Chapter 16

3 1 0
                                    

Nandito lang kaming tatlo sa sala habang hinihintay yung mga kagrupo naming sa sayaw. Ito nanonood lang ng Korean Drama, sa SBS channel. Alam mo na, mga adik kami eh. Pinapanood naming yung Descendants Of The Sun. Yung sikat din sa Korea. OMG <3 Ang pogi talaga ni Song Joong Ki!

"Ang pogi talaga ni Joong Ki!!" Kinikilig na sigaw ni Faith.

"Ano ka ba! Akin lang siya!" sigaw naman ni Hanayo

"Ano ba!? Nanonood ako dito oh! Manahimik kayo!" sigaw ko. Nanahimik naman silang dalawa. Siyempre pinapansin lang naman nila yung mga actions at mukha na nakikita nila. Eh ako naiintindihan ko, kaya minsan natatatawa ako samantalang sila nakatingin lang.

"Grabeh kasi! May naiintindihan ako eh!" pagpaparinig ni Faith.

"Ako din eh!" sigaw ni Hana.

"Ano ba!" naiinis na sigaw ko dahil nga naiingayan ako sa dalawang toh. Nagsitinginan naman silang dalawa sakin.

"Wae? (WHY?)" tanong ko sa kanila.

"Ewan." Sabay nilang sabi sakin.

Sabay naman kaming tatlo na napatingin sa orasan. "Mag-aalas otso na wala parin sila." Nagtatakang sabi ni Hana

Napatingin naman sa kanya si Faith. "Sus, Excited ka lang naman kasi kasama si Ken. " pang-aasar ni Faith sa kanya.

"Oo nga. Asus." Pang-aasar ko din sa kanya.

"H-hindi ah. Gusto ko lang namang magpraktis buong gabi." Sagot ni Hana. Napatawa nalang kaming dalawa ni Faith.

*Door Bells* napatigil kami sa pag-tawa. Sabay kaming tatlo na lumabas at binuksan ang gate.

"HELLO GUYS!" sigaw ni Faith ng makita silang lahat.

"Hello babes!" sigaw naman ni JP na papalapit kay Faith at agad na umakbay.

"Chessie, may ampalaya ba kayo sa refrigerator niyo?" Tanong ni Jonas sakin

"h-huh? Meron naman." Sagot ko. "Bakit?"

"Wala lang" natatawang sagot ni Jonas.

"Pasok na kayong lahat!" pagyayaya ko sa kanila. "Nandito na ba lahat?" tanong ko sa kanila habang papasok na kami sa loob.

"Sila Ken at Mike hahabol nalang daw. Andon pa silang dalawa nag-aayos ng gamit namin. Kasi may matutulog daw dito tsaka doon." Sagot naman ni Lorenz

"Ah ganon ba." Pagpasok naming nadatnan ko si Ate Lyka. "Ahh, Ate Lyka. Nandito na po sila." Nakangiti kong sabi. Siyempre sinabi ko na kay Ate Lyka na may matutulog dito at magprapraktis kami.

"Ahh, saktong-sakto inaayos ko na yung kwarto sa taas." Sabi sakin ni Ate Lyka. "Tsaka, kayo ilapag niyo na yung mga gamit niyo sa taas. At kung may kailangan kayo. Call me Ate Lyka!" natutuwang kwento ni Ate Lyka

"Thank You po!" sabay naming sagot lahat.

"Dito tayo guys. Follow me." Aya ko sa kanila papuntang storage room.

"Pasensya na kayo guys. Ito muna sa ngayon." Sabi ko sa kanila habang binubuksan yung pintuan ng Storage room,

"WOOOOOW! Ang laki naman ng kwartong toh!" Sigaw ni Lorenz na namangha sa kwartong toh. Ang liit nga nito eh.

"Hahha. Ilapag niyo na yung gamit niyo. Mamili nalang kayo sa mga higaan kung san kayo komportable." Sabi ko sa kanila.

"Ang ganda naman ng telang toh! Ang kapal. Tapos ang lambot pa!" tuwang sabi ni Jonas habang hinahawakan yung higaan na nakalapag sa sahig.

All About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon