"King, eto yung naiwan mong shirt and shorts.. magpalit ka na, dun yung banyo"
i handed him his clothes at tinuro ko kung saan yung banyo..
"i know.."
sabi ko nga alam mo kung nasaan -_-
"kaso lang wala ng natirang underwear mo dit-- i mean, wala naman talagang naiiwan dito before.."
"ok lang.. eto na lang din isuot ko..labhan ko na lang, may dryer ka naman dito diba?"
"wala na.. binenta ko na.."
he smirked. "sige, ako na bahala"
lumakad na siya papunta sa banyo, at ako naman ay dumiretso na papuntang kusina.. kaya siguro ako bumili ng madaming pagkain, dahil may makikikaen.. sa totoo lang, kulang pa sa akin to, pero no choice kasi alam kong kakain din siya dito..
hay..
good thing at nag-s-stock ako ng mga lucky me noodles dito sa bahay.. pwede na to pandagdag sa pagkain namin, dahil seriously, kulang pa talaga to sa akin
"need help?"
napitlag ako ng biglang may nagsalita sa tabi ko. alam ko namang si King yun, pero napipitlag pa din ako.. may toyo lang
ang bilis naman nyang magpalit
"kaya ko na.."
"sure?"
"oo, maupo ka na dun, kakain na tayo.."
kung hindi ako nagkakamali, parang naramdaman kong ngumisi muna siya bago nya sinunuod ung utos ko.. kaya napatingin ako sa kanya, at laking gulat ko na malapit pala siya sa akin.
"na-miss ko to"
saka siya naupo at naghintay ng pagkain.. napa-irap ako.
dala ko ung noodles na niluto ko at nilagay na ito sa mesa.. naupo na din sa sa tapat nya at kahit madilim, kitang kita ko sa mata nya ang pagkislap nito.. hindi ko nga lang alam ang dahilan, kaya nagtaka din ako..
"noodles for this weather, ikaw at ako na sabay kakain ulit, brownout...." he smiled "it's perfect"
hindi ko na lang siya pinansin, kumain na ko ng diretso at pinilit kong lunukin lahat ng isinubo ko sa bibig ko, dahil kasi sa kaba ko, nakalahati ko yata yung plato ko ng isang subuan lng..
at ayun na nga, nagtuloy-tuloy lahat ng kinain ko sa lalamunan ko at nasamid na ako.. sumaboy yata sa mukha nya yung kanin na nasa bibig ko, saka lang ako nagtakip ng bibig
"dahan-dahan kasi.." sabay punta nya sa akin at tinapik ng dahan-dahan yung likod ko.. "ok ka lang, Tine?"
tumango ako at tinulak siya palayo sa akin "ayos lang ako.. kumain ka na ulit"
natigil lang ako sa pagnguya ko ng alisin nya yung bawat piraso ng kanin sa mukha ko at pinagpagan yung damit ko.. wala na ko nagawa kasi natigilan na ko sa ginagawa ko..
humarap ako sa kanya
"why are you doing this?" he stopped "hindi ba sabi mo, ayaw mo ng makita ako? ayaw mo ng makita ako sa landas mo? then, why are you here?"
"ha? a-ano..."
"King, if your fiance will know this--"
"hindi nya malalaman to.. promise, Celestine.. katulad ng dati.."
"what do you mean?"
he sighed.. "gusto kong bumalik tayo sa dati.."
nanlaki ang mata ko "wh-what?!"
"ayoko ng magpa-ligoy ligoy pa, Celestine." he sighed and kneeled in front of me.. "i want you back, Celestine.. hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito, pero i miss you terribly.. i miss you so much, Celestine.."
i don't know what to feel.. madaming sumasagi sa isipan ko na mga tanong.. what ifs? bakit? paano?
"alam ko, mali ang lahat ng to, Tine... pero bakit ganito yung nararamdaman ko? bakit hindi kita maalis sa isipan ko? bakit hindi si... bakit ikaw?"
tumingin ako sa mga mata nya.. hinahanap ko sa mga ito, kung totoo ba ang sinasabi nya.. and to my surprise, it feels like he mean it..
sa dinami-dami ng pwede kong sabihin sa kanya, eto pa ang lumabas sa mga bibig ko..
"mahal mo ba ko, King.."
He stared at me blankly. Dun pa lang, alam ko na ang sagot, and for the nth time, nagmukha na naman akong tanga sa harapan nya, nagmukha na naman akong ka-awa awa..
i nodded.. kahit hindi na siya magsalita, ok na.. alam ko na ang sagot..
"mas mabuti pa kung umuwi ka na lang, King.." i said.
"kilala mo ko, Celestine.. matigas ang ulo ko. Ayoko."
"alam ko.. pero sana isipin mo naman yung mararamdaman ko.. wag kang selfish.. alam mo kung ano ang pinagdaanan ko sa inyo ng girlfriend mo."
"you don't have to worry kasi i'll take care of this.. i promise, Celestine, this time, hindi na nya tayo mabubuko.. please, Celestine."
"nababaliw ka na"
"i'm serious, Celestine.."
hinarap ko siya at tinignan ko siya ng mataman sa mga mata nya..
"sarili ko naman ang uunahin ko, King.. sobrang durog pa ko oh.. i need to take back all the pieces here.." i pointed at my heart and tears starts to escape from my eyes.. "i'm serious. too."
and then the lights are back.. sakto lang sa pag-alis ko sa harapan nya..
BINABASA MO ANG
All I Ask
Romance"Look, don't get me wrong. I know there is no tomorrow. All I ask is if this is the last night with you, hold me like i'm more than just a friend" The song says it all.. one word to describe me: Martyr. How can i forget him? How can i unlove him? Ho...