Chapter 30: Park

186 10 1
                                    

Authry's Point of View

[OMG SILA NA?!] Sigaw ni Jae mula sa kabilang linya kaya medyo nilayo ko yung phone sa tenga ko, nasa loob kasi yung iba kumakain, kami ni Chan-chan nandito sa labas.

"Oo wag ka namang sumigaw!" Sabi ko.

[Sorry, wala sila mommy eh kaya todo sigaw ko dito]

"Halata nga, walang sumasaway saiyo eh"

[Sino kasama mo diyan?]

"Kumakain sila, si Steven hyung at Jam-hyung nag gtocery kasi daw wala ng toothpaste"

[Toothpaste?! Kinakain niyo ba toothpaste niyo?]

"Hindi, kinakain pala ang toothpaste kala ko pinang-t-toothbrush lang yun"

[Baliw, expression lang yun]

"Ah, punta ka dito dali"

[Hindi pwede, walang magbabantay ng baha, baka patayin ako ng nanay't tatay ko]

"Loko"

[Seryoso ka ba talaga, sila na? I mean kasi pag sila na dapat pinangangalandakan na ni Wolf yun]

"Narinig ko nga"

[Lahat lahat?]

"Hindi"

[Ah ayon, tanungin mo nalang siya para sigurado]

"Sige try ko, kakain muna ako, wala pa akobg kinakain eh"

Sabi ko at in-end ang call.

Pumasok ako sa loob ng bahay, sige try mo pumasok sa labas.

Wala na yung iba, si Stanley naliligo si Mark, Stuart at Chan nanunood ng TV, si Wolf, naghuhugas ng Plates, kagagaling lang ni Hance sa tabi ni Wolf.

"Hyung, ano-nag-kasi si-I mean-k-kayo na ba ni J-Jill" nagulat ako ng humagalpak siya sa tawa habang hawak yung tiyan at ngayon ay nakaluhod na.

"Hyung? Nakakatawa ba yung tanong ko?" Tanong ko ng nakayuko, inangat ni Wolf yung mukha ko para magkatinginan kami, bakit ganon? Maka tawa siya wagas eh sa mata niya ang lungkot lungkot.

"Kami ni Jill?" Tanong niya sa sarkastikong boses habang nakaturo sa sarili, nag-smirk siya bago mag salita ulit.

Adored by SeventeenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon