Chapter 6

91 4 0
                                    

{AENDRIA}

MINULAT ko ang aking paningin at tumambad saakin ang kulay ulap na kisame.

Patay na ba ako?

"Oh, You're awake!" Napabalikwas ako ng pwesto at napasulyap sa ginoong nakasuot ng puti.

S-siya na ba si....

BATHALA?!

UWAH!!!!

T-totoo nga!

P-p-patay na ako?!!!!

Napahagulgol ako ng wala sa oras, "Bathala! Ibalik mo ako sa kalupaan! Nais ko pa palang makita ang aking Lola Ditas! Nais ko pang makita si Samara! Ayoko pang mapunta rito sa kalangitan! Ibalik mo ako Bathala!!!!" Punong-puno ng luha ang aking mata at ramdam ko ang hirap na paghinga saaking dibdib,

"Bathala! Nagmamaka-awa ako sayo! Ibalik mo ako sa kalupaan!"

"HUMIHINGI AKO SAYO NG HABAG BATHALA!! IBALIK MO NA AKO SA LUPA!!!"

"AENDRIA?!" Napatigil ako sa pagluha, Muling kumabog ang aking dibdib sa pamilyar na boses na dumaloy saaking tenga. Alam kong naguguni lang ako sapagkat hindi pa maaaring patay ang aking kaibigan kaya't naririnig ko ang boses nito saaking pandinig,

Pinunasan ko ang aking matang hilam sa luha at nagulat ako saaking nakita.

"SAMARA?!"

Binlingan ko ng tingin ang ginoong nasa harapan ko na kung tatawagin ay si Bathala, Dinuro ko siya gamit ng hintuturo ko.

"Bathala! Anong ginawa mo sa kaibigan ko?! Alam mong mahal ko siya higit pa sa sarili ko ngunit pinatay mo siya?!"

Mas lalo akong napahagulgol,

"Ibalik mo siya sa kalupaan Bathala! Hindi ko nais ang ginawa mo upang magkasama lamang kami ni Samara! Pinatay mo siya! Pinatay mo ang kahabag-habag kong kaibigan upang makasama ko lamang siya! Pa-paano na ang aking Lola Ditas na nasa San Ruiz?! Wala siyang kaide-ideya na namatay na ang kanyang apo-"

Pinangunotan ako ni Samara ng noo, napahagulgol ako at nakonsensya sa hiniling ko kay Bathala. Tunay ngang nais ko siyang makasama ngunit hindi sa ganitong paraan!

"PATAWARIN MO KO SAMARA, N-NAIS LAMANG KITANG MAKITA AT MAKASAMA...P-PERO...UWAH!!! HINILING KO KAY BATHALA NA MAGKASAMA TAYO NGAYON... HUHUH-"

"Dumating ka..."

Napasinghap ako, "S-samara..." muling dumaloy saaking pisngi ang masaganang luha,

"Ssh... Tahan na Iyaking Ae, Ang tanga mo pa rin kahit kailan." Napakalas ako sa yakap ng wala sa oras.

"Paano ka natanggap dito sa kalangitan kung puro pang-iinsulto ang lumalabas sa bibig mo?!" Singhal ko saka ngumuso,

Hindi ba't puro mababait lamang ang maaaring mapunta sa kalangitan? Bakit nasama rito si Samara? Hmph!

"Tangek! Nasa Energia Academy ka." Tugon nito saakin at ginulo ang aking buhok, Nginitian niya ako.

"Marami ka pang kailangang matutunan sa paaralang ito Ae, Ang wikang ginagamit natin ngayon ay native language." Anito. Kumunot ang aking noo,

"Anong ibig mong ipahiwatig Samara?" Takang tanong ko sa kanya,

"Kailangan mong matutunan ang Modern language na itinuturo sa paaralang ito." Sabat ng isang dalagitang nakamasid saamin. Kulay puti ang buhok nito't mayroong kulay dugong mata. Ii

 Ii

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
ENERGIA ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon