Chapter 5: Alone with Mr. Jeon

395 13 1
                                    

Authry's Point of View

5:20 am,

Nasa Airport na kami,seriously wala pa kaming tulog pag-kauwi kasi namin nag-punta na agad ng Airport, umalis kami ng 12:00 am sa Busan tapos tingnan niyo mga 5:00 am na wagas diba, pa-especial kasi toh si Mingyu, ayaw-ayaw pa nung sabi naming sabay siya, susunod din pala Bwiset sa buhay eh.

"Asan na daw siya?" Tanong ni Woozi kay S.couos-hyung.
"Nasa kabilang Area, malay ko kung ano na nangyari dun" sago ni S.coups-hyung.
"Hyung inaantok na ako, tapos mamaya gigisingin nanaman ako niya ni Diva-Boo" sabi ko.
"Hyung nagugutom na ako" sabi naman ni The8.
"Wonwoo, buhatin mo na lang ako, baka makatulog na ako." Sabi ko ng pabiro kay Wonwoo.
"Ikaw nalang mag-buhat sakin sakit ng ulo ko eh" lasing pa kasi yan si Wonwoo hinila ko lang samahan ako, kasi gusto kong bugbugin si Mingyu, anim lang kaming magkakasama di na kinaya nung iba, kala ko nga tong si Seungkwan, di na magigising.
"Hoy! Mabigat ka!" Sabi ko naman.
"Alam niyo kukutusan ko yan si Mingyu, kung san-saan nag-pupunta" sabi ni Hoshi na halos maging giraffe na sa kakahanap kay Mingyu.
"Pag-tulungan natin ah" sabi ko.
"HYUNG!" Rinig kong sigaw ng isang taong gusto kong saksakin.
"Asan yung iba?" Masigla niyang tanong, Oo masigla as in.
"Namatay na" sagot ni Wonwoo habang nangunguna nang maglakad palabas ng Airport.
"Alam mo bang galing pa kaming busan at wala pa akong tulog dahil sa bestfriend mong yun" sabi ko habang nakaturo kay Wonwoo.
"Hyung, bakit galing kayong busan, anong meron?" Tanong niya.
"Nag-welcome party para sa sarili" sagot ni Hoshi.
"Ang daya naman" sabi niya.
"Wag ka nga, sino ba nag-paiwan, haller?" Sabi ko.

Sa Bahay

Tulog na kaming lahat as in, basta naalala ko nakatulog ako sa Car binuhat ako ni Wonwoo papasok ng bahay at yun Tulog.

12:00 pm

"HEY! IREONNA!" Sakit naman sa tenga makasigaw wagas.
"Ano ba Seungkwan, inaantok pa ako" sabi ko at binato siya ng unan.
"Tanghali na mga dudong!" Sabi ni Seungkwan.
"Eh! SUSUMBONG KITA KAY HYUNG!" sigaw ni Dino.
"So ayaw niyo magising?" Tanong niya pero di namin siya sinagot.
"HOSHI!" sigaw niya at napatayo naman ako, ayokong masabuyan ng tubig ang aga-aga, at umalis na siya sumunod naman si Dino.
Siyempre ako mag-aayos muna ako alangan naman lumabas ako ng parang bruha noh? Tinali ko lang ng mataas yung buhok ko saka lumabas nakita ko naman si Wonwoo palabas ng kwarto nila na hawak-hawak ang ulo siguro masakit padin, ang gulo-gulo pa nang buhok na kala mo nakipag-sabunutan sa bakla at naka boxer lang siya adik tong lalaking toh.
"Hoy! Magbihis ka nga dun" saway ko.
"Maskit ulo ko at di naman ako lalabas ng bahay" sabi niya.
"Buhok mo" sabi ko.
"Ok lang ya-"
"Andito na si Mingyu baka ma-mohawk yang buhok mo" sabi ko, lumaki yung mata niya at hinawi-hawi mga buhok sa muka niya at inayos,uy waiy lang yung dibdib ko kumakatok, aray ang sakit.

