Chapter 15

56 3 4
                                    

{AENDRIA}

Binigyan ako ni Dr. Pryns ng isang tableta ng gamot, Nahawakan ko ang palad nito.

"You really are a naughty kid, Cross." Anito. Ngumuso ako,

"Di ko naman sinasadya e." Tsaka para na rin naman sa training namin 'yun.

Pagkatapos kasi ng Training namin ni Light ay inaya niya na ako sa clinic. Sa bungad pa lamang ng clinic ay napako kaagad siya sa kinatatayuan niya ng makita si Dark. Agad siyang nagsabi na mauna na raw akong pumasok. Tumango na lamang ako sakanya at nagpaalam. At ang mga sunod na nangyari ay hindi ko na alam.

"It is still your fault, Aendria." Ngayon ko lang batid na marunong palang magsalita ng Native Language ang mga maestra (guro) namin dito sa paaralan at makaintindi.

Simula nung nakausap ko si Sir Ken kanina ay ngayon ko lamang iyon napansin.

Umingos ako, "Pero..." umiling si Dr. Pryns.

"No buts, Aendria. Come on and drink your med." Bumuntong hininga ako at sumunod na lamang sa utos ni Dr. Pryns.

Isang malakas na lakas ang dama ko, Ano 'to?

"You felt it?" Tumango ako.

"Good, Now go back to your dorm and rest. You'll battle with Scarlette Blood later."

Napanguso ako habang tinatahak ang pinto palabas ng clinic,

Huhu si Dr. Pryns talaga napaka-ano.

"Aendria..." napalingon ako muli kay Dr. Pryns.

Muli akong ngumuso, "Bakit ho?" tanong ko.

"Goodluck with the Battle between the Blood Lust okay?" nakangiti nitong paalala. Napangiti ako sa sinabi nito. Para na rin siyang ama ko dahil sa pag-aalaga niya saakin at pag-aalala.

"Salamat po ng marami." ngumiti ako ng matamis saka tinulak ang kulay puting pinto palabas.

Pulang mata. 'Yan kaagad ang bumulaga saakin. Kusang bumaha ng maraming takot ang aking dibdib.

"D-dark..."

Ngumisi siya saakin at lumapit sa pwesto ko.

Napalakad ako paurong, Takot. Ito ang isang kusang sinisigaw ng puso ko habang patuloy siya sa paglapit sa pwesto ko.

"D-dark... S-stop..." nahihintakutan kong sabi. Muli niya akong tinitigan. Kahit na ganito kadugo ang mga mata ni Light ay kailanman ay hindi ako natakot sakanya. Kay Dark lang.

"You really are a Stupid girl..." natatakot ako sa boses niya. Para siyang mangangain at p-papatay.

"D-dark..."

"Let's talk," nakangisi niyang sabi. Lumayo siya saakin at naglakad na papalayo.

Napakagat labi ako at humugot ng malalim na hininga. Kaya mo 'to Aendria! Kaya mo 'to! Kahit na nakakatakot si Dark. Para kay Light at Sam gagawin ko!

=====

Nangunot ang noo ko, Bakit dito pa sa madilim na silid-aralan?

"You really are a stu--" nahigit ko ang aking hininga dahil ramdam ko ang kakaibang pintig saaking puso sapagkat lumapit siya saaking pwesto. Konti na lamang ay magdidikit ang aming mga labi.

"--Pid girl Cross," natuod ako saaking kinatatayuan at kahit anong pilit kong gumalaw ay nanatili akong estatwa.

"Why can't I move?!" sigaw ko kay Dark. Tinitigan niya ako at para akong nahihipnotismo ng dugo niyang mata. Napakatingkad.

ENERGIA ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon