Chapter 40: Luck

184 7 0
                                    

Wolf's Point of View

Nilipat na si Authry sa ibang kwarto.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko ilang oras na kami dito.

"Wolf, tara kain muna tayo sa baba" pagyaya sakin ni Mark na parang hindi na maintindihan ang mukha.

"Wala akong gana" sagot ko.

Hindi ko alam, natatakot ako, hindi siya pwedeng mawala sakin, hindi pwedeng ngayon na mahal ko na siya.

Hindi ko kaya.

Hindi ko kakayanin.

"Pag nalaman ni Authry na hindi ka kumakain, magagalit siya" sabi ni Mark na pilit na ngumingiti.

"Hindi ko na alam, Hindi ko na  alam, Mark masakit, alam ko ang bakla pakinggan na nanggagaling sa akin 'to" hindi ko na alam.

"Naiintindihan kita Wolf, paano naman si Chan diba" sabi niya at tinuturo si Chan na humahagulhol na sa kabilang upuan, alam ko mas nasasaktan siya kasi mahal na mahal niya si Authry.

"Hayaan mo nalang muna ako" sabi ko.

Madaling araw na, ewan ko di ako mapakali, ano ba kasing nangyari?

Bakit nasagasaan si Authry?

After ilang oras lumabas yung doctor. Agad namang nilapitan ni Tita.

"Okay na ba si Authry? Please tell me okay na siya, please" pakikiusap ni Tita at lumapit ako.

"Stable na po ba siya?" Tanong ko.

"Stable na siya pero, hindi gaanong normal ang heart beat niya, may mga oras na tumitigil na, pero naibalik naman namin sa normal" pagkatapos sabihin yun ng Doctor yung mga balita kay Authry, agad na akong pumasok sa kwarto niya at niyakap siya sumunod naman yung iba.
Pati si Tita at lumapit saamin ni Authry.

"Tita" napatingin kaming lahat sa nagsalita.

"Jae" tawag ni tita.

"Kamusta na po si Authry? Okay na  po  ba  siya? May mali  ba  sakanya? Stable na po ba? Tita" sunod sunod na tanong ni Jae, habang lumuluha.

"Okay na siya Jae, hihintayin nalang daw namin siya magising " sabi ni tita, at lumapit si Jae sa place ni Authry at hinawakan ang kamay ni Authry.

" Authry ,  nandito na ako, gumising ka na, sorry na, please wag ka namang mangiwan oh, parang awa mo na-hik Authry wag mo-hik akong iwan di-hik ko kaya p-please, hindi na ki-hik-kita aawayin" iyak ni Jae sa kamay ni Authry.

"Kailangan na niyang magpahinga" sabi ko at tinayo si Jae saka pinaupo sa sofa sa side ng kwarto.

~*~

Tulog na silang lahat, ako nalang hindi, nilapitan ko si Authry at tinitigan, nakakaawa itsura niya ngayon, may bandage sa left forehead niya at may tahi sa may kamay niya, anong kayang nangyari saknya, pilay pa yung right hand niya.

"Authry gising na" bulong ko sa tenga niya at hinalikan siya...

Di ko napigilan sa lips ko siya nahalikan.

Dampi lang naman.

Napangiti tuloy ako.









Follow me in Twitter @onexxbaby




Adored by Seventeen©




Adored by SeventeenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon