After akong pagbabaan ng telepono ni Celestine, hindi ko alam kung anong naramdaman ko.. parang may galit na may halong gulat.. hindi kasi siya ganon makitungo sa akin.. nasanay ako na mahaba palagi ang paguusap namin, kahit pa hindi ito importante.. madami akong gustong sabihin sa kanya, pero hindi ko nagawa dahil hindi ko na din ma-contact yung number nya..kaya gusto kong makita siya in person.. bahala na kung ano mangyayari, basta gusto kong makita siya agad.
"Adjust the lights, Andy.. medyo babaan pa ng konti sa right side.. make it a little bit dim, para hindi gaano nakakasilaw.."
I pointed at the light na hawak ni Andy ngayon, and i instructed him to pull it downwards.. pinindot naman nya yung button sa likod to adjust the lights at saka nag-thumbs up sa akin, asking if that's ok with me. I just nodded, and diverted my eyes to my camera..
Inaayos ko na yung lenses ko and also the tripod na posibleng gamitin ko din sa photoshoot, when someone arrived at the room.
Ramdam kong nagkagulo yung mga babaeng nasa gilid ko, at nagtipon sila sa iisang gilid at impit na tumitili.
Napakunot-noo ako.
inalis ko yung mata ko sa camera ko at tumingin ako sa likuran ko. Nakita ko ang isang batalyon ng tao na papasok sa room, na may mga hawak na huge bags, hangers of clothes, make up kits, at gahol na gahol na sinusundan ang isang lalaking bukod tanging walang dala na akala mong may alipin kung makapag-lakad. And bitbit lang nya ay walang iba kundi ang latest iPhone nya.
This must be the guy of the town.
Bumalik ako sa ginagawa ko, dahil wala naman akong pakielam sa kanya. Kahit siya ba yung guest, hindi naman siya uubra sa akin. Yung iba nga na sikat na artistang naka-trabaho ko, hindi umubra sa akin, ito pa kayang mukhang bakla na to.
"Where's my chair?"
"over there, Sir Rain.."
"is that mine? it looks dirty, are you sure is that my chair?"
Napakagat ako sa labi ko, at napahinga ng marahas ng marinig ko ang greetings nya sa aming lahat.
E nuknukan pala talaga to ng kayabangan e.
"Wait sir."
Sabi nung isa sa mga staff namin ni Andy na si Che.
"Dapat naka handa na yan." Bulong pa nya na akala naman nyang walang nakarinig.
"sorry, sir.." sagot pa ni Che sa kanya.Kapag mga ganitong klaseng tao ang nakakasalamuha ko, umaabot talaga sa boiling point yung toyo ko.
binalik ko sa camera ko ang atensyon ko pero gumana naman ang maanghang kong dila sa kanya.
"Maghanap ka. Hindi yung lahat iuutos mo." I blurted out.
"Ano?" Sabi nya. "May sinasabi ka ba?"
"Meron." Sagot ko. "pero hindi ikaw ang kausap ko. Sarili ko." Sagot ko without looking at him.Parang bakla talaga, dada ng dada.
Busy ako sa ginagawa ko nang biglang dumilim yung sinisilip ko sa camera ko. Napa-angat ang tingin ko mula dito dahil alam kong may humarang sa harapan nito.
Ang pinaka ayaw ko pa naman sa lahat eh ung istorbo sa trabaho ko. Alam yan ni Andy, kaya lumapit siya sa amin para pumagitna.
"Are you saying something behind me?" Tanong ni Rain.
tumayo ako ng maayos at hinarap sya. "Dun ka galing diba?" Tinuro ko yung likuran ko kung nasaan yung pintuan. "So paano mo nasabing sa likod mo, e nakatalikod ako sayo. hindi ba dapat, sa likod KO hindi sa likod MO."
Nag-tiim bagang siya. "stupid."
BINABASA MO ANG
All I Ask
Romance"Look, don't get me wrong. I know there is no tomorrow. All I ask is if this is the last night with you, hold me like i'm more than just a friend" The song says it all.. one word to describe me: Martyr. How can i forget him? How can i unlove him? Ho...