Promise 16 "Heart Aches"

16 1 1
                                    

Liz POV

Nakahiga ako sa damuhan.

Nararamdaman ko ang simoy ng hangin sa katawan ko.

Para akong nasa paraiso.

Pero bakit ganun? May kulang-parang may mali?

Napaupo ako at sa pag-upo ko nakita ko siya.

Nakaupo din siya sa harap ko at nakatitig siya sa akin.

Akmang hahawakan ko ang pisngi niya ng..


Para siyang unti-unting lumalayo sa akin.

Tumayo siya at naglakad paalis sakin.

Nagulat ako. Hindi ko alam ang gagawin ko!

Tumayo ako at hinabol ko siya.

Sinisigaw ko ang pangalan niya pero hindi siya lumilingon..


"Brad!!"

"BRAD!!!"

"BRADDD!!!"

Bakit?

Hanggang sa tuluyan na siyang nawala at napaluhod ako sa damuhan.

At umiyak ng walang tigil.

Pero bakit parang may naririnig ako?

"L-"

Ha?

"LIZ!!"

"LIZ!!!"

"ELIZABETH BELMONTE!"


Panaginip lang pala lahat ng iyon.

Medyo nagkakamalay ako.

Pero malabo lahat ng nakikita ko.

Malabo..

Lahat ay parang nawawala na din ng paunti-unti.

Pero naririnig ko ang boses ni Kate at ng mga tao na nagkakagulo.

Bakit?

Noong nakita ko si Kate. Umiiyak siya?! HA?!

Parang ako ata ang may problema! Pinapasok ako sa isang ambulansya.

May mga tao na tumitingin sakin.

Anong nangyayare?!

Hanggang sa unti-unti nanaman akong nilalamon ng dilim ang paningin ko.


"ELI! ELI! ELI! Sh*t! ELI!"


Wait.. naririnig ko ang boses ni Brad?!

Pinipilit ko ulit gumising pero wala na.

Wala na...


Present Time


"HALA! Wag mo naman akong bitinin Liz! Liz naman eh! Nakakaasar ka naman. Nakakaloka ka naman! Nakakaiyak naman yang kwento mo! Para na akong crying baby dito eh. Ituloy mo na!" pinipilit pa akong magkwento ni Lauren. Pero bakit ganun? Nakamove-on na pa talaga ako o hindi pa?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Last Promise (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon