Chapter 12

3 1 0
                                    

MIKE'S POINT OF VIEW

Natatawa ako kay Chessie kanina, Makita mo man lang na haggard na haggard kakatakbo sa hagdanan. Di ko nga alam kung sinong hinahabol niya. Naisipan kong pumunta ng Lost and Found Counter mag-update lang ako tungkol don sa kwintas.

"Good Afternoon po Ma'am" bati ko.

"Oh, hello po sir. Tungkol po bat oh don sa kwintas?" tanong nung babaeng mismong napagbigyan naming.

"Ahh opo. May balita na po ba kayo kung sino yung kumuha?" tanong ko.

"Yes, ito yung nilagay niya. At nagpapasalamat nalang daw siya sa inyo." Sagot niya habang inaabot yung Papel.

"Yuki Ishikawa?" tanong ko.

"Oo, halata namang half-Japanese siya. Naka-face mask pa nga siya nung kinuha yan eh." Paliwanag ni Ate sakin

"Ah ganon po ba? Salamat po!" sagot ko sa kanya. Agad naman akong tumakbo papunta sa Dance room, pero napahinto ako nang makita kong may hinihilang babae si Ken Ji. Medyo malapit lang ako sa kanila pero di naman nila ako napansin. At agad ko silang narinig na nag-usap.

"Pwede ba Nozomi!? Matuto ka namang rumespeto! Lalo na sa bagay na hindi sayo, kaya kung ako sayo! Ibigay mo na sakin yang Kwintas ko!" sigaw niya na rinig na rinig ko.

"Huh? Ito?" rinig kong sabi niya. Kaya sinubukan kong silipin sila para makita yung kwintas. O__O Si Ken yung may-ari ng kwintas? "Well, in one condition." Sabi ng babae

"I have no time for conditions nozomi! Pagdating sa bagay na importante sakin! I hate conditions!" sigaw niya.

"Well, di ko toh ibibigay. Nautusan lang ako ng Dad mo so Sorry." Sabi ng babae

"Okay! Then what's that damn condition?" tanong ni Ken na alam kong naiinis.

"Well, kailangan mo lang naman magpanggap na nililigawan mo ko. Syempre ako din, magpapanggap. And then pag ginawa mo yun, ibabalik ko sayo toh after 1 week." Sabi ng babae

"One week? What the heck are you saying? Ngayon na kailangan ko yan! Ayokong makita yan ni Chessie!" sigaw ni Ken. Si Chessie? At si Ken? Magkababata? Si Ken yung matagal na hinahanap ni Chessie? B-bakit ngayon pa!?

"Well, I don't care with that Chessie. At sino ba don sa tatlong babaeng yun yung Chessie na sinasabi mo?" tanong nung babae kay Ken.

"Basta. Ayokong mahuli niya ako. Kaya please ibigay mo na. Kasi starting this time until kung kailan mo gusto magpapanggap ako." Sabi ni Ken.

"Are you sure?" Natutuwang sabi ng babae

"Yes!" sigaw ni Ken

"Then, there you have it." Agad naman inabot nung babae kay Ken yung kwintas na binulsa niya kaagad. Nakita kong bumukas yung pintuan at palabas si Hanayo at Chessie habang nagkwe-kwentuhan

"So okay. Mauna na bye!" Agad namang hinalikan nong babae si Ken sa mismong lips. WHAT THE?! "Love you!" sigaw ng babae na agad namang umalis patungo sa direksyon ng dance room. Nakita kong gulat na gulat si Hana at Chessie. Na hanggang ngayon gulat na gulat na nakanganga. Ito namang si Ken pinahiran ng pinahiran yung lips niya.

"Bwiset na babae!" sigaw niya.

Napasok ulit sa isipan ko si Chessie. So si Ken? Yung bestfriend na kauna-unahan niya? What on Earth! Sana hindi mahalata ni Chessie. Oo, I admit it. May gusto ako kay Chessie, simula pa ng naging classmates kami nung Gr. 7 hanggang Gr. 8 tapos Gr. 9 at ngayon hindi na. Ewan ko hanggang ngayon may gusto parin ako sa kanya. Halos walang nagbago sa nararamdaman ko. Ay mali, meron pala. Mas minahal ko siya ngayong kasama ko siyang sumayaw. Ewan pag kasama ko siya sa pagsayaw, napapahataw nalang ako sa tuwa.

"Hindi pwedeng malaman ni Chessie ang lahat." Bulong ko sa sarili ko. Mahal kita Chessie! Kaya dapat akin ka lang. Don't even admire Ken, Admire me. Phewww nakakangalay ng umupo, napatayo naman ako sa pwesto ko at dumiretso kaagad sa room. Ayun nadaanan ko lang si Ken na nagmumukmok.

Nadatnan ko naman sila Hana at Chessie na nakanganga parin ngayon. "Oyy!" sigaw ko sa kanila.

"Ayy malandi!" sabay nilang sigaw.

"Wow, nilalandi ko kayo?" natatawa kong tanong "Ang pogi ko naman para lumandi" pang-aasar ko sa kanila.

"Joke lang, di ikaw yun." Natatawang sabi ni Hana

"Lah, pogi ka dyan! Upakan kita eh" natatawa ring sabi ni Chessie. "Sige Mike, una na kami ah?" Paalam ni Chessie sakin

"Sige, Ingat kayo pauwi." Sagot ko sa kanila.

"Ingat ka din" sabay nilang sabi at agad na umalis. Whoo! Kinikilig ako ah. Medyo. Di lang halata. Kinuha ko kaagad yung phone ko. Napangiti naman ako sa Wallpaper ko.

"Ang cute" sabi ko mag-isa. Tinitignan ko yung picture namin ni Chessie nung magkasama kami sa Bridge. Yes, inupload niya yung photos then sinave ko naman. Natawa nga ako sa mga ibang comment eh, Tingin nila kami na. Oo kami na! Pero ako lang may alam.

"Huli ka!" sigaw ni Lorenz na tumatawa. "Hindi mo nga nililigawan si Chessie pero may picture kayong dalawa?" sigaw niya.

"Baliw! Mahabang storya yan!" sigaw ko sa kanya.

"Weeeeeee? Totoo?" natatawang sabi niya sakin

"Oo, plinano ko lahat." Natatawag sabi ni JP.

"Edi shing!" sigaw ni Lorenz na agad namang tumakbo palabas.

Napatingin naman sakin si JP at Faith. "Nice one Mike!" sabi ni JP.

"Huh?" Nagtataka kong tanong.

"Wala." Sabi ni Faith na natatawa din.

"Kayo ah? Porket kayo na pinagkakaisahan niyo na ako." Natatawa kong sabi.

"Ewan ko sayo!" sigaw ni JP. Agad ko namang hinablot yung bag ko at naglakad palabas

"Una na ako sa inyo Lovebirds" paalam ko sa dalawa.

"Sige." Sabay nilang sabi. Sana ganon kami ni Chessie. Sweet, laging magkasama, di nagkakahiwalay, at alam kong di mangyayari yun.

CHESSIE'S POINT OF VIEW

"OMG! You see that girl the way he kissed KEN?" natatawa at gulat na gulat kong tanong kay Hanayo, Well nakita lang naman naming na hinalikan nong girl na malandi si Ken.

"Yeah! That ugly bitch kissed my husband! She's gonna pay for that." Naiinis na sagot ni hanayo. Well ito, pauwi na kami nakasakay na sa sasakyan namin kasama si Kuy Dan as usual.

"Grabe talaga yung mga ibang babae po ngayon Miss noh? Agad nalang hinahalikan yung lalake." Kwento ni Kuya Dan samin

"SOBRA kuya Dan! Super! NAPAKALANDI NG IMPAKTANG YUN!" sigaw ni Hana.

"Easy gal" pagpapakalma ko sa kanya.

"Tssk" rinig kong sabi ni Kuya Dan.

"Uhm, nga pala. Miss Chess, ba't hindi niyo po kasama si Miss Faith?" tanong ni Kuya dan samin

"Well alam mo naman yun. May lovelife na eh. Ngayon niya daw balak na sagutin si JP kaya pinauna niya na kaming umuwi." Sagot ko kay Kuya Dan

"Haysst, iba na talaga pag may karelasyon na yung kaibigan mo. Minsan kailangan niya pang hatiin yung sarili niya para sa kaibigan at jowa niya." Natatawang sabi ni Kuya Dan

"Yun na nga Kuya Dan eh." Napabuntong hininga nalang agad ako.

"Pero di naman ganon si Faith kuya Dan. She's our buddy. Alam kong di niya kami iiwan basta basta nalang sa ere noh." Natatawang sabi ni Hana.

"Yeah, She's still our Bestfriend" pahabol ko sa sinabi ni Hana.

All About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon