Chapter 12

58 5 8
                                    

{AENDRIA}

Alam kong tama ang lahat ng sinasaad ng kambal ni Light saakin, Isa akong magiging sagabal sa pakikibaka nila kay Scarlette. Ngunit hindi ko alam na ganun pala kasakit ang aking matatamo kung sumiklab ang galit ng isang Dark Griffith.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Dark Griffith ay umakyat ako dito sa puno ng Jetriz kung saan malapit ako dito sa isang gubat. Ito ang palagi kong ginagawa kapag nais kong magpakalma noong nakatira pa ako sa San Ruiz. Lagi nga akong napapagalitan ni Sam sapagkat kung saan-saan raw ako nagsususuot. Nakakatawang isipin na ang mga dati kong ginagawa sa San Ruiz ay maaari ko pang gawin dito.

"Miss na kita Lola Ditas..." mahina kong usal. Sinulyapan ko ang kalangitan. Samo't saring mga ala-ala ang agad na dumaloy saaking isipan. Napapangiti na lamang ako habang inaalala ang nakaraan.

"Because you'll be the death to all of us." Paulit-ulit itong tumatatak saakin isipan. Napabuntong hininga ako, Naaalala ko nanaman ang nasambit ni Dark kanina lamang.

Napakagat ako saaking labi, "Bakit ang sama mo saakin Ginoong Dark Griffith? Sa aking pagkakatanda'y wala akong nagawang kasalanan sayo." Ramdam ko ang pagpatak ng isang luha saaking mata. Ang iyakin ko talaga no?

Agad ko itong pinunasan, Ano nga bang nagawa kong kasalanan sa kanya? Bakit ang sama niya? Bakit ang sama ni Binibining Scarlette Blood at ang sakit niya mag-salita? Bakit ganoon sila dito?

"Aendria!" Sigaw ng isang pamilyar na boses. Napangiti ako,

Si Sam. Malamang ay hinahanap niya nanaman ako sapagkat nakita niyang mayroong puno ng Jetriz dito.

Nanatili akong tahimik habang rinig ko ang pagyabag ng paa ni Samara palapit sa aking pwesto ngunit dahil sa tayog nitong punong aking kinauupuan ay hindi mo mapapansin ang isang tao.

"Ae! Where are you?!" Muling sigaw ni Sam.

"Are you really sure she's here in the forest Light?"

Uwah! Nandirito rin si Light!

"Yeah. I just sensed someone going inside the Bosque Magico." Huh? Bosque Magico?

"Tsk, that girl. She'll be the death of me!" Asar na sabi ni Sam. Ngumiti ako, Hehe. Alam kong makulit ako at pasaway noon pa man. Hihi.

Sinulyapan ko ang dalawa kong kaibigan, Si Light at Sam.

"I summon thee, The Light of the Sun..." sambit ni Light. Nagliwanag ang kanyang kulay araw na buhok at biglang nagliwanag ang paligid. Uwah! Ang ganda!

"She's above us." Ani Light pagkaraan ng ilang sandali. Nawala ang liwanag sa paligid at sinulyapan niya ako rito sa itaas ng puno ng Jetriz. Huh? Paano niya ako nahanap?

Umangat ang tingin ni Sam at nagkonekta ang aming titig. Napangiti ako ng malapad saka mabilis na tumalon upang makababa sa matayog na puno.

"You found me!" Sambit ko. Inirapan ako ni Sam saka dali-daling nagmartsa sa pwesto ko upang pumikot saaking tenga.

"Aray ko Sam!" Napanguso ako, Huhu! Ang sakit!

"Tch, Speak in Modern Language! Why are you even here in the Bosque Magico? Do you know that this forest is magical? This forest has a thousands of Mirage Beast lurking inside. And if you get eaten by a Mirage Beast you'll turn like them that's why it's prohibited to come inside this forest."

Napanguso ako, Wala akong maintindihan kahit isa, Ang daming kasing nilitanya ni Sam at agad niya pa akong sinuway. Alam niya naman sigurong papasok sa kanang tenga ang kanyang mga salita at lalabas muli sa kabila.

ENERGIA ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon