Chapter 41: Last Chapter

211 9 0
                                    

Wolf's Point of View

Apat na araw ng tulog si Authry.

Hindi ko alam kung ano pa ang gagawin ko.

Naaawa na ako sakanya.

Sana naman magising na siya.

Sana hindi muna siya sumuko.

Alam ko matapang si Authry, malalagpasan din niya 'to, ang kailangan niya lang ngayon ay ang suporta't pagmamahal at walang sawang pagdadasal namin para sakanya.

Ngayon habang tinititigan ko siya, unti-unting nawawasak ang puso ko, I know it sounds corny pero pag ikaw din nagmahal maiintindihan mo bakit bakit ako ganto ngayon.

Apat na araw na akong di kumakain, di natutulog.

Nagaalala na silang lahat baka daw magkasakit ako.

Paano kaya ako makakakain kung lagi kong naaalala ang kalagayan ni Authry, paano ako makakatulog kung sa pagpikit ko palang si Authry na ang nakikita ko.

Ngayon na hawak ko ang kamay niya, para akong na-k-calm dahil alam ko nasakin pa siya.

Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Authry sa kamay ko.

Tinignan ko ang mukha niya, she's trying to open her eyes.

Napatayo ako sa pagkakaupo ko at hinawi ang mga buhok niya.

"W-Wolf" tawag niya.

"Authry, buti nagising ka na, tinakot mo ako" sabi ko at niyakap siya.

"Tahi ko Wolf masakit" saway niya.

After naming magyakapan, sinabihan ko na sila tita na gising na si Authry.

Nag-kwentuhan pa kami ni Authry habang wala pa sila tita.

Nakwento ko narin sa kanya ang tungkol kay Alexa at Jill.


Jill/Alexa's Point of View

Hindi ko naman akalain na maaaksidente si Authry, di ko yun ginusto, apat na araw na akong ginugulo ng konsensya ko.

Gusto ko sana siyang puntahan, kaso baka nandun si Wolf, baka binabantayan niya at palayas lang ako.

Whatever.

Gagawin ko ito.

Pupuntahan ko si Authry.

No matter what.


Authry's Point of View

Habang nagtatawanan kami ni Wolf, may tumawag sakanya, hindi ko kilala kung sino.

"Authry, pwede bang iwan muna kita?" Tanong ni Wolf.

"Sige, basta ba-" naudlot ang sasabihin ko nang may pumasok sa may pinto, it's Jill, or better it's Alexa.

"Authry!" Tawag niya at nakita kong bumuhos yung luha niya.

"Alexa" tawag ko at pinuntahan niya ako at agad na niyakap.

"Sorry-hik-s-sorry, Authry-hik buti na-nalang g-gising ka na"

"Ok lang, wag ka na mag-sorry"

"Hey!" Nagulat kami nang may nagbukas nang pinto, habang si Wolf pinapanood lang kami.

"Sama ako" sabi ni Jae at tinalunan ako.

"A-Aray Jae!" Hinaing ko.

"H-Hoy dahan dahanin niyo si Authry!" Panaway ni Wolf.

"Sorry po, future Boyfriend" sabi ni Jae.

"A-anong future boyfriend ka diyan" tanong ni Wolf at namumula na siya.

"pakipot!" Sigaw sabay nila Jae at Alexa.

Hindi man ganun ka-Happy ang Ending namin, masaya parin ako, kasi ito ayus na kaming tatlo.

Kakayanin naman pala namin ang kahit anong problema eh.

Hindi man naging kami ni Wolf, ano ba kayo, life goes on diba, di pa naman dito natatapos ang lahat, marami pang pwedeng mangyari.

Malay niyo mamaya maging kami.



Besides malapit naman na akong mag-graduate, ano pa bang pwedeng mangyari.























To be continue...

Adored by Seventeen©

Adored by SeventeenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon