Chapter 14

50 3 3
                                    

{AENDRIA}

NAPAPAILING ako habang nakasimangot na nakaupo sa may clinic.

"Are you alright?" Alalang tanong ni Dr. Pryns. Mayroon daw siyang Healing Energia kaya siya ang namamahala dito sa clinic.

Napangiti ako dahil mukhang hindi na ako papagalitan ng duktor. Kanina kasi'y napagalitan ako sapagkat pumunta ako sa Bosque Magico na isa palang gubat sa mga may Mirage Beast! Kanina ko lamang naintindihan ang ibig-sabihin ng paliwanag nito ng malinawan na ako.

"Doc yes Doc!" Tugon ko saka sumaludo na parang sundalo. Napangiti siya saaking inasta saka ginulo ang buhok ko.

"Good girl! Anyways, Can you give this to Sir Ken?" May tinuro si Doc Pryns na parang tabletas.

"It's a medicine for En-users who had their Energia cooling down." paliwanag niya. Napatango ako.

"Did you made this?" Tanong ko. Umiling siya saka malapad na ngumiti.

"It was made by my assistant." Nakangiti nitong tugon. Tumango ako saka nagpaalam na sa doktor. Dumiretso ako sa Teacher's Dormitory. Sa pagkakasabi kasi kanina ng doktor ay nagpapahinga raw ang gurong hindi ko pa nakikilala. Nasa misyon daw kasi iyon at ilang araw na itong wala sa paaralan.

Nang mabungaran ko na ang pinto ay nangunot ang aking noo sapagkat pamilyar na kaba ang dumadagundong saaking dibdib,

XERXES

Ito ang nakaukit sa pinakadulong pinto na mismong apelyido ni Sir Ken. Napagpasyahan kong kumatok na lamang.

Naghintay ako ng limang segundo at may isang lalakeng nasa edad na tatlompu pataas. Mayroon itong kulay tsokolateng buhok at pamilyar na mukha.

Nagkakilala na ba kami ng ginoo?

"Ugh, Yes?" Tanong nito saakin. Napamulgat ako at nahihiyang binigay ang tabletas sa guro. Kinuha niya ito at dumaloy any kuryente saakin. A-ano 'yun?!

"Bigay po ni Dr. Pryns." sabi ko. Uwah! Nakalimutan ko nanamang nagsalita ako ng Native Language! Ugh.

"Ah, Sige sige. Salamat." nakangiti niyang tugon. UWAH! Astig! Marunong siyang magsalita sa Native Language!

"Hehe, Pagaling po kayo Sir Ken." Nakangiti kong sambit. Tinanguan niya ako saka ginulo ang aking buhok.

"Transferee ka?" Tumango ako.

"Opo." Tugon ko saka ngumiti. Ginulo niya muli ang buhok ko saka nagpaalam. Magpapahinga pa raw kasi ito dahil napagod ito sa misyon. Nakangiting nagpaalam ako sa guro. Ang saya ko, Ewan ko kung bakit. Hindi ito ang nadarama ko sa tuwina'y kasama ko si Lola Ditas, Sam, Light at Silver. Nakakaramdam ako ng isang tunay na.....ama.

*****
KINABUKASAN (Mock Battle Exam Day!)

"Aendria?!" Malapad akong napangiti,

"Light!" Bati ko, nginitian niya ako saka ginulo ang aking buhok.

"Are you training for the Mock Battle Exam for the Blood Lusts?" tanong niya saka ngumiti. Nawala ang aking ngiti sa labi at napasimangot.

Naaalala ko nanaman kasi ang nasabi ni Dark Griffith, ang kambal ni Light kahapon. Nasaktan ako. Sobra.

"Blood Lusts?" Taka kong tanong. Tinanguan niya ako at umakbay sa'kin.

"Yup, That's the Group of Scarlette Blood. We will battle with them later."

Blood Lusts? Sila... ang kakalabanin namin mamaya.

Napanguso ako, Dahil sa katangahan ko'y maraming buhay ang--

ENERGIA ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon