CHAPTER 2

36 10 7
                                    

Nag lalakad na naman ako sa hallway na parang zombie dahil kulang tulog ko.Tinatamad akong pumasok pero ok lang yun dahil wala naman na kaming gagawin,Bakit kaya ganun? Gusto kong mag bakasyon agad pero pag bakasyon na gusto ko ng pumasok.Anyare sa isang tulad ko?

Habang nag lalakad ako biglang akong nauntog sa matigas na ewan.Hayst! Di ko alam na nag lagay na pala ng pader dito.

"Kaylan pa kaya nag ka pader dito?"Bulong ko sa sarili ko pero laking gulat ko ng mag salita ito.

"Haha! Kala mo sakin pader? Di kaya sa gwapo kong to?"Wow ang gwapo ng boses ng pader...ay wait?

"Brent?"Nang mag angat ako ng tingin ay nakita ko ang naka ngiting si brent.

"Yup,ang pinaka poging brent sa mundo."Hay nako napaka hangin talaga nitong lalaking to.Pero tama naman sya na pogi sya.

"Edi--"Di ko pa natatapos sasabihin ko ng mag salitan sya.

"Subukan mong mag 'edi wow' di mo magugustuhan gagawin ko."Pananakot nya kaya naman iniba ko nalang.takot ko nalang na may gawin tong masama sakin.

"Edi we found love like where we are..Ito naman di pa ako tapos kokontra kana? Tara na sa room?"Yaya ko sa kanya.

Tumango naman sya at sabay na kaming nag lakad dahil classmate ko sya.Buti pa ito kahit papano may pagka bait at mas mabait pa sya sa kapatid nyang si b.i. the great nayun! Walang wala sa kuya nyang si brent.

Pag dating namin sa room ay bumungad samin ang nag kakagulong mga estudyante na classmate namin.Syempre magulo yan dahil wala ng gagawim at hindi narin nakaka pasok ang mga teacher sa room dahil busy.Eh saan kaya sila busy?

"Kambs,Alam mo ba kanina si b.i. galit na galit sya ng pumasok dito? Tas lumabas ulit."Sabi ni kambs ng maka upo ako sa upuan ko.

Nasa harapan ko kasi si kambs at ang katabi nya si ate jams pati yung isa pa naming classmate tas kami naman ni b.i. ang nasa likod nila.

"Si little bro Galit na galit?"Ay andito pala si brent na chismoso na katabi ko rin.

"Oo kaya."Si ate jams.

As if naman may paki ako eh wala nga akong paki kahit magalit payang si b.i. o mag pakamatay payan.Mabuti nga yung mag pakamatay na sya kesa yung nabubuhay pa.Pano ang daming binubully kasama mga kaibigan nyang mga barumbado.

*Blag*

Lahat kami napatigil kahit yung mga classmate kong nag dadaldalan at nag haharutan ay napa tigil din sila.Sabay sabay kaming napatingin sa pinto at doon nakita ang galit na mukha ni b.i. the great.

"Ano?!"Iritang tanong nya samin kaya nag balikan lahat sa ginagawa.

Nag lakad sya papunta sa direksyon namin kung saan sya naka upo.Grabi nakakatakot naman tong hinayupak nato kala mo unggoy na nag pipigil manuntok ng tao.

"Little bro--"Di pa natatapos ang sasabihin ni brent ng mag salita si unggoy.

"Shut up."Ay tignan mo nga naman tong isang to oh.Napaka bastos!

"Haha! as you say so."Tawa ni brent.

Maya maya ay nag usap usap muna kami at random topic naman kaya walang na oop.Natatawa ako kasi one of the girls si brent.

Napatingin ako sa papel na biglang binigay ni b.i. unggoy.Buti hindi nahalata nila kasi busy sila mag usap usap tsaka kung makapag usap usap kala mo malalayo sa isa't isa dahil sa lakas ng mga boses.

Binasa ko naman ang naka sulat at ang nakasulat doon ay...

Follow me

-B.I. Chua

Yun lang at wala ng iba.Halatang si b.i. nag sulat nito alam nyo kung bakit? Dahil pang kinder yung sulat nya.Putek nayan!

Nang makita kong tumayo si b.i. ay sumunod naman ako sa kanya.Nag tanong pa nga sila kambs pero ang sabi ko 'tatae' ako kaya ayun.Tahimik lang akong nakasunod kay b.i. habang naka yuko.Nang biglang tumama na naman yung ulo ko sa matigas na bagay.

Yung totoo? Pakalat kalat nalang ba yung pader dito sa campus?

"Tsk."Ay hindi pala pader si unggoy pala.

"Bakit mo--"Hayst! Ganto nalang ba lagi? Laging mapuputol ang sasabihin ko?

"Stay away from my brother."Serysong sabi nya.

"Ano? Stay away from my brother?"Ulit ko sa sinabi nya.

"Yeah."

"Stay away? Hindi ko naintindihan ang sinabi mo eh,pwede wag kang mag alien langguage?"Sorry di talaga ako nakakaintindi ng mga ganung salita.

"It's not alien langguage,it's english langguage.You moron!"Inis na sabi nya.

Ay dyusko salita sya ng salita wala naman akong naiintindihan sa mga sinasabi nya dahil naintindihan ko lang moron.

"Sorry ayoko sa moron."Pag papaumanhin ko."Dahil mas gusto ko 5second of Summer."Pag papatuloy ko.

"The hell! such a stupid."Naiirita na sya kasi halata sa boses nya."Salamat ka ma...blah blah." Bulong nya na hindi ko naman intindihan.

Bakit ba kasi sya naiinis? Ayoko nga ng moron5 kasi mas gusto ko 5sos dahil ang gagwapo nila.Gusto ko lang naman na kanta ng moron5 ay sugar.

"Di na ako mag papaligoy ligoy pa."Pag sisimula nya.
"Layuan mo kuya ko."Seryosong sabi nya.

"B-bakit?"Naguguluhang tanong ko.

"Basta layuan mo sya."

"Ayoko."

"Kulit mo?sabing layuan mo nga!"

"Ayoko nga sabi! Ano ka like a boss para utusan ako?"

"Kulit mo talaga?"

"Ayoko nga..bleh!"Sabay nilabas ko pa dila ko.

Umalis nalang ako dahil walang magandang patutunguhan ang pag uusap namin.Tsaka bakit nya ako pinapalayo sa kuya nya? Eh ang bait bait nga ng kuya nya di katulad ng grupo nya.Kala nya lalayo ako? Ano sya chics pag laki manok tas pag inihaw andoks?

Pwe! Neva ako lalayo o susundin ang sasabihin nya! Uutusan pa ako ng isang B.I. UNGGOY!

With The Six BastardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon