Promise 14 "Reasons"

33 0 0
                                    

Liz POV

Flashback...

It's almost 2 months since our argument. And yet here am I trusting him. With all my effort.

"Girl, must kayo ni Brad? Susunduin ka ba niya? Don't tell me hindi ka niya nanaman susunduin ngayon sa school?"

"I think it's no. Hindi niya sinasagot tawag at text ko... ulit. It's been what? 1 month and a half since he last take me out on a date and twice a week niya lang akong ihatid at sunduin. I feel... guilty for letting him take care of this nonsense." Tuwing naalala ko nanaman lahat ng nakita ko dati para akong sinasampal ng paulit-ulit.

"Sa palagay ko, dapat pag-usapan niyo ulit yan. Hindi healthy sa isang relasyon ang puro give and take at puro pag-iintindi. Where's the love friend?" Kate.. has a point.

"Okay! Fine. I'll text him. Pero try ko rin siyang tawagan. Sasabihin kong dadaanan natin siya sa condo niya today. Fine?"

"Fine with me. I'm just a supporter of the two of you."

Time passed by quickly at kanina ko pa tinext si Brad... But still, no response from him. WTF is happening with us?!

Tinry ko siyang tawagan pero ayun. NGA NGA nanaman.. Lagi na lang akong naghihintay.

"Psst, alam mo ba nakita ko kanina sa Le Vous restaurant si Brad. Break na ba sila ni Liz? Kasi parang may kadate si Brad eh.." naririnig kong bulungan nung mga babae sa may bandang gilid ko. At ano yun? MAY KA DATE NA IBA SI BRAD KO?! WTF?!

"Oh? Grabe. Parang hindi naman." sa narinig kong yun eh tinawagan ko si Kate.

Calling BFF Katey..


"Oh? Aalis na ba tayo?"

"New plans, pupunta tayo sa isang restaurant. I'll meet you at the gate."

then I ended the call..

Dumiretso na ako sa gate ng school at kitang-kita kong hingal na hingal si Kate. 

"There you are! You're making me crazy from that call. Anong nangyare?"

"Yung mga tsismosa na kaklase ko narinig ko silang nag-uusap. At nakita daw nila si Brad na may kasamang babae sa Le Vous restaurant. Tara na at tignan natin kung totoo yun o hindi." sumakay na kami sa taxi para malaman namin kung totoo yun.

Nasasaktan ako ngayon pero pinipilit kong maging malakas. Para sa amin.

Nagbayad na si Kate sa taxi at dumiretso kami sa loob. Kinakabahan ako ng sobra. Hindi ko alam kung maniniwala ako o hindi.

Hinahanap ko siya pero hindi ko makita. Hanggang sa mawalan na ako ng lakas ng loob kasi parang may nakikita akong kamukhang kamukha niya kapag nakatalikod. At may kasama siyang babae. Akmang hahalikan sana siya ng babae ng hindi na ko nakatiis na tumingin pa sa kanila at tumakbo palabas at umaagos ang mga luha ko.

One Last Promise (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon