Mika's POV
"Ate Kim, hindi ba man lang tayo kakain? Nagugutom na ko huhu" etong si ate Kim kasi gusto diretso Batangas agad kami
"Hoy Yeye, ilang years na ang nagdaan at may alaga ka parin sa tiyan mo?!"
"Grabe ka naman, ikaw kaya ang bumiyahe ng ilang oras! Ang mahal mahal pa ng pagkain sa plane kaya di ako nakakain ng maayos"
"Anong oras na oh, doon ka na kumain madaming niluto sila Cams" grabe ayaw talaga ako pakainin ni ate Kim
"Fine, matutulog na lang muna ako" wala na kong magagawa, siya ang nagddrive eh hay
Nagising ako sa pagyugyog ng kung sino man sa balikat ko. Padilim na pala ng makarating kami dito.
"Ye, uy Ye, gising na. Andito na tayo" nagising naman ako at sumilip sa window, andito na nga kami. Namiss ko tong resthouse namin ugh ang gaan gaan ng feeling kapag andito ako eh
Ang daming memories dito sa resthouse na to, lahat ng kalokohan ng bullies nagawa namin dito, lahat ng iyakan at tawanan nangyari na dito. I can't believe after 4 years nakabalik na ko dito.
Dito kung saan nagtapos ang lahat.
Bumaba na kami ng sasakyan at binaba ko na din ang mga gamit ko, si ate Kim ang may dala ng isang maleta ko at dala ko naman ang backpack ko.
Ang ingay na nila sa garden, mukhang nagkakasayahan na sila.
Habang naglalakad ako ay bigla akong kinabahan, hindi ko alam kung bakit. Gusto kong bagalan ang paglalakad ko pero parang may humihila sakin papunta sa kinakaroonan nila.
"Ate Kim"
"Bakit?"
"Wala, nevermind"
Bigla naman akong hinawakan sa balikat ni ate Kim, nahahalata kaya niya?
"Look Ye, andito ka para sa barkada. Andito ka para bumawi sa bullies okay? Kung ano man yang sumasagi sa isipan mo, pwede itabi mo muna? Pls. Para sa barkada"
Hindi ko alam ang sasabihin ko, wala akong nasabi. Instead, niyakap ko si ate Kim. Tama siya, barkada ang pinunta ko dito, bullies ang pinunta ko. Hay
Kumawala na ako sa yakap at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Naka pasok na kami ng bahay at palabas na kami ng garden. Natanaw ko agad si Carol na kumakanta sa karaoke at aba, sumasayaw sayaw pa. Hahaha!
This is it.
"Hi guys! Sinong namiss niyo?"
"Yeye!!!!" sabay sabay silang tumakbo papunta sakin at niyakap ako.
"Finally! Napauwi ka rin namin" etong si Cienne ang unang napayakap sakin
"Grabe ka, nagpamiss ka ng sobra!" si Cams na nakakambal ni Cienne nag tampu tampuhan pa hahaha
"Oo nga oo nga" si Carol mukhang miss na miss din ako
"Kamusta naman kasi yung pagtawag ni Cienne sakin na may ticket na pala agad ako pauwi haha, namiss ko kayo guys!!"
Habang magkakayakap kami, may natanaw akong dalawang babae na nakaupo sa may harap ng table. Nakayuko lang yung isa at yung isa naman hawak siya sa balikat.
"Hi Vic, hindi mo ba ko namiss?"
Natahimik ang lahat. Kahit na nagpplay parin yung kaninang kinakanta ni Carol sa karaoke ay parang natahimik talaga kami lahat. Lahat sila nakatingin kay Ara, oo kay Ara. Hinihintay siguro nila kung ano ang isasagot nito.
5
4
3
2
"Ye, akin na muna yang backpack mo. Iaakyat ko muna tong mga gamit mo" pagbasag ni ate Kim sa katahimikan
"Sama na ko sayo ate Kim, wait lang guys ha akyat ko lang mga gamit ko" papasok na sana kami ni ate Kim sa loob ng biglang may yumakap sakin mula sa likod
"Namiss kita Ye"
BINABASA MO ANG
Just The Two Of Us (Mika Reyes and Ara Galang fanfic)
FanfictionIf it's meant to be, it will be. Enjoy Reading!