Chapter 12

333 9 1
                                    

Bang's POV


Hello PH!


Thank God, naging successful ang project ng company na pinag ta-trabahuhan kaya eto may 2 week break kami. And mas pinili kong umuwi dito sa Pinas.


I really miss her, I miss Ara


Halos 1 month na kaming hindi naguusap ng maayos. Hindi ko alam kung may problema ba or what, pero wala naman siyang sinasabi kapag tinatanong ko siya. Maybe busy lang talaga siya.


"Miss, it's your turn"


Bigla akong natauhan sa babaeng nagsalita sa likod ko, naka pila din siya dito sa taxi lane sa airport. 


Sumakay na ako ng taxi at nagpa hatid sa condo ni Ara. Actually hindi alam ni Ara na uuwi ako, I want to surprise her.


At dahil rush hour, eto traffic nanaman. Excited pa naman akong makita si Ara.


Halos 1 and a half hour din akong nasa biyahe bago makarating dito sa condo ni Ara.


Umakyat na ako sa unit ni Ara, eto na. Nasa harap na ko ng door ng unit niya, sana masurprise siya.


*ding dong*


*ding dong*


Wala ata si Ara, walang nagbubukas ng pinto.


Wait, meron nga pala akong duplicate ng key niya. 


Pagka bukas ko ng door ay wala akong nadatnan na tao. Tahimik ang buong unit ni Ara.


Pumasok ako sa kwarto ni Ara pero wala talaga akong Ara na nakita. Asan kaya siya? Wala siyang sinabi sakin na pupuntahan niya, naalala ko pa nga nakausap ko siya nung isang gabi sabi niya nasa coffee shop lang siya.


Lalabas na sana ako ng kwarto niya ng makita kong pumasok ng unit si Ara.


Omg. She's here!!


Dali dali akong lumabas ng kwarto at...


Bang: "Surprise!"


But wait, she doesn't look surprised. 


Nakatingin lang siya sakin na parang nakakita ng multo.


Ara: "Why are you here? I mean, diba may 5 months ka pa sa SG?"


Bang: "May 2 week break kami, love. And surprise sana tong paguwi ko pero mukhang hindi ka naman na surprise. Ayaw mo bang andito ako?"


Ara: "No love, hindi naman sa ganun. Nagulat lang ako. Lika nga dito!"


Just The Two Of Us (Mika Reyes and Ara Galang fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon