Chapter 8

6 1 0
                                    

"Talaga gal? Binigyan ka pa nila nitong cookies?" tanong ni Hana habang paisa-isang dumdampot ng cookies.

"Woaaah! Ang swerte mo talaga gal! May bahay ka na agad, buti ka pa." Napabuntong hininga kaagad I Faith. Oo kasama ko naman sila, Kwinento ko din sa kanila yung tungkol sa cookies at sa bahay.

"Ano ka ba! Pwede naman kayo dito mag-stay ah? Limang kwarto naman yung nandito eh." Sagot ko kay Faith. "Wanna check out the two rooms for you two?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Of course!" sabay nilang sigaw. Kaya lumabas kami sa kwarto at tinignan ang kasunod na dalawang rooms. Pumasok kami sa unang room. "Wow!! Yellow lahat!" sigaw ni Faith. Well favorite color niya eh. "Can I use this room when I stay in?" Natutuwa niyang tanong skin.

"Oo naman, ikaw pa." sagot ko sa kanya.

"Aww! You're the best Chess!" Niyakap niya naman ako ng 3 seconds. Napatingin ako kay Hana na tinitignan ang ibang gamit.

"And guess the next door for you Hanayo!" Nae-excite kong sigaw.

"I wanna see! Wanna see, wanna." Nae-excite din niyang sabi. Iniwan muna naming si Faith habang nagsisitalon sa kama. Kami naman, dumiretso sa sunod na pintuan. Pagpasok namin. "O M G, I'm so speechless now." Naiiyak na sinabi niya. "These stuff rocks!! ORANGEEEE!!" sigaw niya agad. Lumapit siya sa mga stuffs at tinignan isa-isa. "Lahat ba toh, galing sa Korea?" Tanong niya sakin.

"Yes!" Sigaw ko. "Nagustuhan mo ba?" tanong ko sa kanya.

"Oo Chess! Sobra-sobra kong nagustuhan toh! Promise!" Niyakap niya kaagad ako. "Thanks" bulong niya sakin. After a sec, sumigaw si Faith at nagulat kaming dalawa ni Hanayo.

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!!!" malakaas niyang sigaw. Tumakbo kaagad kami sa sunod na kwarto.

"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ko.

"Okay ka lang?" Natatawa namang tanong ni Hana

"Hindi!!" Tumitili niyang sagot. Nagkatinginan kaming dalawa ni Hana. "Niyaya ako ni JP!! It's a date!! Obviously pinayagan ko siyang manligaw sakin. Kasi nga, matagal ko na siyang crush." Kinikilig na explanation niya samin.

"JP?!!" sabay na tanong naming ni Hana.

"Yes." Faith politely replied.

"So pumayag ka na ligawan ka niya?" tanong ni Hana na parang galit. "and without considering the both of us?" Naiiyak na tanong ni Hana kay Faith.

"Oh nga naman. Kami walang kamalay malay eh." Napa-pout nalang ako.

"Sorry na gals! Nadala ako sa kilig eh." Hindi naming siya pinansin. " Sorry na kasi." Naiiyak na siya ng sinabi niya yan.

"Kailan ba yang date na yan ah?" Tanong ni Hana. Agad namang ngumiti si Faith.

"Bukas. 6pm, and 2hours after our practice." Sagot niya.

"Bukas? So ready ka na? If need lang, may dress naman ako dito eh." Share ko sa kanya.

"Awww, It's so sweet to have you both!" kinikilig na sabi ni Faith samin

"OMG" sabay naming tatlong sabi. Kinikilig ako eh.

*Music Plays*

Kakatapos lang naming magpraktis pero itong si Jonas at Jordan, sayaw ng sayaw. Samantalang si JP at Faith nilalanggam na sa katamisan.

All About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon