Party

78 1 0
                                    


Malakas na music ang agad na bumungad sa amin ni Sonny, pagkapasok pa lang namin sa club, around vicinity lang.

Kahit nakumbinsi ko na kasi siya sa "luha ng bagong gising" kong alibi, nung nakita nya sa akin nung last week, hindi pa din siya naniniwala doon dahil wala naman daw luha ng bagong gising na tumatagal ng ilang araw.

True enough.

Isang linggo na kasi nya kong nahuhuling ngumangawa sa bahay ko. Paano kasi, naaalala ko pa din si King kahit sa kaliit-liitang bagay na nakikita ko sa paligid.

Kahit hindi ko man gustuhin, talagang mararamdaman ko yung sakit twing maaalala ko si King.

Twing may masasalubong lang ako na lalaking matangkad, siya na agad naaalala ko. Yung lalaking may hindi kalakihang biceps pero ang macho, siya na agad naiiisip ko. Minsan nga sa grocery store, inakala ko pang siya yung kasunod ko sa cashier dahil nahagip ng mata ko yung lalaking may stubbles at may adams apple. Muntik ko ng sunggaban, kundi lang nag-adjust kaagad yung mata ko at ma-realize na hindi nga siya yun.

All i can see is him. Everywhere.

"Alone?"

Napatingin ako sa lalaking tumabi sa akin ngayon. Hindi ko namalayan na napuntahan ko na pala yung dance floor dahil sa kakaisip kay King..

Umiling ako sa kanya at sinabing, "no, i'm with someone.."
He frowned. "Where? Parang wala naman." He flashed his sweetest smile at me "you know, alone din ako."

Alam ko tong tactic na to eh. Hindi bebenta sa akin yan, tsong.

"Actually, yung kasama ko, isa sa mga bouncers dito. Ipagpaalam ba kita sa kanya?"
biglang napalitan ng mapait na ngiti yung mukha nya. "Ahm, no.. ok, gotta go"

I smiled and rolled my eyes at him, while he's doing his grand exit away from me.

Mga style nyo, bulok!

Well, i'm actually alone right now. Wala pa kasi si Sonny. But don't need a companion.

Gusto ko din namang mapag-isa.

I sighed. Gusto kong kunin si King kay Winy. Dahil ako naman talaga yung nauna sa kanya. Pero paano? Malabo pa sa maduming tubig yung gusto kong mangyari.

Yes, Winy is her name. Kilala ko na siya since college days. Ahead ako sa kanya ng two years. Nakilala siya ni King dahil sa magkasama sila sa iba't ibang organizations. Mahilig sila sa art. Nature lover silang dalawa, kaya magkasama din sila everytime na may project ang school like tree plantings etc. Parehas sila ng trip. Tinatawag na nga silang mag-soulmates kasi halos parehas sila kahit sa grades.

Unlike me. Kabaliktaran ako ni King at Winy. Introvert. Iisang org lang yata yung sinalihan ko nun, pero hindi pa ko active. Focus lang ako sa subjects ko. Pero hindi kataasan ang grades. Ayoko ng mga extra curricular activities.

Dun kami magkaiba.

So, Paano kami nagkakilala ni King?

King is my childhood friend. Classmate ko siya since kinder 'till highschool. Siya yung nagtatanggol sa twing may umaaway sa akin. Suki kasi ako sa bullying. Ka-bully bully kasi talaga ko noon pa lang.

Mahirap ako na nasalta sa pang mayaman na school. Dugyot ako kapag pumapasok. Lukot-lukot ang uniform ko. May plantsa naman sa bahay noon, pero hindi magamit kasi hindi na umiinit. Wala kaming pambili ng bago. Limang piso lang ang baon ko noon, pero may biscuit naman at zest-o. Pinaglumaan na sapatos ng kapit-bahay ang suot ko noon, at tiniis ang 2 inches na laki nito.

Swerte ko na nga lang dahil kahit mayaman si King, kinaibigan nya pa din ako noon.

Dati ayokong pumasok dahil sa mga pambubully ng iba. Pero ng dahil sa kay King, nagkaroon ako ng lakas ng loob. Kung kausapin nya ko noon, parang alam nya lahat ng salita na makakapagpagaan sa akin..

All I AskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon