Chapter 33: I scream, You scream, for Ice Cream

166 7 2
                                    

Authry's Point of View

Grabe ayaw niyang bagalan yung pagmamaneho niya.

Saan ba ako dadalhin ng baliw na ito?

"Wolf kasi! Wag kang ganyan" panaway ko sakanya habang nakapikit padin.

"We're here na" abot tengang ngiting sabi niya.

"Ang bad mo" sabi ko sabay hampas ko sa braso niya.

Nasa bahay kami ngayon at walang tao dito, saan naman kaya nagpupupunta yung mga putspa na yun.

"Mukhang ikaw nanaman makakasama ko buong araw" naiinis kunwaring sabi ko.

"Hindi nga halata kasiyahan mo eh"sabi niya at ginulo yung buhok ko, ginulo! Ginulo! Hindi na nga ako nagsusuklay ginugulo niya pa buhok ko.

"So, labas tayo" pagyayaya ko sakanya na nakangiting umaasa na payagan niya.

"Ayaw baka kung ano nanaman mangyari saiyo nilagnat ka na nga eh" sabi niya at umupo sa sofa sumunod naman ako.

"Pwede bang pagbigyan mo nalang ako" sabi ko ng may kaunting lambing para pagbigyan niya ako.

"No nga ang kulit" sabi niya.

"Sige na" panglambing ko pa, pero umiling lang siya.

"Please"

"No"

"Payag ka na dali na"

"No"

"Ice cream lang naman"

"No"

"Dali na"

"Wag makulit Authry"

"Papayag na yan"

"Hindi"

"Hindi?" Tanong ko, "Hindi mo ako kayang tiisin" sabi ko at tinusok-tusok yung tagiliran niya at nahuli niya kamay ko.

"Ice cream lang okay?" Sabi niya kaya tumango naman ako.

~*~

Nung makabili na kami sa Car na kami kumain kasi nga maganda ako, lol.

"Uy, malapit na exam natin diba?" Tanong ko habang sumusubo ng ice cream.

"Oo nga eh, may mga requirements pa kami na di ko pa tapos" sagot niya ng maubos yung ice cream niya.

"Tulungan kita mamaya" sabi ko at susubo sana ulit kaso kinain ni Wolf.

"Hoy!"

"Sorry, peace tayo" natatawang sabi niya.

"Madaya ka, inubos mo saiyo aagawan mo pa ako" sabi ko at hinampas yung braso niya, hinampas din niya ako pabalik.

"Ay Wolf hyung talaga eh" sabi ko at may pailingiling epek pa.

"Hyper mo" sabi niya at in-start na yung engine.

~*~

Someone's Point of View

Nakakaingit sila, para silang couple.

Bakit ba kasi di ko pa siya sinagot para nakakapag-move na ako para maibalik ang pag kakaibigan namin, para hindi yung ganto na sinusundan ko lang sila sa kung saan sila pupunta.

Nakakasawa rin kasi.

Masakit sa mata na nakikita ang best friend mo kasama ang bagong best friend niya.

Bakit pa kasi ako bumalik, masaya na nga kami dun eh, ay oo nga pala kasi gusto kong sirain yung buhay nila.

Para hindi lang ako.

Ang laging nag-iisa.

Laging nawawalan.

Parating inaagawan.

At iniiwan.

Gusto kong maramdaman nila yung buhay ng tulad ko na walang ibang kaibigan, walang alam tungkol sa pakikipagkaibigan.

Ang maging loner.

____________________________________________________________________________________________







Follow me on Twitter @onexxbaby



Short?

Malamang tinamad nanaman yang Author niyo, parang tungaks, nagsulat lang para may UD.

Joke.

Wala kasing pumapasok sa utak ko ngayon puro GD.

SonExoShinhye

Thank you sa mga Vote mo :))

Adored by Seventeen©

Adored by SeventeenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon