Promise 5 (Second Part) "Lauren's Family"

142 2 2
                                    

Kate’s POV

Pagpasok ko sa Room niya napanganga ako! TOT

Eh kasi naman mas malinis at mas maayos pa yung kwarto niya kesa sa kwarto ko. Mas mukha pa siyang babae sa akin ha. Nakakaturn-on siya! Tapos pinaupo niya na ako sa may sofa ng kwarto niya then may kinuha siya na first aid kit. Boy scout siya ha kasi complete sa gamit! Meron pa nga siyang refrigerator sa kwarto niya eh.

SHEMAY! Nakalimutan ko yung purpose ko kung bakit ako nandito! Dinner with Lauren’s MOM! Eh sino naman itong gwapong nilalang na kasama ko? Matitigan nga..

Mata (kamukha ng kay lauren?)

 Ilong (matangos)

 Bibig (Kissable at ang sarap sunggaban)

 Mukha (Adonis)

 Katawan (Yummy!)

 Ulo hanggang Paa at WAAAHH!

May ABS SIYA kasi bakat sa shirt na suot niya! Masyadong fitted! O_____________O Tukso, Layuan mo ako!

 Nagiging SHREK ang mind ko! Kasi itong kasama ko masyadong HOT!

“Ahm.. Miss, bakit ka nakatitig sa akin at bakit pinagpapawisan ka eh naka-aircon naman tayo dito.”

GOSH! Napansin niya ako. Anong palusot! PALUSOT!

“A-Ano kasi may dumi ka sa mukha mo at tsaka sure ka bang naka-aircon tayo ang init talaga eh.” Buti na lang!

“Ah, Miss patanggal nga nung dumi, hindi ko makita eh.”

WHAT! Eh palusot ko lang yun! Nasaan ba yung dumi? SAAN! T_T

“Ah, Sige! Lapit ka dito sa akin para matanggal na yang dumi sa mukha mo.”

Tapos lumapit naman siya sa mukha ko. Sobrang lapit ha! Yung parang kanina lang. Ang hilig niyang lumapit ng ganyan ha! Kapag di ako nakapagpigil susunggaban ko ‘to!

“Ahm, pwede layo ka ng konti. Hindi ko kasi makita naduduling ako sobrang lapit mo kasi eh.”

Lumayo naman siya. Tapos tinanggal ko na yung “DUMI” sa may ilong niya! WAHAHA, nahawakan ko na din ang kanyang matangos na ilong!

“Wala na ba?” tanong niya sa akin.

“Wala na.” tapos tumayo na siya at kinuha yung first aid kit na binaba niya kanina.

“Miss, gagamutin ko na yung nasa noo mo. Baka kasi lumala pa eh. Lika dito lumapit ka sa akin ng konti.” Sabi niya sa akin. Teka, bakit ba miss ‘to ng miss eh sa misis niya nga ako! Joke! Feeling talaga ako. Dapat malaman ko pangalan niya. Matanong nga!

“Uy, bago mo ako gamutin ahm.. Hindi ko pa kasi natatanong yung pangalan mo para mapasalamatan naman kita at kapag nagkita ulit tayo may matawag naman ako sayo.”

“Ah, oo nga pala! Ako nga pala si Laurence Austria pero tawagin mo na lang akong Rence just for short. Ikaw Miss? Anong pangalan mo?” Austria?! Edi magkapatid sila ni Lauren? Kaya naman pala may pagkakahawig sa mata. Tanong ko nga.

“Ah! Nice to meet you Rence. I’m Caitlin Elizalde and just call me Kate for short. Nga pala, Magkapatid kayo ni Lauren kasi magkamukha kayo eh at tsaka nasa iisang mansion naman kayo?”

“Si Lauren ba? Hindi ko siya kapatid asawa ko siya.”

O__________________________O

“WHAT! EH ANG BATA NIYO PA!”

One Last Promise (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon