Chapter 10

3 1 0
                                    

Nakakapagod kagabi.. Kinuha ko kaagad yung phone ko. Wala rin naman kasi kaming pasok ngayon eh. Mamayang hapon pa practice namin. Bumangon kaagad ako, "Aray! Ansakit ng leeg ko." Dahil yata to sa kakaikot ko ng ulo ko kagabi habang kumakain.

*Yesterday*

Naghanap kami non ni Mike ng makakainan. Nalibot na naming yung buong Venice. Grabeh ang ganda dito. Pero gutom na talaga ako ng mga time na yun eh.

"Mike" napatingin ako sa kanya. Inikot ko yung ulo ko. "Nagugutom na ako.." Naiiyak kong sabi.

"Oo na, saglit lang. Aakyat na tayo wait lang." Napahinto naman ako kasi pagod na ako kakapose sa pics tapos lakad ng lakad sakit pa ng tiyan ko. Lumapit naman siya at hinawakana at hinila ang kamay ko. "Tara." Hinila niya ko papunta ng escalator na papunta ng second floor.

Kuminang agad ako nang paglingon ko nakita ko kaagad yung McDo. "Ayun McDo~" turo ko sa kanya nang makarating kami sa taas.

"Oh, ano na? Pumasok ka na don." Sabi ni Mike sakin na napahinto. Napa-pout ako at hinila siya. "Syempre kasama kita." Sabi ko sa kanya. Narinig ko siyang ngumiti at tumawa ng mahina. Nang makarating kami don sa counter, tinanong ko kaagad si Mike "Anong gusto mo?"

"Ako na bahala. Pumunta ka na don at maghanap ka na ng mauupuan natin dahil alam kong pagod ka na." Sabi niya sakin.

"Sige bahala ka diyan." Sabi ko sa kanya. At naghanap kaagad ako ng mauupuan namin. Nakita ko yung 2 seats na bakante. Don ako pumwesto. Well nasa may salamin nga lang. Pero okay na.

Habang naghihintay ako inikot-ikot ko yung ulo ko. "Hayss ang sakit" bulong ko sa sarili ko. Ilang minute lang dumating na si Mike na may dalang pagkain.

"Spaghetti at Chicken?! Alam mong paborito ko toh?" tanong ko sa kanya.

"Hindi, pero paborito ko rin toh eh.

"Sagot niya. "Talaga? Wowww! Same pala tayo." Nakangiti kong sinabi sa kanya.

He smirks. "Ayan na, kumain ka na para ma-energized ka. Ihahatid nalang daw nila yung dessert." Sabi niya sakin.

"Yay!! May dessert." Agad naman akong kumain. Siyempre gutom ako eh. Wala akong pake pag kumakain ako. Wala akong pake kung madumihan ang ukha ko basta mabusog ako. Sapat na. Pero sa oras na toh, alam kong madumi na ang mukha ko. Nakita kong hawak ni Mike yung phone niya at may katext yata. Kaya di ko nalang pinansin. A few seconds *click* narinig kong tumunog yung phone niya. Napatingin naman ako sa kanya.

"Ano yan?" tanong ko.

"Wala, nagselfie lang ako." Napatawa naman siya sakin. "Para ka talagang bata." Sabi niya sakin habang nakangiti. Napatigil naman ako sa sinabi niya. Di naman ako bata ah. Napansin kong kinuha niya yung Tissue at *pok* pinunasan yung pisngi at labi ko. Grabeh umabot sa pisngi ko ah.

"Thank You!" Nakangiti kong sabi.

"Umayos ka nga sa pag-kain mo diyan." Sabi niya sakin. Pero kumain nalang ako.

Hanggang sa naubos ko yung foods ko, at kumakain palang siya. Napalingon ako sa paligid. At bumalik yung tingin ko kay Mike. Napangiti naman ako ng napansin kong may dumi din siya sa gilid ng labi niya. Agad ko naman hinablot ang phone ko at chiccc. Nakuhanan ko siya ng di niya alam. Oh diba. Ang galing ko. Nakalimang pictures pa. HAHAHAH lagot ka sakin Mike!! HAHAH Kinuha ko kaagad yung tissue ko, agad naman siyang napatingin sakin. "Bakit?" tinakpan ko yung bibig niya ng tissue, at syempre inayos ko yung pagpunas. Napangiti naman siya sakin.

All About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon