Promise 8 "The New Student"

86 2 0
                                    

Liz POV

After 1 month of having a New Start!

Yup! Tama nga kayo ng nababasa at nakikita! Isang buwan na po ako dito simula nung makalipat kami ng family ko at ng family ni Kate! And as a surprise for me ay nakaraos naman and I have met many gorgeous and friendly people here and I had so much fun sa new school ko at lalong lalo na sa dalawa kong bestfriend na si Kate at Lauren na kahit anong panahon ay nasa tabi ko pa din sila.

Papasok na ako sa school ngayon. I have a feeling that something Good will happen! And YES, I'm very excited kasi hindi pa ako nabibigo ng mga feelings ko tuwing umaga.

Paglabas ko ng bahay namin eh nakatambay na nanaman si Kate sa labas. Sabi niya sakin para daw hindi na daw siya makaistorbo kela mama at papa sa pagbukas ng pinto kasi lalabas din naman ako. Ang bait na bata ni Kate. Naisip niya pa pala yun!

“Kate!”

“Oh? Andyan ka na pala! Tara?”

“Patanong? Bakit ayaw pumasok?”

“Hindi naman. May bad feeling lang ako kaya parang nakakatamad pumasok.”

“Bad feeling? HA?” Shemay itong babaeng ito! Sa kanya bad feeling tapos sa akin good? First time in history!

“Te! First time na nangyari satin itong dalawa ah! Sayo Bad feeling tapos sa akin Good? Anong meron?” Madalas kasi kaming parehas ng feeling tapos yung feeling namin parehas ay nagkakatotoo na good at syempre minsan bad.

“Ewan ko Liz! Kinakabahan nga ako eh. Kaya ayoko pumasok ng school.”

“Ang sabihin mo tinatamad ka lang!” Tamad talaga yang babaeng yan kapag sa school. Last week nag-absent yan ng 3 beses tapos may inabot lang saking letter bigay ko daw kay ma'am. Pagkabasa ko may leptospirosis dawwwww? Mamimili na lang ng sakit yung kadiri pa!

“Liz naman eh. Napaka school girl mo talaga!” pag-aangal niya sakin. Sinama pa ako? -,-

“Lika na nga! Malate pa tayo niyan eh!”

Pagkatapos nun Umaura na kami. Aura talaga? ;)

Syempre pumasok ng school na may magandang Aura sa pagpunta.

Pagpasok namin ng school. Ang daming tao sa labas? Anong meron?

Nakipagsisiksikan kami ni Kate sa pagpasok hanggang sa nakapasok na kami ng building namin.

“Phew! Nakapasok na din!”

“Ay KALABAW!” biglang sumulpot si Lauren.

“Ang ganda ko namang Kalabaw?”

“Hahahaha! Nahahawa ka na diyan kay Kate ah!”

“Onti lang.” tapos ginaya niya yung commercial ng Mcdo. Ang cute talaga ni Lauren!

“Nakuuu, lumayo ka na kay Kate! Baka maging baliw baliw ka na din!”

“Asus, inggit ka lang Liz eh. Naks! Galing talaga ng alaga ko!” kinindatan niya pa si Lauren tapos nagtawanan na ang dalawang baliw. Buti pa ako, maayos ayos pa! ^_^

“Nga pala, ano yung pinagkakaguluhan dun sa entrance? May Artista ba?” with matching beautiful eyes pang tinanong ni Kate si Lauren. Lumalandi nanaman ito. Naghahanap ng papa? Hindi pa ba sapat si Papa Rence? Joke lang. ^_^V

“Hindi ko din alam eh. Pero sa mga naririnig ko new student daw?”

“Kahit isang buwan na? Pwede pa pala magpapasok?” nacurious ako bigla. Ito na ba ang good feeling ko at ang bad feeling ni Kate?

One Last Promise (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon