Chapter 1

293 7 0
                                    

Anak,

Maligayang Bati sayong pag-silang Anak, Alam kong labing-limang taon ka na. Gaya ng aking saad sa iyong Lola Diaz Rovetas. Makikilala mo na ako. Ngunit kailangan mong pumunta sa ibang pook at maglakbay ng ibang lupalop. Makikita mo ako ngunit makikilala mo kaya ang pagmumukha ko? Tandaan mo lamang na mahal na mahal kita. Iniwan kita sa iyong Lola sapagkat alam kong mas maaalagaan ka niya kesa saamin ng iyong Ina. Mas maayos ang iyong kapakanan kesa saamin na iyong pamilya. Ngunit tandaan mong mahal na mahal ka namin. Sobra. Na kahit mamatay pa kami ng iyong Ina ay ayos lang saamin. Kung nais mo akong makita at makilala ay pumunta ka sa paaralang ito. Dito mo ako makikilala at makikita. Ang paaralang ito ay Energia Academy. Hihintayin kita anak. Sa muli nating pagkikita.

Nagmamahal,
Ang iyong ama

Napangiti ako, Sa wakas... Nakilala ko na rin ang aking ama.

Tinitigan ko ang aking Lola Ditas, Nakangiti siya habang may luha sa kanyang mata.

Kaarawan ko ngayon ngunit ang isa sa mga babaeng bumubuo sa buhay ko ay humihikbi.

"Hija, Hinihintay ka ng iyong ama..." Anito sa mababang tono. Pilit niyang pasiglahin ang kanyang boses ngunit binigo siya nito.

"Alam ko ho Lola Ditas, Ngunit pag-iisipan ko pa ho kung susundin ko ang nais ni Ama."

Binabagabag ako ng maraming katanungan saaking kaisipan ngunit para saan pa? Masaya na ako rito. Masaya akong kasama ang aking Lola Diaz Rovetas O mas pinaikli pang si Lola Ditas. Ayoko siyang iwan dito. Mayroon na siyang katandaan at ugod-ugod na rin ngunit kahit ganoon ay alam kong nakikilala niya pa ako.

"Hija, Labin-limang taon kang hindi nakikilala at nakikita ng iyong ama. Hindi mo ba siya nais makita o makilala man lamang?" muling tanong ni Lola Ditas.

Ngumiti ako ng malapad,

"Lola, Makikilala ko ho ang aking ama. Ngunit alam kong hindi iyon ngayon. Kontento na ako rito sa ating siyudad. May katandaan ka na rin ho kaya't ayaw ho kitang pabayaan." Nakangiti kong paliwanag.

At isa pa, Ipagpapalit ko ba ang aking ama sa babaeng nag-alaga saakin ng labinlimang taon? Halos isang dekada na niya akong inaalaagan at hindi pinabayaan tapos iiwan ko siya ritong nag-iisa? Siguro naman ay maiintindihan niya ako hindi ba? Iintindihin niya naman ang paliwanag ko kung sakaling hindi man ako dumating sa pook na nais niya.

"Kahit isang araw lamang?"

Mas lalo akong napangiti at umiling. "Buo na ho ang aking pasya Lola Ditas, Hindi na ho iyon magbabago." Tugon ko sa kanya.

Yinakap ako ni Lola saka humagulgol saaking balikat,

"Huwag mo akong iwan hija. Nalulumbay ako kung sakali mang iwan mo ako." Napangiti ako at yumakap din sa kanya.

"Hindi kita iiwan Lola. Pangako." Anas ko. Tumango-tango siya,

"Mahal kita hija, Tinuring na kitang parang anak. At maligayang kaarawan din sayo." Anito saaking tenga.

"Salamat po Lola, at Lola Ditas kahit makilala ko pa ang aking Ama'y hindi kita ipagpapalit. Mahal ko na rin po kayo kagaya ng aking Ina..." Madamdamin kong pahayag.

ENERGIA ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon