Ara's POV
Our vacation went well.
Ang saya makita si Mika na masaya, na nakangiti. Ang tagal ko ding hindi nakita sa mga labi at mata niya yung mga ngiti at saya na yon.
Pauwi na kami ni Mika ngayon. Sa condo ko muna ulit siya mag s-stay.
Mika: "Vic"
Ara: "Hmm?"
Mika: "Thank you"
Ara: "Pang ilang thank you mo na yan, yeye"
Mika: "Eh hindi naman kasi mapapantayan ng kahit 100 na thank you ko yung pagpapa saya mo sakin eh"
Hinawakan ko ang kamay niya at tinignan siya sa mga mata
Ara: "Anything for you, Mika"
Mika: "Sweet mo kainis ka! Sleep muna ako, malayo pa naman tayo eh"
Ara: "Hahaha, kilig ka naman. O'sige na gisingin na lang kita pag nasa condo na tayo"
fast forward
Ara: "Mika, wake up na we're here"
Mika: "Ehhh 5 mins"
Ara: "Bahala ka, iwan kita dito mag isa"
Mika: "Eto na nga oh gising na"
Bumaba na kami at kinuha ang mga gamit sa backseat.
*kring kring*
Narinig kong nag ring ang phone ni Mika. I looked at her, nakatitig lang siya sa phone niya.
Ara: "Sino yan?"
Hinarap niya sakin ang phone niya, mommy niya pala ang tumatawag.
Mika: "Una ka na sa taas, sagutin ko lang to. Paki dala na rin yung gamit ko pls"
Tumango lang ako at kinuha ko na ang gamit niya. Nauna na akong umakyat sa taas.
Pagka dating ko sa unit ko ay nagulat ako nang madatnan kong bukas ang pintuan.
Pumasok ako, pero walang tao sa sala at kitchen.
Dalawa lang naman ang may susi ng unit ko
Ako at si......
sh*t!!!!!!
Nakita kong lumabas siya ng kwarto ko.
BINABASA MO ANG
Just The Two Of Us (Mika Reyes and Ara Galang fanfic)
FanfictionIf it's meant to be, it will be. Enjoy Reading!