_________
Nasa sala lang kaming dalawa ni Wonwoo, iniwan kami nung iba eh, malay ko, laging ako at si Wonwoo pinag-sasama nila these days eh, nanunuod lang kami right now, ng kung ano man yung palabas sa TV malay ko, basta nanonood ako, tumayo ako at aalis sana.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya.
"Lemon" sagot ko. Layo ng sagot ko noh?, pero gets na niya yun.
"Tinapon na ni Hyung" sabi niya. Si hyung talaga Pft. Ang sarap maka-patay ngayon alam niyang buhay ko yun eh.
"Ehh! Kailangan ko ng Lemon, mamamatay ako!" Reklamo ko sakanya.
"Hoy! Wag ka ngang OA adik ka ah" sabi ko.
"Wow! Ikaw kaya itapon ko mga pomegranate mo na nasa ref. Anong gagawin mo huh?" Tanong ko.
"Edi bibili ulit"oo nga naman ang bobo ko talaga.
"Tara bili tayo bilis" sabi ko saka hinila siya patayo pero di siya tumayo at uliling lang.
"Baka nakakalimutan mo nandito na si Mingyu, hmm...ano kaya bagay sayong hairstyle ngayon, ipa-shave kaya natin yung kabilang side ng buhok mo para cool" sabi ko.
"Eh sabi ko nga sasamahan kita eh" sabi niya.

___________

Nasa bahay na kami kagagaling lang sa labas, grabe ang init ngayon sa labas, nasusunog na mukha ko.

"Ang boring naman" sabi ko habang nagpapapak ng lemon.
"Sana kasama natin sila Hoshi para di masyadong-gawa kaya tayo ng-"
"Hoy! Baka nakakalimutan mo Virgin pa ako!"
"Huh? Anong kinalaman nun sa party?"
"Ah? P-Party? K-Kala ko kasi ano eh, basta"
Ang bobo ko talaga ang green pa as in.
"Ay ikaw ah, may pag-nanasa ka pala sakin ah" sabi niya nang nakangiti habang kinikiliti ako.
"T-tara na, mag-gala tayo s-sa dun sa ilalim ng dagat sa puno dun sa kanto" what? Ano daw sabe?ilalim ng dagat sa puno dun sa kanto? Niloloko neto?

"Sige punta tayo dun pag nag-exist na yung ganong place sa Earth" sabi niya.
Ayaw ko na kung ano-ano nalang pumapasok sa utak ko.
"S-si hyung ano? Tumwag na ba? m-may pinagagawa ba?" Tanong ko. Lupa pwede mo na akong kainin as in right now, as in.
"Okay lang yan Cauthryn!" Sabi niya tapos tinaas-baba pa niya kilay niya.
"Anong oras na ba?" Tanong ko, saka tinignan yung phone ko wow 3:30 pm na.

______________

Ayan, nandito na sila hyung kanina na pa kami na-b-bored eh.
"So, ano nangyare sa gala niyo" tanong ko.
"Nang-stalk" sagot ni Dino, pero tinignan siya ni hyung ng masama.
"Sino In-stalk niyo" tanong ko kay Dino.
"Nothing just some, girls out there" pangsalba ni Vernon sigurado may-sikreto tong mga 'toh.
"Kamusta naman ang baby girl" ayan ganyan si Mingyu.
"Pwede Mingyu ang sarap mong Sapakin" panakot ko at ginulo naman ang buhok ko.
"Hyung saan natuto yan si Authry mag-isip green?" Tanong ni Wonwoo.
"Hoy!Mingyu gawin mo ngang mohawk buhok ni Wonwoo!" Sabi ko.
"Sige, asan si Wonwoo my labs?"sabi niya, ang landi.
"Authry joke lang, ehh! Mommy!" Takbo ni Wonwoo palayo at hinabol naman ni Mingyu.

_______________________________________________________________________________________________________________________________________













Follow me on Twitter @_sltymlk

Author's Note

Yung Part three nang Gwangalli, in-edit ko, kasi nakita kong kulang yung part nayun, so dun sa mga nakabasa na nung part nayun basahin niyo ulit, yun lang uy pa-vote nalang din, at follow KUNG gusto niyo,(wew kepel nemen ng fes ko) hahaha yun lang, Bye!

Adored by Seventeen©

Adored by SeventeenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon