahay. Pinauna ko na si Allyssa. Ako naman sumilip sa labas ng room... Kaliwa, kanan, wala siya and 1,2,3 takbooo! Kumaripas ako ng takbo dahil baka makita niya ako. Bigla akong may nakabanggaan kaya napa upo ako. Ang tigas niya eh. Unti unti akong napatingala. Shoot! Ba't siya pa? Huhu.. Kung minamalas nga naman. Tumayo ako.

"You bitch, balak mo pa akong takasan ha.." Madiing sabi niya.
"H-ha? A-anu bang s-sina sabi mo?" Nauutal ko pang sabi. Guess who is he? Yup! The one and only.. Rage! Bigla niya akong hinawakan ng mahigpit sa wrist then hinila niya ako..
"Teka, san tayo pupunta? A-aray anu ba! Nasasaktan ako!" Ang higpit kasi ng hawak niya sa akin. Inisakay niya ako sa kotse. Anu bang problema niya? Huminga muna siya ng malalim tska pinaandar yung kotse niya. Tahimik lang akong nakasakay sa kotse niya..

"Remember what I said yesterday? Hindi na tayo makakalabas ng school bukas kaya ngayon kita ipapakilala sa mom and dad ko." Kalmadong sabi niya. Hindi ako nagsalita. Tahimik lang kaming nakadating sa bahay nila. Sobrang lawak at laki nito. Ang elegante din ng dating. Sa bagay, anu pa bang aasahan mo sa mayayamang pamilya? Nakita ko ang isang babae na sa tingin ko ay 40 na ang edad pataas. Maganda siya at nakakahawig niya si Rage. May kausap siyang babae.. Tss si Rhea lang naman yun..

I Love This BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon