Bang's POV
2 weeks later
Bang: "Uy don't be sad pls, babalik din naman ako soon"
Andito na kami sa airport at ni announce na din na boarding na ang flight namin. Si Ara, eto hindi na nasanay sa tuwing aalis ako.
Ara: "When will you come back? Pls come back soon, love"
Bang: "Depende yun sa boss ko, love. Sige na baka maiwan na ko ng plane wag na sad pls? Viber agad kita pagkalapag ng plane sa SG"
Niyakap ako ni Ara, mahigpit. Biglang parang may tumusok sa dibdib ko sa naisip ko, mararamdaman ko pa ba tong mga yakap na to pagbalik ko?
Bumitaw na siya sa pagkakayakap sakin, hinawakan niya ang mukha ko. Nakatingin lang kami sa isa't isa. Matitigan ko pa kaya siya ng ganto katagal?
Ara: "Promise me you'll come back"
I kissed her.
Bang: "No Ara, ikaw dapat ang magpromise. Promise me na may babalikan pa ako pagbalik ko"
Yes you're all right. I'm threatened............. to Mika.
Mika's POV
Andito kami ni ate Kim ngayon sa office ni Cienne. Wala lang, bumisita lang kami para mangulit. Galing kami sa mall kanina ni ate Kim at naglunch. Oh, I forgot to mention, boss na nga pala tong kaibigan kong si Cienne hahaha! Na promote siya sa isang travel agency na pinagta trabahuhan niya for 5 years.
Cienne: "What brought you guys here? May gimik ba tayo this day?"
Kim: "Etong babaeng to gimik talaga lagi nasa isip eh! Masama bang bisitahin ka namin boss?"
Mika: "Hahaha oo nga naman, ayaw mo nun miss ka namin?"
Cienne: "Whatever, tara dun tayo sa loob ng office ko"
Pag pasok namin ng office ni Cienne ay hinanap agad ng mga mata ko ang sofa. Umupo rin naman si ate Kim sa kabilang sofa na katapat ko lang.
Cienne: "So I heard ngayon ang alis ni Bang, set na tayo ng out of town! Wala ng reason si Ara para di makasama"
Kim: "Gaga! Para namang pinalabas mo na hadlang si Bang sa mga gala ng bullies"
Cienne: "Totoo naman ate Kim duh, nung anniversary nga ng bullies kasama siya eh kainis malamang kasi selos na selos yun kay Mika kaya bantay sarado si Ara. Hahaha!"
Napatingin ako kay Cienne.
Kim: "Hoy baliw ka talaga, matagal na silang tapos ni Ara and wag mo na gawan ng issue yung tatlo"
Napatingin ako kay ate Kim
Cienne: "Di yon issue, it's a fact. Hinding hindi na mawawala yung selos ni Bang kay Yeye. Kahit sinong babae naman magseselos eh, ang perfect couple kaya ni Ara at Mika"
Napatingin ulit ako kay Cienne.
Kim: "But past is past, Cienne. Ginugulo mo lang isip ni Mika so you better shut your mouth"
And for the last time, napatingin ako kay ate Kim.
UGHHHH ANOBA!
Mika: "GUYS PLEASE! You guys should shut up! Cienne, matagal na kaming tapos ni Ara. May Bang na siya ngayon and bilang mga kaibigan tayo ni Ara, we should respect Bang. Ate Kim, wag mo nang awayin si Cienne. Alam ko kung ano nararamdaman ko okay? So please, hindi ako pumunta dito para maging topic niyo kami ni Ara"
Napa buntong hininga ako sa sinabi ko. Nakaka stress tong mga kaibigan ko.
Lumapit silang dalawa sakin at sabay na niyakap ako.
Cienne & Kim: "Sorry Yeye!"
Hay, hindi ko talaga kayang magalit ng matagal sa mga to. Kaya naman hinug ko na din sila.
Kim: "Concern lang ako sayo. Ayoko lang mahulog ka ulit kay Ara habang anjan pa si Bang. Alam mong pag nangyari yun, ikaw ang talo. Teka nga order muna ko ng mga drinks naten sa baba"
Tumango lang ako at lumabas na ng office si ate Kim.
Nagulat naman ako ng humawak sa kamay ko si Cienne.
Cienne: "Wag ka makinig kay ate Kim. Bat naman dati nung kayo pa ni Ara at biglang dumating si Bang ikaw parin ang talo? Support ako sa kung anong nararamdaman mo, Ye. Kunin mo ang pagmamay ari mo! Sapat na ang apat na taon para sa pagpapahiram mo kay Ara"
"Ayoko lang mahulog ka ulit kay Ara habang anjan pa si Bang. Alam mong pag nangyari yun, ikaw ang talo"
"Kunin mo ang pagmamay ari mo! Sapat na ang apat na taon para sa pagpapahiram mo kay Ara"
"Ayoko lang mahulog ka ulit kay Ara habang anjan pa si Bang. Alam mong pag nangyari yun, ikaw ang talo"
"Kunin mo ang pagmamay ari mo! Sapat na ang apat na taon para sa pagpapahiram mo kay Ara"
ANG GULO GULO NA NG ISIP KO!
------------------------------------------
Short UD lang to guys. Btw, goodluck DLSU Lady Spikers for game 1 of the finals tomorrow! Ibalik sa taft ang korona! #GetItDoneDLSU
BINABASA MO ANG
Just The Two Of Us (Mika Reyes and Ara Galang fanfic)
FanfictionIf it's meant to be, it will be. Enjoy Reading!