Promise 2 "Crazy Girl"

159 5 2
                                    

[Liz POV]

Pagkalabas namin ng classroom dumiretso agad kami sa cafeteria. Alam niyo ba kung bakit? Ang dahilan ay si Kate. Hay Gutuming bata kasi eh. Mapilit po siya kaya pagbigyan ang PG. Pero sexy pa naman daw siya at sadyang gutumin lang. Pagkarating namin sa Cafeteria eh wala naman masyadong tao kaya may vacant table naman. Ang ganda ng cafeteria parang restaurant na pang five star! Hindi katulad nung dati ko----- asbvusfnu.

“EARTH to LIZ! LIZ to EARTH! HOY! Tulala lang sa may cafeteria at nagmumuni muniiii~”

Ano ba yun? O______O Kumakanta si Kate? End of the world na! Joke lang!

“Ano ba naman yan Kate? Gutom lang yan! At wag mo nga akong kantahan baka end of the world na!” biro ko kay Kate.

“Hoy Liz! Tulala ka kasi diyan sa upuan mo. Kanina pa ako dada ng dada dito kay Lauren tapos nagtataka lang ako kung bakit hindi ka nagrereact eh ikaw na yung pinag-uusapan namin.”

“Ganun? Ako pala ang gutom? Dinamay mo pa ako sa mga kalokohan mo! Lika na nga at iwan na lang natin gamit diyan at bumili na tayo ng food.”

Naglakad na kami sa may bilihan ng food. Asahan mo na ang mga presyong tumatagaktak sa mahal! Kaya ubos lahat ng baon mo pero buti na lang at may baon akong food at ang favorite drink lang ang bibilhin ko at iyon ang Iced Coffee! Buti na lang at meron sila kaya lang isa na lang ito kaya kailangan magmadali at baka maagawan pa! Tumingin ako sa paligid kung may kukuha at buti naman at wala, kaya nung aabutin ko na bigla ba namang may kamay na dumampot dun sa drinks ko! Pagkalingon ko kung sino yung kumuha eh isang nilalang na mukhang Adonis ang mukha! Ha? Ano ba itong sinasabi ko eh inagawan niya nga ako ng drinks ko! Maagaw nga sa kanya!

“HEY! Iced Coffee ko yan ha! Bakit mo hinablot dun sa lalagyan? Kukunin ko na eh!” Sigaw ko dun sa humablot ng Iced coffee ko.

“HA? Are you talking to me?” sabi sa akin nung mang-aagaw.

“Aba’t! Hindi hindi baka yung Iced Coffee yung kausap ko?!” sarcastically speaking.

“Ah. Ito ba kausap mo miss? Are you Crazy?”

“HA? Ako Crazy? Hello? TALK TO THE HAND!” pagkasabi ko nun hinarap ko sa mukha niya yung kamay ko. At nung napatigil siya sa pagsasalita hinablot ko yung Iced coffee ko sa kamay niya. Kaya lang ang higpit ng hawak niya dun sa drinks ko.

“Hey Crazy Girl! Don’t you dare snatch my Iced Coffee!”

“Ha? I said TALK TO THE HAND!” Inemphasize ko talaga yun. Aba ang kapal ng fes! Porket pogi hindi ko siya uurungan nuh! Ee ako unang nakakita dun eh kaya first come first serve!

“Oh! So you think you’re tough ha! Hmmm, it’s not enough! If you want this there is one condition.”

“Condition Condition? Eh ako nga unang nakakita niyan eh.. Lamunin mo yung Condition mo!”

“You don’t want? OK! It’s fine with me!” tapos biglang naglakad siya papunta sa counter.

“Hoy! Lika nga dito! Akin na nga yang Iced Coffee ko at a-ano ba yung Condition mo? Madali lang ha!”

“Eh susuko ka din pala Crazy Girl eh. So my condition is…” bigla niyang nilapit sa akin yung mukha niya sa mukha ko.. SYETE! Wag ako! Iba na lang! Pero infairness ha, Ang bango! A-ano? Nevermind wag ng pansinin ang comment ko kanina. Feeling ko namumula na ako sa sobrang kaba sa ginagawa niya! Pero bigla ba namang tumawa? Ha? Baka naman siya yung baliw!

“HOY! Sa ating dalawa alam mo, parang ikaw yung crazy eh. Bakit ka tumatawa diyan ha?”

“Feeling mo naman hahalikan kita! May Gusto ka sa akin noh? Alam ko naman na Pogi ako eh pero wag pahalata ha!”

Anong sabi niya? Ano pakiulit? Eh Sira pala itong isang ito eh! Ang Hangin ha! Siya ang Feeling! Nakakaasar! Bad Vibes siya ha!

“Feeling ka din eh nuh! Over my Dead body! Bahala ka na diyan sa Condition mo! Iyong iyo na yan!” Bumalik na ulit ako dun sa pila nung drinks. Magwawater na lang ako! Bad Vibes ha! GRRRRRRRR! Nakakagigil!

Pagkatapos kong bumili, bumalik na ako agad dun sa table namin. Tapos itong mga babaeng ito eh tinadtad agad ako ng tanong. Hindi ko napansin kanina na madami na palang nakatingin sa amin. Eh So what naman! Nauna naman talaga ako eh.. Mangaagaw yun at Sayang lang ang Pogi niya tapos pang kalye naman ugali niya! Grrrrrr! Nakakagigil! Kung sino man siya sana Karmahin yun!

“Liz! Ano yun ha! Bumabalik ang Pitik natin ha!” sabi sa akin ni Kate.

“HA? Eh kung pitikin ko kaya yang bibig mo para manahimik ka na diyan!”

“Oo nga Liz! Ano yun ha! May bago na agad na love team sa campus!” sabi naman sa akin ni Lauren.

“Seriously? Nahawa ka na diyan kay Kate!” sagot ko kay Lauren.

“At ikaw naman Kate! BI ka kay Lauren ha! Nakuuu..” bulyaw ko naman kay Kate.

“Liz naman! Bitter much?” –Kate

“Ha? Anong CONNECT?” emphasize talaga yan! Para malaman ni Kate na ayaw kong maalala yun. Tsaka binigyan ko pa siya ng don’t-say-anything-look..

“AY! Oo nga naman! Ang bobita ko talaga! Connect the dots na nga lang!” Buti naman at na-gets niya na agad!

“Ang weird niyo girls! May something ba?” tanong ni Lauren na mukhang nakakahalata sa amin.

“Anong something? Ikaw Lauren ha! There’s something fishy! At alam mo ba kung ano yun? Eh di yung baon ko!” tapos bigla kong binuksan yung baunan ko at sweet and sour fish yung baon ko! Sarap! Para Change Topic na diba! Sa right time ko na ikwento sa kanya. I’m not ready yet.

“Ah? Connect the dots! HAHAHAHA! xD” Biglang tawa naman tong dalawang to. Buti na lang at ang galing kong magpalusot.

Pagkatapos namin kumain sa mahiwagang cafeteria ay pumunta naman kami sa Office. Kukunin lang namin yung susi ng mga Locker namin! Diba ang sosyal! May Locker pa! I’m loving this school except dun sa nangyari kanina! I swear ayoko ng makita yung mukha nung lalaki na yun! Kung magpakita man sa akin ay baka bigyan ko yun ng flying kick! Joke lang! Hindi naman ako sadista! OA na yun! DEADMA na lang.

Nung nakuha nanamin yung mga locker keys namin diretso agad sa mga locker namin. Nilagay ko na yung ibang gamit ko dun kagaya lang nung ibang damit tsaka yung mga pangek-ek. Pang emergency para laging handa! Pagkatapos ko nun sinara ko agad yung locker ko. Magkakatabi lang din kami ng locker kasi sasabay naming kinuha yung susi sa office! Ang saya nga namin eh.. Kaya Close na din namin si Lauren. I think this could be a brand new start for me now! A BIG START!

Nung natapos nanamin sa locker nilibot nanamin yung buong campus! Grabe talaga ang laki ng campus! Parang Village pero ang presko ng hangin niya tsaka may iba-iba pang mga buildings. Hindi na namin nilibot yung iba mga kalahati lang ng campus. Bukas na lang daw kasi napapagod na sila. Umupo na muna kami dun sa benches tapos tinignan ko na yung wrist watch ko. It’s already 4:00 pm na pala! Bago ako may sabihin sa kanila eh may biglang tumawag kay Lauren.

[A/N: Bitin ba? Until next update! Meet Kate at the Side. Sino kaya yung tumatawag kay Liz na Crazy Girl? There’s something fishy ba? At para saan kaya yung tumatawag kay Lauren? ]

One Last Promise (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon