Mika's POV
"Hello? Kakababa ko lang ng plane, I'm here at the carousel waiting for my luggage" etong babaeng to excited na talaga ako makita hay nako
Kakadating ko lang dito sa Manila from New York, well sa New York na talaga ako nagsstay because andun din naman yung work ko and nakuha ko din isa isa ang family ko.
Napilitan akong umuwi dahil sa bullies, tinawagan ako nila Cienne at pinapauwi dahil anniversary ng barkada, at take note na settle na pala nila yung ticket ko pauwi para hindi na ko makatanggi. Ilang anniversary na din kasi ng barkada ang hindi ko inattendan, busy talaga sa work eh. Pero this time, talagang minake sure na nila na makakasama ako hahaha.
"Eto na nakuha ko na, abangan mo ko sa labas ha? Namiss kita huhu" hindi na talaga siya mapakali at excited na kong makita, eto yung namiss ko sakanya eh yung kakulitan niya
Palabas na ko ng airport pero di ko parin makita yung susundo sakin, lalong nagpapamiss.
"Where are you? Di kita makita, I wanna see you na huhu" hindi ko talaga siya matanaw
Wait. Siya ba yun? Oo nga siya nga!
Tumakbo ako papunta sakanya at niyakap ko siya, namiss ko tong babaeng to teka babae nga ba? Haha basta namiss ko siya, namiss ko tong mga yakap niya.
Meanwhile...
Ara's POV
Tanghaling tapat andito ako sa kalsada at na stuck sa traffic hay, anyway malapit na din naman ako sa airport
Natetense ako, ngayon ko na lang ulit siya makikita. Bakit ba kasi kailangan sa ibang bansa pa siya magtrabaho?
May business naman ako at marami naman akong pera, enough na naman yun para saming dalawa eh hay
Kakaisip ko di ko namalayang tuloy tuloy na pala ang pagddrive ko at nakarating na dito sa airport.
*kring kring*
Tumatawag na siya. Andito na siya.
"Hello, andito na ko sa labas ng airport. Ang tagal mo I'm excited to see you" gusto ko na talaga siyang makita eh
"Okay sige, I'll wait here okay? See you, love!"
Nag sindi muna ako ng yosi dito sa labas, hinihintay niya pa naman ang mga luggage niya. Matagal tagal pa naman siguro yun.
Ano kayang reaction ng bullies kapag nagkita kita na kami?
*kring kring*
"Hello? Nakuha mo na mga gamit mo?" tinapon ko na yung yosi ko
"Andito lang ako, makikita mo agad ako wait itataas ko kamay ko ha"
Nagulat naman ako ng may biglang yumakap sakin mula sa likod. Namiss ko tong mga yakap niya.
"I missed you, love"
On the way na kami ngayon sa Batangas, doon kasi naipatayo ng bullies yung resthouse eh. Doon namin madalas ginaganap ang mga party at salu salo ng barkada. Minsan naman dun kami nagsstay kapag may mga problema kami. Ang ganda kasi ng atmosphere doon, makakalimutan mo talagang may problema ka.
Natutulog lang siya buong biyahe, pinagmasdan ko siya. Ang ganda ganda parin niya. Kawawa naman at di man lang siya makakapag pahinga. Diretso kasi agad kami sa Batangas.
Nadaanan namin ang McDo at naisipan kong mag drive thru muna, baka kasi gutom to eh medyo malayo layo pa kami.
After kong umorder ay saktong nagising siya, inabot ko yung cheeseburger at fries sakanya at pinatong ko naman yung drinks niya sa gilid.
Ngumiti siya sakin and she mouthed "Thank You"
After 3 and a half hours, nakadating din kami. Nagpark na ako dito sa gilid at dito palang ay rinig ko na ang ingay ng mga bullies. Binaba ko na ang mga gamit niya at sabay na kaming pumasok.
Nasa garden na ata sila dahil walang tao dito sa loob, dun pala nila inarrange ang party. Nang makapunta na kami sa garden ay agad akong nakita ni Cienne.
"Vic!!" ang ingay talaga nitong babaeng to haha
"Sorry guys we're late, sinundo ko pa si Bang sa airport"
...
BINABASA MO ANG
Just The Two Of Us (Mika Reyes and Ara Galang fanfic)
FanfictionIf it's meant to be, it will be. Enjoy Reading!