Special Chapter

203 6 0
                                    

Authry's Point of View

"Mimi, shi kuya oh, ang damot!" Sigaw ng bunso naming anak na si Alex.

Carson Alex West Jeon ang buong pangalan niya. 2 years old palang and si Andy naman 10 years old na.

"Andy," tawag ni Wolf sa anak ko na nagtatago sa likod ng refrigerator namin.

"Papa" tawag ni Andy sakanilang Papa at lumapit sa amin.

"Papa, shi kuya, ayaw hiram ng phone niya" sumbong ni Alex sa Papa nila.

Hinila ko papalapit si Andy sakin at inayos ang buhok niya na nakatakip sa mukha niya.

"Anak, bakit dinadamutan mo nanaman si Alex?" Tanong ko ng malumanay, habang siya nakayuko lang at nilalaro ang kamay niya.

" Sorry po Mommy" sabi niya,  ng nakayuko padin.

"Mag-sorry ka na kay Alex, at pahiramin mo ng Phone, at aayusin pa namin tong mga gamit natin" sabi ko at sinenyasan na niya si Wolf na ibaba si Alex, ibinaba naman niya at si Alex sumunod na sa kuya niya.

"Wag mong kalimutan yung mga pare pareho naming swimming tracks ah" sabi ni Wolf saka yakap sa bewang ko at bumulong.

"Wag mo ring kalimutan two piece mo" bulong niya, siniko ko naaman yung tyan niya.

"Loko ka, dun ka nga ayusin mo na yung mga bagahe sa sasakyan, mga kalokohan neto!" Sabi ko at pinagtulakan siya palabas ng kusina.

" Bilisan mo ah" pahabol ko pa.

Mag-b-beach kasi kami nila Jae at Alexa ngayon, katatapos lang din kasi ng pasukan nila Andy, Jerome at Marxa.

Nang matapos na akong mag-ayos ng pagkain namin, kinuha ko na sila Andy at Alex palabas ng bahay.

"Wala na ba kayong nakalimutan, yung Camera nasaan?" Tanong ko.

"Nakay Papa" sagot ni Andy.

"Yung sun-block baka mangitim kayo, yung mga sun glasses niyo mamaya ako nanaman hanapan niyo, tapos bibili nanaman"

"Papa, shi Mimi!" Sigaw ni Alex.

"Mommy, tara na po" sabi ni Wolf at inakbayan ako, si Andy at Alex naman umakyat na sa Car.

" Sige na tara na" sabi ko at naglakad na patungo sa pinto ng passenger's seat.

Pupunta kami ngayon ng Jeju Island.

Bumyahe lang kami with matching sing along pa 'tong mga mag-ama na 'to.

Nang makarating ng beach nagkita kita na kami.

"Alexa, Mark"  sabay na sigaw namin na sigaw ni Wolf.

" Wolf, Authry" sabay na sigaw din nila pareho samin.

"Andy!" Yan naman ang sigaw ni Alexandra na halata naman na may gusto sa anak ko at siyempre suportado ko, pero bago siya pumunta sa pwesto ni Andy, lumapit muna sakin at nagmano pati kay Wolf,  ganon din ang ginawa ni Andy at Alex sa tita Alexa at Tito Mark nila.

"ALEXA, AUTHRY!" Sigaw ni Jae. At tumakbo papalapit samin.

Yumakap siya samin ni Alexa.

Nagbless naman yung mga bata sakanya at kay Eros, nagbless din si Jerome samin.

"Andy!" Sigaw ni Jerome.

"Jerome!" Sigaw ni Andy.

"Oh ano tara na" yaya ni Eros.

Nagcheck in na kaming lahat at pagtapos nagswimming narin yung mga bata, habang kami nakaupo dito sa may sand sa may silungan na payong, pinapanood lang yung mga bata na maghabulan dun sa tubig.

Nagbabasaan silang lahat ng mapatid yung si Andy, nadaganan niya si Alexandra na ikinatyo naman ni Mark,  pero hinila siya pabalik ni Alexa, nakita naman naming inalalayan ni Andy patayo si Alexandra.

"Ang OA mo Daddy" sabi ni Alexa kay Mark.

"Aba siyempre 'no anak ko yun eh" sabi ni Mark habang nakapamewang.

"So hindi mo pinagkakatiwalaan yung anak ko" singit ni Wolf at tumayo.

"Oh ayan nanaman kayo ah" pumagitna si Eros sakanila.

" BRO!" Biglang may sumigaw.

"ERIS!" sabay sabay na sigaw ng tatlong lalaki na sino pa ba edi si Eros, Mark at Wolf.

Nagman hug silang apat at nagbulungan at tawanan pa.

"Sus puro ka naman ganyan, pero hanggang ngayon wala ka paring anak!" Kantyaw ni Mark at binatukan si Eris, napatawa nalang kaming lahat.

"Chill lang kayo, kasi magugulat nalang kayo marami na pala akong Junior" pagmamayabang ni Eris at pinagpag pa yung damit niya.

"Magugulat kami na may anak ka na? Ano yan galing Orphanage?!" Tanong ni Wolf at nagtawanan naman kami.

"Wala ka na atang pagasang mag ka anak! HAHAHA!" Tawa ni Eros.

"Hoy! Hindi ako baog ah!" Dipensa ni Eris.

"sino ba nagsabi?! HAHAHA! Baog ka nga siguro!" Pangasar ni Mark.

"Hindi ah! Busy lang talaga si Eanji" sabi ni Eris.

Yung sinsabi niya kasing si Ji yan noon, false alarm pala!

Kaya yan siya ngayon di namin alam kung kailan pa yan magkakaanak.

"Daddy!" Biglang nakarinig kami ng humahagulhol na tumawag kay Mark, at nakita namin si Alexandra na papalapit kay Mark habang kinukusot yung mata.

Humihikbi siyang yumakap sa Daddy niya pinaupo siya ni Mark sa may tabi ni Alexa at sinuklay-sukaly yung buhok ni Alexandra.

"D-D-Da-ddy s-si A-An-dy k-asi" iyak niya sa Daddy niya at yumakap kay Daddy niya napatingin kaming lahat sa direksyon ni Andy at nakita kong may kausap siyang babae, habang si Alex at Jerome naglalaro sa may sand.

Nagseselos si Alexandra.









Follow me on Twitter @onexxbaby

Adored by Seventeen ©

Adored by SeventeenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon