Andito ako ngayon sa kwarto ko at sumasayaw ng parang baliw kasi di naman ako kagalingan sumayaw kaya kung ano anong step nalang ang ginagawa ko.Buti nalang tsunami ang kanta kaya pwede kahit ano anong step.
"Nela!"
Napahinto ako sa pag sayaw at hininaan ang volume na 100% kaya kahit kapitbahay maririnig.
"Nela!"
Sabi ko na nga ba eh may tumatawag sakin at si momo yun.Kaya naman inayos ko nalang yung mga gamit ko sa school kasi nag kalat lang dahil di ko na naayus dahil trip ko na talaga sumayaw.
"Nela!"Tawag na naman ni momo.
"Eto napo!"Sagot ko at bumaba nalang.
Nang maka baba na ako ay nakita si momo na naka pameywang habang nakataas yung kilay.
"Bakit antagal mo? Tsaka yung music mo napaka lakas.Bingi kaba?"Si momo yan.
"Sorna momo di na mauulit,teka momo nasan na sila big brother?"Tanong ko kay momo.
"Andun na sa kusina at ikaw nalang ang hinihintay nila tita bea at tito joshua mo."Napangiti ako ng marinig ko ang pangalan nila.
Wow andito sila! Spoiled at close pa naman ako sa mag asawang yun.
Nag lakad na ako pero bago pa ako makalayo ay narinig ko pang may sinabi si momo sakin pero di ko na pinansin yun.Alam ko andito sila tita at tito kaya naman nag lakad ako ng may ngiti sa labi.
Pero agad nawala yun ng makita ko ang nag papainit ng ulo ko.Teka tama ba itong nakikita ko? Andito si unggoy at ang kuya nyang si brent? Well hindi ako magagalit kung andito si brent pero kay unggoy? Dyusko ang sarap pumatay ng tao!
Tsaka oo nga pala bakit nawala sa isip ko na chua pala sila tita bea at tito joshua.
"Ehem."Napatingin ako ng tumikhim si momo di ko napansin na andito na pala sa likod ko.
Umupo nalang ako sa tabi ng kuya ko at nasa harap ko ang unggoy na...nag pipigil ng ngiti?Anyare dito sa baliw na to?
"So musta ang school?"Paninimula ni didi.
"Ok lang naman po."Sabay naming sabi ni brent.
"How about you,ben?"Si tita bea na tumingin pa kay unggoy.
Huh? Sino si ben?
"Fine."Maikling sagot ni unggoy.
Nag tanong pa sila ng nag tanong kaya naman sinasagot nalang namin ni brent.Oo kaming dalawa lang dahil hindi naman sumasagot si unggoy.May sariling mundo nga itong hinayupak na to.
"Brent may tanong ako sayo."Si big brother Rheynon na habang nakatingin sa cellphone nya.
"Ano po yun?"Akalin mong ang galang nito eh tarantado naman.
Natapos na kasi ang dinner namin kaya andito kami sa sala para manood pero hindi naman na nonood.Alam nyo kung ano ginagawa? Nag C-coc sila pero si unggoy nanonood lang.
Ako.Tinatanong nyo? Syempre nag babasa ng libro ano paba? Edi wattpad dyusko kala nyo sakin? Di ako nag babasa ng mga science book na yan o ano pang ka ekekan.
"Anong pangalan ng clan nyo?"Natawa ako kay big brother dahil seryoso talaga sya.
"Yun talaga kuya?"Di maka paniwalang sabi ko habang ngumunguya ng cookies.
"Hindi nag bibiro lang."Seryoso parin sya kaya naman kahit si big brother rhenzie ay napatingin narin kay kuya.
"May gusto kaba sa kapatid ko?"
Nabuga ko naman yung cookies na nasa bunganga ko at umubo ng umubo.Grabi yung totoo? Anong klasing tanong yun?
Tumingin naman ako kay brent na binitawan ang cellphone at tumingin sakin sabay ngiti.
"Pano kung sinabi kong oo? Gustong gusto ko nga na ako yung first boyfriend ng kapatid nyo."Nakangiti pero halata mong seryoso sya ng sinabi nya yan.
"Ano ibig mong sabihin?"Ako na naguguluhan.
Tinignan ko naman sila kuya na parang na gets na nila ang pinag sasabi nya pero ako hindi pa.Ang duga sila na gets na eh ako nag papakahirap alamin ang mga sinabi nya.
Nakita ko namang parang naging beastmode si unggoy dahil nag tatype sya sa cellphone nya na nakakunot yung noo.
Nagulat ako ng biglang nag vibrate yung cellphone ko kaya pag katingin ko ay unknown number.
Follow me
-B.I. Chua
Teka! Saan naman nalaman ni unggoy ang number ko? Imbis mag tanong ay sinundan ko nalang sya at nakitang papunta sya sa garden.
"Saan mo nakuha--"Di pa natatapos sasabihin ko ng mag salita sya.
"Narinig mo ba ang sinabi ni kuya kanina?"
"Oo bakit?"
"Sabi nya gusto nyang maging first boyfriend mo sya."Natakot ako konti ng nag dilim ang mukha nya.
"A-ano naman masama doon? T-tsaka ano ba ibig sabihin nya?"
"Hindi mo ba alam na may gusto sya sayo?! Hindi mo ba alam yun?!"Napaigtad ako sa malakas nyang sigaw.
Pareho kaming na tahimik at ni isa ay walang nag sasalita.Napansin nya sigurong masyadong tahimik kaya sya na mismo nag unang salita.
"Kung magiging sa kanya kaman aagawin parin kita.Pero alam mo ba kung ano ang hindi nya makukuha?"
"Ano?"Naguguluhan ko syang tinignan.
"Eto."
Bago pa ako makapag react ay naramdaman ko nalang na may malambot ma dumikit sa labi ko at kay unggoy yun.Nakita ko syang nakapikit habang ako naman ay nanlalaki ang mata.
"Ayun ang hindi nya makukuha ang first kiss mo.Kasi bago nya pa makuha ay nauna na ako."
Di ako makapaniwalang sya ang first kiss ko!