Promise 10

80 2 0
                                    

[A/N: Yeah! I feel the fresh air of sembreak! Btw, Meet Brandon Chua with his new face with an eyeglass on the side.]

Liz POV

“ATEEEEEEEEEEEEEEE!”

WOOOOOSSSSSSSSH

“Bakit ba-- ARAY!”

Ano ba yan? Paglingon ko bigla ba namang tumama sa akin yung scotch tape sa mukha ko.

“Arghh! Ano ba yan Dulce! Nagpapatulong akong mag-ayos dito ha! Hindi magkalat! Kapag ako nagkablack eye! Lagot ka sa akin!” bulyaw ko sa kanya. Sa may bandang mata kasi ako natamaan eh.

“SORRY PO!”

“Tse! Tulungan mo na lang ako dito sa pagpapalit ng bed sheet. Kaasar ka talaga Dulce!”

“Ito na po!”

Tapos tinulungan niya na akong magpalit ng bed sheet para mamaya sa Sleepover namin. Remember? Yung Open Forrum na hindi natuloy eh gagawin namin dito sa sleepover. K?

“Ate, tapos na ko! Sige na. Wala ka ng kailangan di ba?”

Kung nagtataka kayo kung bakit tumutulong si Dulce ay dahil kailangan ko ng katulong dito. Hindi yaya ah. Tumulong lang kasi pagdating ko sa bahay kanina at pagdiretso ko sa kwarto ay parang binagyo! Jusko po. Kung nakita niyo lang.

Alam niyo ba kung bakit? Dahil pinapasok nanaman ni Dulce yung bestfriend niya dito na kapatid ni Kate. -,-

Oo, kapatid nga ni Kate dahil magka-age din sila ni Dulce na si Cheska. Grabe pagtripan ba naman yung cabinet ko dahil nagdress-up daw sila? Bata? Bata? Hello, ring a bell? Teenagers na sila! Duh?

“Hep hep!” pagtigil ko sa kanya kasi lalabas na ng kwarto ko.

“Hooray?”

“Corny mo.”

“Ano ba kasi yun Ate?”

“Sa susunod wag niyo ng laruin yung drawer ko. Ang arte mo dahil ayaw mo paggamit damit mo. Tss.”

“Eh sa type namin ni Cheska yung dress mo eh. Inaayos ni mama kanina kaya nakita namin. Pumayag naman si mama eh.”

“Tse! At saka di na kayo bata ni Cheska. May boyfriend ka na nga ata eh? Dinaig mo pa ate mo. Sige na! At saka pasabi kay Mama yung food ah. Alam mo naman si Kate.”

Tama nga po kayo. Baka nga may BF na yang maharot kong sister! Pero biro ko lang yun para maliwanagan na yang isip bata niyang isip.

“Opo Ate! Ay, kasama mo yung bagong friend niyo? Si ano nga ba name nun? Si-- ah! Si Ate Lauren, right?”

“Yup, kaya Alis na sa kwarto ko! SHOO! SHOO!” tapos tinulak ko na siya palabas ng kwarto ko. Stress talaga yang si Dulce. Ngayon pa siya umextra.

Speaking of extra, dumagdag pa yung bwisit na si Jake na yan! Kakainit talaga ng dugo! Partners in crime pa kami sa party sa sabado. -,- Yuck, Partners? Ew!

DING DONG DING DONG DING

“Ay Palaka—Ouch!”

Napahawak tuloy ako sa pwet ko. Masakit po ang pagkakahulog ko sa kama.

Hindi na ako nasanay sa doorbell. Lagi na lang akong nagugulat dun. Hay.

Feeling ko sila na yan. Hay, matingnan nga kung sino. Lumabas na ako ng kwarto ko at sinabi ko kayla mama na ako na ang magbubukas ng pinto kasi baka sila Kate na ito. At pagbukas ko ng pinto.

HI CRAZY GIRL!”

“Ja-jake? What are you doing here?” inaayos ko yung sarili ko. Nakakahiya naman itong outfit ko. Nakapambahay na short shorts at naka V-neck lang ako na white, eh nasa bahay lang naman kasi talaga ako. At paano niya nalaman na nandito ako nakatira? Hmph! STALKER!

One Last Promise (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon