"Hoy,kambs ano ba? Di kaba aayus?"Tanong ng kaibigan ko sakin."Wag kang umiwas sa bola!"Sigaw nya pa.
Nag lalaro kasi kami ng volleyball dito sa gym tsaka puro batok at sigaw nalang ang ginagawa ni nics sakin,kambs ko."Eh hindi naman ako marunong nyan eh."Bulong ko.
Habang nag lalaro kami ay ganun parin naman dahil puro batok at sigaw kasi hindi ko daw natataman yung bola or iniiwasan ko daw.Ano gusto nila salubungin ko? Yakapin ko ng mahigpit?
"Hay,Buti nalang panalo tayo."Si nics yan.
"Oo nga,Rhonela galingan mo next time,ok?"Buti pa tong si ate jams mabait kesa kay kambs.
"Opo."Sabay tango ko at ngiti ng matamis.
Tapos na ang p.e. subject kaya syempre recess na namin and as usual marami paring tao sa canteen.Bigla naman akong naka rinig ng bulungan.
"Girls,andyan na ang Alpha Omega."
"Oo nga!Gwapo ni b.i. baby."
"Gwapo rin si spade noh!"
Ay eto na namang mga babaeng tong mga chismosa,Hindi ba sila napapagod mag salita?Nakita ko namang napatingin sa direksyon namin si b.i. kaya kinilig mga kaibigan ko.
"Kambs,ang wafu wafu talaga ni b.i. baby!"Kinikilig na sabi ni nics at hindi lang yun pinag papalo pa ako.
"Pero mas gwapo si calum."Si ate jams na busy kumain ng fries nya.
Di ko nalang sila pinansin at kumain nalang ako dahil wala akong paki dyan sa mga yan.Tsaka mas gwapo parin si jun ng seventeen kesa kay b.i. nayan.Ay di pala mag kamukha lang pala sila.
"Nela,nakatingin sayo si b.i. baby."Nagulat ako ng may bumulong sakin at si ate jams lang pala.
"So?"Lang sinabi ko dahil wala nga akong paki.
Nang makatapos na kaming kumain ay dumiretso na ako sa room at nakalimutan kong sabihin na katabi ko pala si b.i. the great at lagi naming ginagawa ay hindi parin kami nag papansinan,Eh bakit naman? Tsaka di kami close nyang si bad influence nayan napaka hambog nyan.
Last period na nga pala namin ngayon at huehue wala akong alam dito sa binabasa ko.Malay ko bang kung ano pinag sasabi dito nakakahilo kaya tsaka malay mo minumura kana pala. Habang nag sasagot ako sa test paper namin ay nagulat ako ng may kumuha ng test paper ko.
Aba sino paba sa tingin nyo ang gagawa nun? Syempre itong hambug na katabi kong bwisit na salut na tukmol na epal at malas sa buhay ko.
"Balik mo nga sakin yan,don't me."Pananakot ko sa kanya tsaka nilagyan ko talaga ng 'don't me' dahil wala lang nakikiuso sa fb.
"Ayoko."Kahit kaylan talaga tipid nito sumagot.
Argh! Bwisit na tukmol talaga to.Nang tinignan ko ang test paper ko ay laking gulat ko na may pangalan ko na doon at may mga, sagot na? The eff?
"A-ano to?"Tanong ko sa kanya na busy mag sagot sa test paper 'ko'
"Test paper."Wow ganda ng sagot eh alam ko namang test paper to.
"Tanga."Yan tuloy na tanga ko pa sya ng wala sa oras."alam ko namang test paper.Eh ano to bakit ganto?"
"Pwede ba? Ipasa mo nalang yan kay Ms."Naiirita nyang sabi.
"Bakit? Sayo to nanggaling."
"Hayst,Pwede ba? Ibigay mo nalang kung ayaw mong masaktan."Mahina pero may diin na pag kakasabi nya.
Natakot naman ako sa kanya kaya binigay ko nalang ang test paper ko kay Ms. Pinalabas nya na ako dahil tapos na daw ako mag test kaya naman makaka uwi na.Pero mamaya na dahil hihintayin ko pa mga kaibigan ko.
"Kambs."
"Nela."Napatingin ako sa tumawag sa akin at kilala ko na yun kung sino.
"Tara na?"Tanong ko ng maka lapit sila sakin.
"Oo,tara na."Sagot naman nila.
Syempre habang nag lalakad kami ay hindi maiiwasang mag usap usap lalo na mga bungangera tong mga kasama ko.Pano parang di nauubusan ng sasabihin.
"Kambs,ng hula ka noh?"Si Nics ang kambs ko na nag tanong sakin.
"Huh? Hula saan?"Saan ako manghuhula? Tsaka bakit ako manghuhula di ako si madam bertude.
"Hay nako patay malisya,Ng hula ka sa test natin."Si ate jams naman.
"Huh? Hindi binigay sakin ni B.I. yun."Inosente kong sagot.
"What?!"Ay putek nagulat naman ako sa pag sigaw nitong mga to.
"Bakit ba kayo sumisigaw?"
"S-si B.I. the great? Gosh! Ay weh?"Hala to si kambs,OA lang ang peg?
"Oo nga."Nalang sinabi ko dahil wala ako sa mood dumaldal.
"Whaa! Grabi,close ba kayo?"Tanong ni kambs habang tumataas pa yung kilay nya.
"Si Bad Influence? Hindi noh!"
"Weh?"
"Oo nga,kulit nyo!"
Di nila sila nag tanong pa at nag lakad nalang.Hindi naman talaga kami close nung Bad Influence nayun tsaka wala akong balak maging close siya lalo na mga kaibigan nya.
A/N:Dedicate sa kambs kong si nics. Ms_SamiSami
BINABASA MO ANG
With The Six Bastards
Roman pour AdolescentsSEVETEEN FF. VOTE AND COMMENT^^ KAMSA!!