Hang over

70 2 0
                                    


Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman kong sumasakit ito. Naalimpungatan ako dahil para itong nilalagari. Napapikit ako at napasabunot sa buhok ko.

Bakit ganito? sobrang sakit!

Mula sa pagkakadapa ko sa kama, tumihaya ako at babangon na sana, nang may mapansin ako sa paligid.

Tumingin ako sa kaliwa ko, at sumalubong sa akin ang sinag ng araw na nanggagaling sa bintana - na obviously, hindi ko bintana. Kasi pati ang kulay ng kurtina nito sa kurtina ko, magkaiba..

Kailan pa naging dark blue ang kurtina ko?

Dumako ang tingin ko sa bandang kanan ko, at muntik na yata akong mapatalon sa nakita ko. napahawak ako sa dibdib ko at para yata akong aatakihin sa gulat. My eyes widened and i gasped.

"King?!!"

Nakadapa din siya sa tabi ko at tulog na tulog. Nakabaon sa unan ang pisngi nito at yakap na yakap sa unan nya. Shems, ang cute.

Napapalunok ako sa maagang breakfast na nakikita ko. Matitipunong likod at magagandang biceps. His bare back is greeting me this morning, at umaandar ang pagka-manyak ko..

Walangya, dapat magalit ka kasi magkatabi kayo matulog! Hindi yung ganito, Celestine! ni-rape ka yata nitong tao na 'to!

Napa-iling ako at inalis lahat ng thoughts na naiisip ko. Dapat kasi, kapag magkukumot, dapat lahat ng katawan, nakatakip! Hindi yung kukumutan lang ung bandang ibaba.. hi-hindi yung pwet! magka-pulmunya pa to, madadala siya.

Why do you even care, Celestine?

I sighed. Dapat inuuna kong isipin kung bakit napunta ako dito eh. Kung paano kami nagkasama sa buong magdamag. At kung ano nangyari. Hindi ung kung ano-ano.

Inalala ko sa isip ko yung mga nangyari kagabi. Umiinom at nagvi-videoke lang naman kami ni Sonny sa bar. Naalala kong iniwan nya ko dun sa loob ng ktv bar dahil he's going to throw up that time. And that was the time na nag-dial ako sa phone ko and......

My eyes widened. Shocks! I called him?!

Napalingon ako ulit sa kanya dahil gumalaw siya sa pwesto nya. Na-reveal yung bandang ibaba ng katawan nya dahil nalaglag sa ibaba yung kumot nya.

And thank heavens! May suot naman pala.

Nakakahiya! Nagpasundo ba ko? Nag-iiyak ba ko sa kanya? Ano?

Syet.

Pinilit ko pang alalahanin yung mga nangyari kagabi, pero hindi ko na maalala yung iba. Grabe, nakakahiya!

Nandito kaya si Winy? Nakita nya kaya ako? Ano mangyayari kapag nakita nya kami ni King sa ganitong sitwasyon? Baka sabunutan ako nun!

Pero teka, sitwasyon? May nangyari ba?

Tumingin akong bigla sa katawan ko at inangat yung kumot na bumabalot sa katawan ko. And i'm wearing his shirt and pair of his shorts.

I'm dead.

"Don't worry, nothing happened."

Tinakip ko ulit yung kumot sa katawan ko at dahan-dahang tumingin sa kanya. He's awake. Nakatingin siya sa akin pero hirap ang mata nyang mag-adjust dahil sa sikat ng araw na tumatama sa kanya.

"Good morning, Celestine.." he smiled a bit. "How's your feeling?"
"F-fine."

Totoo ba tong nangyayari? Hindi ba to panaginip? He greeted me na never nyang ginawa when we were together wayback then.

"After you threw up at my shirt last night?"
My eyes widened again. "me? on you? h-how?"

bumangon siya at sumandal sa headboard ng kama.. jusko, mainit init ba yang pandesal mo, King?

All I AskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon