Ara's POV
Buong araw kaming nandito lang sa resthouse. Kaming dalawa lang ni Mika. Sinadya ko talagang puntahan siya dito kasi gusto kong bumawi sakanya pero not in a way na makipagbalikan sakanya. I have Bang now and ayokong maging unfair sakanya. Gusto ko lang bumawi kay Mika para maibalik namin yung dating pagkakaibigan namin. And I hope pagkakaibigan lang talaga yung gusto kong ibalik.
Mika: "Vic, anong dinner natin? Wala na atang stock ng mga pagkain eh"
Ara: "Grabe ka Ye, kaka grocery lang namin bago yung anniv eh naubos mo?!"
Mika: "Hoy excuse you, ang dami kasing niluto nila Cams nun diba. Pag pagkain ako agad ang salarin?" nag pout pa parang pabebe
Ara: "Hahaha! Wag ka ngang pabebe jan, oh sige padeliver na lang tayo wait baba lang ako" bago ako bumaba ay kiniss ko si Mika sa noo
Mika: "Hoy sumbong kaya kita kay Bang?!"
Ara: "Wag kang assumera Mika, that kiss is a sign of friendship no" sabay kindat
Hindi ko na hinantay pa ang sasabihin niya, bumaba na ako para tumawag sa landline at makapag padeliver ng kakainin namin ni Mika.
Ara: "Yeah, that's all. Thank you!"
Mika: "Tomsy"
Napalingon naman ako kay Mika na nakatayo sa hagdan. Nagulat ako sa binaggit niya.
Ara: "Ha? Tama ba yung narinig ko, tinawag mo ulit akong Tomsy?"
Mika: "Eh diba gusto mong mabalik yung dating friendship naten, ayaw mo ba?"
Ara: "No no, gustong gusto hehe lika nga dito"
Lumapit naman sakin si Mika at niyakap ko siya, ginulo ko yung buhok niya kaya kumawala siya sa yakap ko at tumakbo. Eto ang ayaw na ayaw ni Mika, yung guguluhin yung buhok niya. Hahaha! Aba tinakbuhan ako.
Ara: "Hoy bumalik ka dito!"
Hinabol ko naman siya hanggang sa makarating kami dito sa likod ng resthouse. Natatawa siya kaya napahinto siya sa takbo at naabutan ko.
Mika: "Tomsy naman kasi wag yung buhok ko! Hahaha!"
Ara: "Oh hindi na promise, lika na dito pabebe ka nanaman eh"
Umupo kami sa may grass at nakatingin sa stars. Ang sarap lang pagmasdan. Ang tagal din naming nanatili sa ganitong pwesto at wala ni isa ang nagsasalita. Ganto kasi kami dati.
Ara: "Kamusta buhay mo sa New York?"
Nagsalita na ko para man lang di maging awkward.
Mika: "Ha? Ah okay naman. Stable sa work and sa family"
BINABASA MO ANG
Just The Two Of Us (Mika Reyes and Ara Galang fanfic)
FanfictionIf it's meant to be, it will be. Enjoy Reading!